chapter 37

17.4K 318 20
                                    


Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Zerep, kasama rin namin si Glen.

Tahimik kami habang nasa beyahe, pero ang isip ko ang ingay ingay, halo halo na ang naiisip ko.

Nalulungkot ako para sa anak ko, hindi nya dapat nararanasan to, kakalabas nya lang sa mundo nadamay na agad sya.

May sinabi saming lugar si Glen, na maaring pagtaguaan nila.
kaya kumilos na kami nagaantay na rin ang operatiba para tumulong samin.

Nagtext din kanina si Rea, sinabing kung saan kami magkikita pumunta na ang mga pulis doon. dahil sabi nila baka trap lang yun.
nawala ang iniisip ko nang may magtext sa cellphone ko.

Roses are red, violets are blue.
Listen to the baby's cry, wait until HER tears gone dry. Don't make me wait, or the baby will die. Come fast, or my patience come to last.

Kahit na nilalakasan ko ang loob ko hindi ako mapakali sa nabasa ko.
Kasunod nun ay sinend nyang Voice record na iyak nang bata, nang iplay ko ito ay para akong nabuhosan nang malamig na tubig.

"UWAAAAH UWAAAH UWAAAHH "

napalingon sa akin ang dalawang lalaki sa harapan umiyak na ako rinig na rinig ko ang hirap nyang pagiyak.

Bakit si Violet pa? sana ako na lang ang umiiyak at nahihirapan dyos ko!! tulongan mo ako, di ko na alam ang gagawin ko.

Nang makarating kami sa likod nang bahay na sinabi ni Glen, ay hindi ko makakalimutan itong bahay na to, ito ang bahay na una kong tinirahan bago ako naging palipat lipat kung kani kanino.

"wag kayong maingay shhh!"nakayukong sita si Glen.

Dahan dahan kami pumasok sa bahay, maingat na chinichek ang mga kwarto.
nang may makita kami mga bantay mula sa harap nang bahay at sa sala ay kinabahan agad ako, pero hindi! hindi ako makakapayag na magpakain sa kaba ko.

Nang malapit kami sa isang kwarto ay narinig ko agad ang iyak nang anak ko. nang sinilip ko ito ay kitang kita ko na buhat buhat sya ni Rea,
Nilapag nya ang bata nang tumahimik.

"Marami daw bantay sa baba nang bahay nandyan na ang mga pulis! "
Bulong ni Glen kay zerep may hawak na silang mga baril

Bago ko pa man silipin uli ang bata ay nagsimula na ang putokan nang baril, may mga bumaril na rin banda sa likuran ko nakikipag barilan na si zerep at glen.

patuloy na ang palitan nang putok ng baril.

Naglakas loob akong pumasok sa kwarto.
may baril ako sa likod at kaya kong pumatay nang tao para sa Kaligtasan nang anak ko.

Nanlaki ang mata ni Rea, sa ingay ng putok ng mga baril lalo nang makita nya ako.

"Hindi mo ba inaasahan ang pagdating ko?  " kampante kong sagot dahil wala syang hawak na baril. 
bumunot sya nang baril kaya tinakbo ko ang pagitan namin at tinalunan ko sya.
Napahiga sya at napaupo ako sa tyan nya.

"Tanginamo ka! namumuro ka nang hayop ka! mangaagaw ka! " 

Inagaw ko ang baril nya agad na tinapon sa malayo boung lakas ko syang pinagsasampal.
Hinablot nya ang buhok ko kaya nag pagulong gulong kami.

"ikaw! ang mangaagaw nanahimik kami ni Glen, mamahalin nya na ako kung hindi ka umeksena! kung hindi ka nya nakita! "  sinampal nya ako kaya nandilim ang paningin ko.

Sinikmuraan ko sya, sabay sinipa ko ang mukha nya. nakahiga uli sya kaya inupoan ko uli ang tyan nya kinalmot kalmot ko ang mukha nya.

"Sinabihan na kita! pagumulit ka hindi lang sampal ang nararamdaman mo! "

Sinikmuraan ko uli sya, nanghina sya pero nakabawi rin agad.
Hinila ko ang damit nya, sinigurado kong magugutay gutay yun

Sa mga sandaling ito rea maling tao ang kinalaban mo.

Walang humpay na putokan sa labas ang naririnig ko, may malay pa si rea kaya sinulit ko na ang pag kakataon, pero nagkamali ako nang hakbang, kaya nadaganan nya agad ako.
hinila nya rin ang damit ko, kitang kita na ang panloob ko tyaka sya ngumiti nang nakakaloko.

Hindi ngayon rea! kung dati nagpatalo ako sayo, hindi na ngayon! sisiguradohin wala ka nang makukuha sa akin sa pagkakataon na to. 

Sinapak ko nang deretso sa mata nya kaya napaatras agad sya.
Nang makabangon ay sinugod nya uli ako.

,"HAYOP KA IBALIK MO ANG BUHAY KO!  ANG TAONG MAHAL KO! " sigaw ni Rea na maluha luha.

Sinabunotan nya ako kaya sinabunotan ko rin sya, nang makakuha ako nang bwelo ay hinagis ko sya sa pinakamalapit na pader.

Tangina ka! partida kakapanganak ko pa lang. 

WANTED : MOMMY (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon