//12//

3.5K 49 4
                                    

Faye’s POV :)

Nagbell na, pumasok na ko sa unang klase ko kung san kaklase ko pa si Ysabelle.isa sa mga dating kaibigan ko

"Faye sorry!" pabulong nyang sabi sakin "sorry kung hindi kita pinagtanggol kahapon natatakot kasi ako kay Dash, alam mo namang sya lang ang dahilan kung bakit ako nakapasok dito, sorry talaga!"

"Look Belle, I’m not mad or anything wag ka na lang sigurong makigulo samin ni Dash if pipiliin mo ko dont worry tatanggapin pa din kita!" sabi ko tsaka ko ulit pinagpatuloy ang pagsusulat ko ng lecture.

"sorry Faye pero kailangan kong nagstay sa side ni Dash dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya!"

"okay, thats fine dont feel bad!" dumeretso na lang ulit ako ng tingin sa blackboard.

Mga tao talaga ginagamit ang kahinaan ng iba para mahawakan sila sa leeg. Ginagamit ang pera para lang makuha ang gusto nila

"Okay class let’s go back to our topic...." pagpapatuloy nung prof namin sa lecture.

After ng first class dumeretso ako sa may soccer field. ang mahiwaga kong tambayan. may klase pa si Charles e si Reanne naman di pa sumusulpot

Binunot ko na lang yung bermuda grass habang nakikinig ng music nang nakahead phones ako.

Naisip ko lang ano kayang kahihinatnan ng away namin ni Dash? Nung pagbibigay ko ng chance para samin ni Charles at yung paghahanap ko sa tunay kong pamilya, is it worth it?

Biglang nawala yung pinapakinggan kong music

"Lalim ng iniisip ah, pwede nang hukayin! ubos na yung bermuda grass" tumingala ako para makita ang mukha nya

Si Brix pala, he looks better kesa nung huli ko syang makita

"Hindi naman! iniisip ko lang kung pano isosolve yung isa kong assignment sa calculus!"

"Wala akong maitutulong dyan haha! I hate numbers! By the way thank you nung last time!"

"Wala yun! what are friends for haha!" umupo na sya sa tabi ko habang nagsasalita ako.

"wow, nakakataba ng puso tinuturin mo pala akong kaibigan!"

"Babawiin ko na lang!"

"Eto naman joke lang e, basta if I can pay you back sa ginawa mo para sakin sabihin mo lang!" sabi nya pa habang inaayos yung key chain ng bag nya

"anyway, yung about sa parents mo?"

"Pasasaan ba at masosolusyunan ko din to, wag mo kong intindihin!" ngumiti sya ng medyo mapait "Ayan time na ko, alis na ko ha?"

"Ingat Brix!"

Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig ng music ng maramdaman kong may tumabi sakin.

Tinanggal ko ang headphones ko

"Hi!" bati nya sakin, I just raised my eyebrow, wala naman akong kailangang sabihin sa kanya e. Hindi kami close "I’m Cadey!"

"I know! sikat ka dito dont worry!" nagbasa na lang ako ng libro ko

Gusto kong marinig ang mga sasabihin nya pero wala namang use kahit sagutin ko ang mga sinasabi nya. I just want to hear it

"Pede kitang tulungan about sa away nyo ni Dash pwede natin syang pabagsakin!" natatawa ako sa pinagsasabi nya.

Do she really think na sa katulad nyang babae ako makikipagkasundo. And kaya ko ang sarili ko. Hindi ako naasa sa iba at kung aasa man ako mabuti nang kay Reanne na isip bata na lang.

The MAFIA QUEEN wannabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon