Nang magising ako ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
nang makababa ako ay nakita ko silang magkasamang kumakain nagtatawanan sila. Ang sakit sa mata, sa puso, sa utak ang sakit isiping di na nila ako kailangan.Umupo ako kasama sila. kinapalan ko na mukha ko, syempre magama ko sila ei mahal ko sila, kahit na parang di na nila ako kailangan. bigla silang natahimik.
"Goodmorning guys! " nanghihina kong sinabi at uminom lang ng tubig. umakyat na agad ako, di ko masikmura na ganun sila sakin.
Nagpatuloy ang ilang araw na ganun sila sakin.
ngunit patuloy pa rin ang pagaasikaso ko sa kanila, lalo na si Grey patuloy ang paghahatid at sundo ko sa kanya.Kahit na maging si zerep, ay kung may pagkakataon ay inaasikaso ko pa rin, kahit na sobrang lamig nang pakikitungo nila sakin.
kahit na pakiramdam ko, multo na ako sa bahay na to.
natatanging katulong na lang ang kumakausap sakin, maski si zerep ay hindi na ako kinikibo, ilag na kausapin ako.Nilagay ko ang coat na gagamitin nya sa kama.
Ngayong araw, maglalakas loob ako na kausapin sya.
kahit alam ko na magmumukhang lang akong tanga, wala akong magagawa dahil ito ang pangako ko."Zerep sa kontrata kilan ba yun matatapos? " nanginginig ang kamay ko kaya tinago ko sa likod.
Tanong ko sa kanya nang makalabas sya nang banyo.
"Madaling madali ka ba iwanan kami? " malamig nyang turan tila ba ako ang nagkukulang sa kanila.
"hindi sa ganun! kasi kita ko naman na masaya na ka- kayo "
Napayuko ako, para di nya makita ang luha lumandas sa aking mukha.
kahit tanggap ko na ay hindi ko maiwansang hindi masaktan, tuwing naiisip ko lalo na ngayon na nasabi ko."hinatyin mo lang na magkaayos
silang magina. "parang walang pakilam sa sinasabi ko tinalikuran nya ako at Lumabas na sya nang hindi ako nililingon.Bumaba ako para tumulong kila manang, gawaing bahay ang pinagkakaabalahan ko nasasanay na rin ako na sila ang kausap ko araw araw.
"Iha parang tumataba ka ngayon? Aba kakaiba ka ahh! ikaw ang stress na tumataba haha! "
Pagbibiro ni manang, sila na lang nagpapagaan sa loob ko ngayon, minsan ay nakikitulog na lang ako sa kanila para hindi ako makaramdam nang lungkot.
"Manang talaga! syempre manang hindi na ako aktibo sa pagaasikaso sa kanila! kaya nanaba ako kain kasi ako nang kain haha! " nagagawa ko pa tumawa kahit ang bigat bigat nang dinadala ko.
"oh ito na ate lucy yung hinihingi mong Mangga! sukang maanghang na may kalamansi! nangangasim talaga ako sa mga trip mo " nakangiwing sabi ng anak ni manang
"hahaha akin na! kanina pa ako nagugutom malutong ba tong binili mo ?"
Tuwang tuwa ako kasi kanina ko pa to gusto
"aba oo naman! nakaraan ay umiyak ka dahil sa hinog na ang nabili ko hahah!"
Natawa ako sa sinabi nang anak ni manang.
sya nga ang taga bili ko, kami lang naman naiiwan dito, sa tanghali nakahiligan ko na rin maglakad lakad dito. minsan naman ay tumatambay ako sa rooftop kung saan nakakapag isip isip ako.Pinaghahandaan ko na rin na baka sa sususnod na mga araw ay papaalisin nila ako rito.
kasi wala na akong silbi, iniisip ko kung anong gagawin ko.Tinititigan ko ang cellphone ko, isang number lang meron ako rito number ito ni ate grace, yung katrabaho ko dati iniisip ko rin na paghahandaan ko na kung ano gagawin ko sa buhay ko.
Dumaan pa ang ilang linggo, patuloy pa rin ang malamig nilang trato sa akin tila mas lumala pa.
Pero netong mga nakaraang araw ay nagiiba na ang mga mood ko, nagiging madamdamin na rin ako kaya naisipan ko na mag pacheck up.
Kasi baka may sakit na ako,
Naiisip ko rin na baka buntis nga ako dahil sa mga senyales.Ngayong araw ay normal na araw lang ang mga nangyare ay mali gabi na pala hahaha!
Nagagawa ko nang biruin ang sarili ko, siguro ay nababaliw na ako haha!
Naglakad ako pababa, nang may narinig ako ungol nung una ay kinilabutan ako. nang hanapin ko kung saan nanggaling iyon ay nakita ko mula sa dati naming kwarto ni zerep.
Dahan dahan ako naglakad, sinigurado ko na hindi nila ako maririnig.
nang malapit na ako ay biglang bumilis ang tibok nang puso ko, dahil nakita ko na nakaawang nang kunti ang pintuan.Agaran kong sinilip ang kwarto,
pero parang malaking yelo ang sumampal sa mukha ko.
nanigas ako sa kinatatayuan ko at hinayaang magpatuloy ang mga luhang hindi nagpapaawat.Nahihirapan akong huminga, hirap na hirap. hindi pumapasok sa isip ko kung anong nangyayare, bakit sila nakaganyan?
Bakit? bakit? Kala ko galit lang sya sakin!! bakit ganyan bakit?
Hindi ko alam kung ilang bakit ang nasabi ko sa utak.
Habang pinapanood silang winawasak ang boung pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
WANTED : MOMMY (EDITING)
General FictionHIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in general fiction HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in pain HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Mommy HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Pretender HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 in Daddy. Si Lucy Vasquez ang babaeng wala ng lahat nang m...