Wala naman traffic pero wala na ring araw ng makarating kami sa kanila..
Nang makapasok ang sasakyan sa garahe ay bumaba na agad si Zerup at binuksan nya ang pintuan sa gilid ko kaya agad din akong bumaba. plano ko kasing pag masdan ang bahay.Nang makababa ako ay namilog sa gulat ang aking mga mata at napanganga ako sa ganda. Grabe ang laki hindi ata bahay ang tawag sa ganito mansyon! tama mansyon to hindi bahay! Pinaghalong itim, grey at cream ang kulay nang mansyong aabot ng ikatlong palapag
Nang tumingala ako ay lalo ako namangha. Mula sa liwanag ng buwan kita ko ang puno ng nyog at matatabang puno sa rooftop. Ang galing bakit nandoon ang puno?
Inikot ko pa ang tingin ko at sinuyod kong maiigi ang mansyon nila Grey. nakaagaw ng pansin ko ang tila maliit na kanal sa pader ng bahay. May ilaw nang silipin ko kung ano iyon,
Nakita ko agad ang lalim neto at ang malalaking isdang lumalangoy rito nakakatuwa naman!Meron silang mini ilog hahaha!! Sapa ba? ilog yun diba? Ano ba HAHA nagulo na ko.
Sabi nya kanina mejo mayaman na sya! bakit parang sobrang yaman naman ata nila.Sa lalim nang iniisip ko ay
Tumukhim si Zerup. bigla naman ako nahiya sa ginawa ko."Pasok na tayo mukhang masususpresa si Grey pag nakita ka nya rito " ani ni zerup na hindi nakatingin sa akin.
Lumakad na kami papunta sa itim na double doors tawag dito? pintuan basta pintuan haha! ang mga gamit ko ay bit bit nang isang lalaking hindi ko kilala.
Nang bumukas ang double door ay mas lalo ako naaliw. ang ganda nang mansyon maraming katulong ang sumalubong Ay taray parang Boys over flower lang ampeg ni Zerup hahaha!
Naglalakad kami papasok nang may sumalubong na hindi katandaang katulong ata kasi nakauniform.
"Janeng kamusta si Grey ?"
Tanong nya sa katulong
"Ayus naman sya zerep kaso hindi nanaman sya kumain at nagiiyak nanaman ayaw nya kaming lumapit sa kanya si manang lang daw "
Sagot nang nagmamagandang katulong"bakit sya umiiyak? " panghihimasok ko
"At sino ka naman para magtanong ang mga bagong katulong dito ay walang karapatang mangialam sa usapan nang amo mo "
Nagtawanan ang ibang katulong na syang nagpainit nang ulo ko
Nilingon ko muna si Zerup para humingi nang patnubay haha!
Tumango naman sya. gusto masamplelan nitong katulong!"Ah ganun ba? Bakit hindi mo kaya simulan magimpake? Para mapalayas ka na nang amo mo "
Nakataas pa rin ang kilay nyaHindi pa sya nakakasagot nang lumabas ang isang matanda sa ikalawang palapag at kasunod neto si Grey
"MOMMY WELCOME HOME!!!!!! "
Tinakbo ng bata ang pagitan namin at mainit nya akong niyakap nang mahigpit. ito yung napaka sarap sa pakiramdam na namimiss ko yung ganitong may anak hindi ko nararamdaman na magisa na lang akong nabubuhay. gusto maiyak pero may mga Mukha galunggong sa harap ko.
"Manang palayasin mo na yang mga katulong na yan isama mo lahat nang tumawa kanina " malamig na utos ni zerup sa matanda at lumakad na patungo sa kung saan.
Nilingon ko ang mga katulong nakita ko pamimilog nang mata nila at pagkaawang ng bibig sa gulat. ang kaninang matataray ay naluluha na ngayon naglakad na si manang at may binulong sa lalaki kanina
"iha tara na sa hapag nang makakain na kayo!"
Tumango ako at binuhat ko si grey napaka gwapong bata! kung ako nanay mo kaya ko ipagpalit kahit ang marangyang buhay maalagaan ka lang. sa lalim nang iniisip ko ay di ko namalayan na nasa dining na kami.
"mommy kakain po akong rice subuan nyo po ako ahh!! "
Ngumiti pa ang bata na pagkatamis tamis
"sige baby gusto mo ba uli sa kamay ni mommy? Tara hugas muna tayo nang kamay"
Nang magsimula kami kumain ay tawa ako nang tawa kay grey kasi parehas kami gusto yung nabubulonan na bago ka iinom nang tubig.
Maraming nakain ang bata kaya tuwang tuwa rin si manang nang lingunin ko si zerup ay agad ko nakita ang ngiti sa kanyang mata pero may lungkot pa rin bakit kaya?"ay sya nga pala iha! inilagay ko na ang mga gamit mo sa kwarto ni zerep ahh! para pagkatapos ay makapagpahinga muna kayo ikaw grey matulog ka na ahh. magpapahinga ang mommy at daddy mo. "
Humagikgik ang bata at sumagot
"opo manang!"
Bakit sa kwarto ni zerup? Ano yun magtatabi kami abah! Hindi pwede yun ah pero sa bagay kasama sa pagpapanggap ko ang maging asawa nya diba?
Tumango na lang ako pagsangayon.
Nang matapos kaming kumain ay hinatid ko si grey sa kwarto nya at pinaliguan ko tulad nang gusto nya.Gusto pa sana magpakwento sa bata nang kwento ngunit biglang bumukas ang pinto
"yucy mauusap pa tayo bilisan mo jan goodnight kiddo! Sweet dreams "
"yeah! dad goodnight "
Sagot nang bata.
At natulog na ako naman ay lumabas nang kwarto. nagulat pa ako nang datnan ko roon si zerup."Ano ginagawa mo jan?"
"ano pa nga ba edi inaabngan ka antagal mo naman pagod kaya ako pinagantay mo pa ako! " parang batang nagmumokmok
Sa hiya ay hindi na ako umimik.
Sumunod na lang ako sa kanya. kung saan sya pupunta pero nagulat ako dahil nagtanong sya nang di ko inaasahan."hindi ba sobra yung ginagawa mo kay grey? Baka hanap hanapin nya yun? "
"huh? Sobra ba? Sakto lang naman ahh! "
Napaisip ako sa sinabi nya ganun ba kasobra? nahalata na agad nya siguro ay ganun lang talaga ako magmahal o magpahalaga diba? kaso hindi ko alam kung hanggang kilan uli itong tyansang binigay sa akin na makasama ko ang bata. sya lanh nagpaparamdam sakin na may kapamilya pa rin ako na hindi ako nagiisa.nalungkot nanaman ako sa sarili ko iniisip.
"kasi sobra mo syang alagaan? baka hanap hanapin nya paano pag iniwan mo na sya? paano na yun? "
"Ano bang sinasabi mong iiwan? mananatili ako sa tabi ni grey hanggat kaya ko " walang pagaalinlangan kong sagot sa kanya
"Paano kung magkaroon ka nang anak? "
"hindi problema yun! edi may kapatid na sya diba? hindi mo kasi alam ang pakiramdam na maiwan! ako alam ko yun! zerup kaya hindi ko ipaparanas kay Grey yun. "
Tama sobrang sakit maiwanan nang lahat. kaya hanggat kaya ko! pananatilihin ko ang pag papanggap ko gagawin ko!gagawin ko! Okay na ako ang mahirapan!wag lang yung batang walang kaalam alam! hindi ko man sya kadugo ay ayoko matulad sya sa akin na sa murang edad ay iniwan nang lahat pinagdamutan nang lahat.
BINABASA MO ANG
WANTED : MOMMY (EDITING)
Narrativa generaleHIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in general fiction HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in pain HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Mommy HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Pretender HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Daddy. Si Lucy Vasquez ang babaeng wala ng lahat nang m...