Chapter 1

26 3 0
                                    

Precy's POV

Napanaginipan ko ang isang lalaking pinaka iinisan ko. Ewan ko ba sa dinami rami ng mapapanaginipan ko at siya pa.

Hindi ko maiwasang balikang muli ang panahong binubully niya ako sa school. Elementary days pa lang namin madalas na niya akong inaasar at ginagawan ng kung anu anong katarantadohan. Hanggang sa nag high school kami.
Hindi ko ma malimutan ang ginawa niya sa akin. Iyong ipinahiya niya ako sa buong junior & senior prom. Tinapunan lang naman niya ako ng juice sa gown ko. Habang nag sasayaw ako kasama ang kaibigan kong si Fred.
Grrr.... Tyron Michael Blanco damn you!!!!

"Precy....precy....are you done? Sumabay ka na sa amin." Narinig kong sabi ng mommy kong nasa harap ng pinto ng kwarto ko.
Hindi ko namamalayan na kumakatok na pala siya kanina pa sa room ko.
Anu ba naman to? Kasalanan ito ng panaginip ko eh. Higit sa lahat kasalanan ito ni Tyron...Mukhang ma le late na naman ako sa sunday mass.

"Mom, let me fix myself first. Kagigising ko lang po." Tugon ko sa mommy kong nag hihintay ng sagot. "Just hurry up okey? We are getting late." Said mom,then walked away.

Papasok na kami ng simbahan ng biglang may sumitsit sa akin. Nagpalinga linga ako and there you go. Sabi ko na nga ba eh... Kay Tyron nang galing ang ingay na yun. Wala na talaga itong pinag bago. I rolled my eyes towards him and ignored him.

Palabas na kami ng simbahan ng biglang may sumalubong sa amin. Si Tyron and his mom & dad. Alam ko na ang patutungohan ng usapang ito.

"So, how was your vacation in Hongkong Precy?" Tyron's dad asked. "I had a great time tito." Matipid kong sagot. "It was be super great if sinama mo ako sa bakasyon mo." Sabay kindat ni Tyron sa akin. Inismiran ko lang siya.
Sa isip ko lang kung kailan kaya ito matatapos. Napakaboring puro si Tyron lamang ang nag sasalita. Puro siya pabida...napakadaldal ka lalaking tao ang ingay ng bunganga..Bakla siguro ito... Napa smile ako ng maisip iyon.

Nagbabasa ako ng wattpad sa may garden. Sariwa ang hangin doon at luntian ang paligid nag kalat pa ang sari't saring kulay ng mga bulaklak. Na lalanghap ko pa ang mababangong mga rosas. Masaya ako kapag nag babakasyon kami ng pamilya ko sa aming villa sa probinsya. Summer days is vacation days... What a great life it is!

Biglang my nahulog ng kung anu sa harap ko. Napalundag ako sa takot at pagkabigla. Isang malaking palaka iyon..Halos himatayin ako sa sobrang nerbyos. Nang may narinig akong humahalakhak sa likuran ko. Lumingon ako..and here you go... Tyron Michael Blanco the stupid man.

Sinugod ko siya at hahampasin ng nahawakan kong walis ng bigla akong nawalan ng balanse at diritsong natumba patungo sa kanya. Magkayap na nakadagan ako sa kaniya ngayon. Nagkatinginan kaming dalawa at kung may anong kislap at kuryente akong nadarama.
Biglang naramdaman kong magkadikit na ang labi naming dalawa. Napapikit mata ako sa oras na iyon.
Ngunit bumalik ang aking ulirat at mabilis akong humiwalay sa kaniya at tumayo.
"Hey, we're not yet done...masarap pa naman yun..." Natatawang sabi ni Tyron.
" Hoy, lalaki... Kahit kailan panira ka talaga ng moment ko. At bakit ka ba nandito sa villa namin. Invited ka ba dito?" Pasinghal kong sabi. "Magiging asawa na kita kaya kahit saan ka mag punta doon din ako." Natatawa niyang sagot.
Asawa? Magiging asawa? Anong klaseng biro kaya ang trip nito.
"Hoy! Kahit ikaw na lang ang natitira na lalaki sa mundong ito hindi kita papatulan. Bwisit!! Pakasalan mo yang mukha mo!" Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako at kumaripas na ng takbo patungo sa kwarto ko.

Alas tres na ng hapon ngunit di pa rin ako kumain ng tanghalian. Gusto kong matulog ngunit hindi ako dalawin ng antok. Ilang ulit na sumagi sa aking isipan ang katagang sinabi ni Tyron.
Magiging asawa niya ako... Ano ba nag sisinungaling lang siguro siya. Gusto niyang masira ang aking mood kaya niya ako binubully magpa hanggang ngayon.
Ngunit sa gitna ng pag iisip ko may kung anong pagka galak akong nadarama. Parang gusto ko yong isiping maging asawa siya.

"No way...erase erase erase...hindi siya ang magiging asawa ko. Hinding hindi!" Pilit kong kinakalimutan ang kilig na aking nadarama sa tuwing maisip iyon. Lalong lalo na ng naglapat ang aming mga labi kani-kanina lamang.

(Sana ay tangkilin ninyo ang aking storya) Maraming salamat!

Bullied with loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon