chapter 34

17.5K 311 7
                                    


Nang makapasok na kami sa bahay, ay lalong humilab ang tyan ko.

"Haaaaaaaaaaaaaaa! manganganak na ako haaaaaaaaaaaaa!"

Hindi na ako nakakapagisip nang ayos, dahil sa nararamdaman ko, pero alam ko na pitong buwan pa lang itong dinadala ko.

Nataranta  na ang mga katulong maski si papa ay natataranta na.
agaran akong binuhat ni Zerep para isakay sa sasakyan nya, sa bilis nang pagmamaneho nya di ko alam kung aabot pa ba kami nang buhay sa hospital.

Naririnig ko pa ang mga bulong bulong na mura ni zerep.

"Hon hold on okay? relax! " pagpapakalma nya

"Tanginamo relax? mas mukha ka pang stress sakin! gusto mo ikaw manganak?"

Agad ko din kinalma ang sarili ko kahit ang sakit sakit na.

Nasa gitna na kami nang kalsadang one way, nang may sumalubong na sasakyan sa amin.

Hindi ako maari magkamali sasakyan yun ni Glen huminto na rin si zerep

Nilingon ko si zerep, nang takot na tingin alam ko mali, pero nakaramdam ako nang takot nang takot kay Glen. dahil sa ginawa nya o sa nagawa nya na hindi nya pa inaamin sa akin.

Bumaba si zerep nang sasakyan, ganun din ang ginawa ni Glen.

"Umalis ka dyan! manganganak na si Lucy! " pasigaw na sabi ni Zerep kay glen na agad nagpataranta sa lalaki.

Dali dali sya umalis sa pagkakaharang at sumakay na si zerep sa sinasakyan namin at pinaandar muli.

Hindi na nya inalintana ang nakasunod na si Glen samin.

LORD! ALAM KO MAHAL NYO KAMI PAABUTIN NYO PO KAMI SA HOSPITAL! IKALMA NYO PO ANG TATAY NG MGA ANAK KO.

"Kahit anong mangyare lucy wala kang narinig. wala kang alam,  naiintindihan mo? hindi ako makapayag na may mangyareng masama sa inyo nang mga anak ko, kailangan mo magingat sa kilos mo. walang dapat makaalam na may alam ka, kahit ang papa mo. "
Mahinahon nyang sinabi

Kahit na anong sakit ang iniinda ko ay sinunod ko ang sinasabi nya.

"please hon! just this one, magtiwala ka sakin, nung una oo nagkamali ako, nagkamali ako! na naniwala ako sa mga plano ni Rea! Pero nang marealize ko na wala ka na sa bahay, sa tabi ko at sa piling namin ni Grey. agad ko yung pinagsisihan. nagpakain ako sa selos ko, nagkulang ako nang tiwala sayo.
sana mapatawad mo ko Hon, iloveyou!iloveyou so much. hindi ko na kakayanin mawala ka uli, baka tuloyan na akong mabaliw "

Bawat salita nya ay pumapasok sa puso ko, kasama nang sakit nang paglalabor ay damang dama ko ang sakit sa kanyang mga salita.

Mali rin ako, hindi kita kinausap at umiwas ako sayo.
hinayaan ko sirain ni rea ang pamilya natin.

Nakahawak sya sa kamay ko, habang ang isa ay nasa manibela.
hindi na dadaig nang sakit ang pintig nang puso nang taong kinikilig.

"Nang mahuli ko sa kwarto na kausap ni Rea si Glen, ay pinalayas ko na sya sa bahay hon, Mahal nya si Glen! si Glen ang Mahal nya, inutosan sya ni Glen! na sirain tayo para bumalik ka sa kanya, kaya please! please kahit anong mangyare wag mo ipahalata na may alam ka. nagmamakaawa ako hon, hindi ko kakayanin kung pati mga anak natin ay paglalaruan nila, si Rea umiyak umiyak sya sakin at sinabi nya lahat, pero galit na galit sya sayo kaya hindi ako aalis sa tabi mo, kahit ipagtabuyan mo pa ako! "

Napaiyak na ako sa sinasabi nya, ang lalaking mahal ko ay umiiyak dahil sakin, nasasaktan dahil sakin.

Walang may kasalanan sa amin, tanging pagmamahal lang ang umaalipin sa mga tao.
kaya dapat kang sumabay, dahil kung hindi maaring sirain ka nang sarili mong pagmamahal.

Nang makarating sa Hospital, ay agad nila ako binuhat.
ang sakit sakit na! pero pinilit ko wag sumigaw.

May narinig akong babaeng nasasaktan sa kabilang kwarto,
At hindi lang yun kahit mismong kasa nang baril ay narinig ko.

/(SEGWAY 😂)/

"*Kasa nang baril * " bubuhayin mo ang anak ko o ikaw ang tatanggalan ko nang buhay! "

------

Bigla ako kinabahan sa narinig ko, kaya mas lalo ko pinilit na manahimik kahit ang sakit sakit na.

"LALABAS NA ANG BATA DALHIN NA SYA SA OR !"

Gumalaw ang kinahihigaan ko,
patuloy sa pagandar paliko liko, kahit na hilong hilo na ako ay nakita ko, nakita ko inihinto nila ang higaan at agad na bumukas ang sobrang liwanag na kwarto,

pawis na pawis akong Umire.

"Ire pa misis!"

"HAAAAAA aaahow ahow ahow!"

"Isa pa!"

"Haaaaaaaaaa ahow ahow!"

"Ayan na ang bata lalabas na Yes mommy little Boy! Yes Next please"  

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon