Precy's POV
Nakita ko kanina sa mga mata ni Tyron ang lumbay. Ano kayang iniisip nito? Sino kaya ang taong nagpapalungkot sa kanya? Mga katanungan kong hindi ko kailan man masasagot. Ayaw ko naman siyang kausapin. Dahil mahilig siyang mang bully baka mamaya niyan eh ginu-good time lang pala niya ako.
Naalala ko pa noong maliliit pa lamang kami. Ayaw niyang nakikipag laro ako sa ibang mga bata. Kapag nakikita niya kaming naglalaro ng mga bago kong kaibigan agad niya itong sinisita. Minsan yong iba hindi na nakikipaglaro sa akin dahil sa takot na baka saktan sila ni Tyron. Bata pa lamang ngunit makikitaan mo na ng tapang. At bata pa lamang ay gustong gusto nito na siya lang ang dapat may maraming kaibigan. Hindi siya nag papatalo. Napakabagsik niya. Ngunit may malambot na puso rin ito. Minsan ng nadapa ako habang tumatakbo ay nilapitan niya ako at inalalayan at siya pa ang boluntaryong gumamot sa mga sugat ko. Nakita ko sa mga mata niya na concerned siya sa akin. At tila mamula mula ang mga iyon.Umiyak kaya siya? At bakit naman siya iiyak sa simpleng disgrasyang natamo ko? Hay buhay! Ewan ko ba he's just over reacting lang siguro during that time.
Imposible naman kasing mangyari ang noon ko pa naiisip. Mag kaibigan lang kami at hanggang doon na lamang iyon. Ngayon pang binigyan ko na ng pag asa si Fred. Tinanggap ko na ang noon pang gusto niyang mangyari,ang ligawan ako. We're getting to know each other stage na. Kaya doon lamang dapat nakabaling ang aking atensyon at wala ng iba pa. Later i will tell mom and dad about it. I'm sure they will be very happy for me. Matagal na kasi nilang gustong magkaroon ako ng boyfriend to get inspired daw sa studies ko. Like them before where their love story started. Classmates silang dalawa at dahil naging mag syota sila that time naging inspired sila sa kanilang pag aaral. They both graduated as suma cumlaude in their choosen courses.
My parents doesn't believe na kapag nagkaroon ka ng relasyon habang nag aaral pa ay hindi mo na maaabot ang iyong tagumpay sa buhay. At sila ang patunay sa tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon.
So,back to Tyron...speaking of the devil papalapit na siya ngayon sa akin."hey, princess...why are you alone? Gusto mo bang samahan kita dito? Pagkuway kinuha niya ang juice glass ko at uminom doon.
Sinadya niya ba talagang inumin ang juice ko para masira na naman ang araw ko. Not this time Tyron...kung malungkot ka huwag mo akong idamay...
"What's wrong with Tyron? Talaga bang hinanap mo pa ako rito para lang bwisitin ako? Kahapon ka pa ha, simula ng dumating ka wala ka ng ibang ginawa kundi e good time ako." Bulyaw ko sa kanya.
Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig sa mga sinabi ko dahil natigilan sya.
"No,princess...hindi ako nandito para bwisitin ka...nandito ako para mahalin ka." Seryoso nitong tugon sa akin.
Totoo ba ang sinabi niya? Totoo ba ang narinig ko? Totoo bang nandito sya para mahalin ako? Nasa malalim akong pag iisip sa mga oras na iyon. Alam kong hindi ako maka pagsalita may kong ano ang nag pipigil sa akin. Ngunit parang gustong tumalon ng puso ko sa isiping iyon.Tyron's POV
Halatang natulala siya sa sinabi ko. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin sa akin. Baka biglang sabihin niya na hindi na pwiding mahalin ko sya dahil may nagmamay ari na ng puso niya. Ayokong mangyari iyon, hindi ako handa sa mga sandaling iyon..kaya...
"Joke....akala mo totoo noh? I was just kidding! Hoy, Prinsesa kanina ka pa hinahanap nila tito at tita. My inihanda silang snacks for us. Kaya sumunod kana sa akin. Or else baka gusto mong buhatin pa kita papuntang cottage." Pag iirita ko sa kanya, upang sa ganun makalimutan niya ang aking sinabi."Bwisit ka talaga!! Damn you Tyron! Kakainis ka talaga." Aniyang na iirita sa akin.
"Kanina pa akong hanap ng hanap sa iyo. Kaya dapat lang na inaasar kita ngayon. Pinahirapan mo kasi ako eh." Mapagkutya kong sabi.
"Whatever...umalis ka na nga at susunod na ako. Naalibadbaran ako sa pag mumukha mo. Tsupi na...alis!"
Inis niyang tugon sabay irap sa akin. Napangiti na lamang ako sa reaksyon niya..Sarap talagang asarin ng babaeng ito.Precy's POV
Tahimik lamang akong kumakain. Ang kaninang tahimik at walang imik na si Tyron ay siyang bumibida na naman sa usapan.
Tumikhim ako para mapansin nila mom and dad.
"Ehemm...mom...dad... Good news! May roon na po akong manliligaw." Tawag ko sa atensyon nila.
Tila natigilan naman si Tyron sa kanyang kinauupoan ng marining niya ang aking sinabi.
"Wow! That's a good news anak! So, kailan mo naman ipapakilala samin ng dad mo?" Tanong ni mom na tila excited.
"Yes, iha...we can't wait to met him." Ani dad.
"As soon as possible po...at alam kong magugustuhan niyo siya kasi he's my closed friend." Dagdag ko.
"Aba,maganda iyan iha. Sana ma met din namin siya." Tugon naman ng mother ni Tyron.
Speaking of Tyron he's eyes is like a firing dragon. At nakakasiguro akong nakakapaso iyon. Bakit mukhang galit yata ito ngayon? Siguro naiinggit lamang ito sa aking magandang balita. Palibhasa ay wala itong love life.(Sorry,medyo matagal yong update ko. Don't forget to vote po. Thanks!)
BINABASA MO ANG
Bullied with love
RomanceGustong gusto ni Tyron na binubully si Precy upang mapansin lamang siya nito. Ngunit dahil doon ay nagkakaroon ng pagkamuhing nadarama si Precy para sa lalaki. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil unti unting nahuhulog ang loob niya kay...