Depresyon, ito ay totoo.
"Paano ba maging masaya?"
Tanong ko.Nararamdaman ko ito,
Ngunit may kapalit.
Ay, oo. Inuutang ko ito.Bakit gano'n?
Bakit hindi pwede mag tagal?
Bakit ayaw tumalab sa'kin ng
"Happy lang, walang ending"?"Iniisip mo lang yan, hindi yan totoo"
Pero nararamdaman ko ito.
Mahirap para sa'kin na aminin ito,
Kaya ngayon, pakinggan mo'ko.Iniwan ako, maraming beses na,
Nag umpisa ito sa aking ina.
Pinili niya ang iba,
Kasi wala na kaming pera.Iniwan niya ako, nasaktan ang aking ama.
Ako nag bayad ng mga utang niya.
Ang utang niya sa pamilya ng aking ama,
Kasi kabit lang siya.Ang ama ko na minahal siya ng tunay,
Iniwan niya at halos mawala sa katinuan ng tuluyan.
Mga kuya ko, sampung taon ako hindi kinilala.
"Anak ka sa labas" "kabit nanay mo"
Oo alam ko. Sige, ipa mukha mo.Aking ama, lasing ka na naman.
Suka dito, suka doon. Lilinisin ko na naman.
"Aray! Itay, bakit mo po ako sinasaktan?"
"Tuwing nakikita kita, naaalala ko ang iyong ina!"Puro problema sa bahay,
Pero masaya sa eskwelahan.
Masaya nga ba talaga, aking kaibigan?
"Ang taba mo!" "Ang itim mo!"
"Basta kulot, salot!" "HAHAHA wala ka na naman magulang sa family day!"Aking kaibigan, naramdaman kita ulit.
Aking kaibigan, nasasaktan mo'ko pero nakakaramdam ako.
Aking kaibigan, sige patuluin mo lang dugo ko. Sana maubos na ito..
Ang aking matalim at matalik na kaibigan..-🥀