Precy's POV
Someone's sent me a bouquet of flowers today. (bouquet of flowers as you've seen in the cover photo).
Wala man lang nakalagay na note kung kanino ba ito nanggaling. Pero alam kung para sa akin ito dahil nakalagay ito sa loob ng locker ko. Speaking of my locker? Bakit kaya nabuksan nito ang locker ko? Nakapagtataka all i know ay ni locked ko itong mabuti before our sembreak vacation.
Whatever... kung sino man siya? Napakilig niya yong araw ko today. Iisipin ko na lang na isa lamang ito sa mga secret admirer ko. Or if i'm not mistaken baka kay Fred ito nanggaling,mahilig kasi ito sa mga surprises churvaloo.
Napangiti ako sa mga oras na iyon, ng may biglang umakbay sa akin. Paglingon ko siya nga ang nagmamay ari ng mga bisig na iyon."F..Fred... Oh hi! How was your sembreak vacation? Nakangiting bati ko sa kanya.
"Masaya naman yong vacay ko with my family. But i feel incomplete, hindi ka kasi nakasama sa bakasyon namin."bahagyang nalungkot sya ng banggitin ang huling sinabi nito.
"I'm so sorry, alam mo naman na tradisyon na ng family namin na mag spent ng vacation sa villa. Maybe next time." Pagkasabi ko niyon ngumiti ako ng ubod ng tamis."By the way, thank you for these flowers..I love it! You surprised me again Fred." Sabay halik sa mga bulaklak.
"Hhaa? F-flowers?" Napamaang siya.
"Yeah! Flowers.. it made my day. Thank you!" Sabi ko sa kanya.
"Ah..o..okey! Sa.. sabi ko.. ko na nga ba magugustohan mo yan eh." Uutal utal nitong sagot. Bahagyang hindi siya sigurado sa sinabi nito. Ngunit wala na akong paki-alam doon, baka nabigla rin siguro ito at nahihiya lang.
Inaya na niya ako sa canteen. Kaya umalis na rin kami doon. Mamaya sasabihin ko na sa kanya na gusto na siyang makilala ng mga magulang ko.Tyron's POV
Tanaw ko silang dalawa na mag kahawak kamay pa patungong canteen. Oo, si Precy at Fred ang tinutukoy ko. Nasasaktan ako kapag may na kikitang umaali-aligid sa babaeng mahal ko. Torpe..napaka torpe ko kase, bakit kasi hindi ko maamin amin ang damdamin ko para sa kanya.
Ngayon ay kinamumuhian niya ako sa mga nagawa ko sa kanya. Sa mga pam bu bully ko at ang higit sa lahat ang nagawa ko sa kanya sa villa ng huling araw ng bakasyon namin.Tyron's Flashback...
Habang nag lalakad ako patungong kwarto ko ay nakita ko si Precy na nakahiga sa kanyang kama. Kapikit ito at tila mahimbing ng natutulog sa kanyang kwarto. Napakaburara talaga ng babaeng ito hindi man lng sinigurado na e locked ang pinto nito. Dahan dahan kong hinawakan ang doorknob at isasara na sana ito ng bigla akong napako sa isang sombrero na familiar sa akin. Nakasabit iyon sa head board ng kanyang kama. Dahil sa aking kuriyosidad ay dagling pumasok ako sa kanyang kwarto. Sinirado ko ang pintuan.
Lumapit ako sa kanyang kama,nahindi man lang tumitigil sa katitig sa sombrero. Pambata ang cap na iyon. At kung hindi ako nag kakamali ay pag mamay ari ko ito noong maliliit pa lamang kami. Bakit nasa kanya ang matagal ko ng hinahanap? Todo iyak pa ako noon ng pinapahanap ko iyon sa mga katulong namin. Paborito ko kasi ito. Dahil ito ang huling ibinigay ng napakamahal kong lolo,noong nabuhuhay pa ito.
Akma ko sanang kukuhanin sa kinalalagyan ang sombrero na iyon,ng biglang nawalan ako ng balanse. Napahiga ako sa kama ni Precy. Sakto namang napayakap sa akin si Precy. Masarap ang pag kakayap niya sa akin na tila unan ang kayakap niya.
Kahit naka full yong aircon sa kwarto niya nararamdaman ko that i'm sweating all over my body. May kuryenteng kanina pa ay gumagapang sa aking buong pagkatao.
Oh..damn..i can't help it! This girl makes me go crazy. Bakit napakaganda nito kahit ito'y na tutulog. Gusto ko siyang hagkang muli.
Unti-unti kong inilapit ang mga labi ko sa kanyang mga labi. Bahala na si batman, kung magising man ito sa mga halik ko.
Malapit na malapit ng maglapat ang mga labi namin ng bigla itong nagmulat ng mga mata. Bigla itong napatili...kaya tinakpan ko ang kanyang bibig. Baka magising ang mga tao sa villa.
"Let me go.." inis nitong sabi
"I will let go of you,basta huwag kang sisigaw please...i'm not doing anything wrong with you." Pagbabanta ko sa kanya.
Tumango naman ito. Kaya binitawan ko na siya.
Bigla itong tumayo sa kanyang kama at yakap yakap ang unan nito.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko? You're invading my property." Inis nitong sabi ngunit mahina lamang ang boses niya.
"I'm just curious over that cap." Sabay kung turo sa sombrero na nakasabit.
"My goodness..because of that? Parang mahimatay ako sa takot...eh bakit gusto mo akong halikan ha?" Umismid siya pagkasabi niyon.
"Halikan?? Ka? Hahah. Nag papatawa ka ba. Nakita ko kasing may lamok sa pisngi mo. Itatakwil ko sana ito ng bigla kang nagmulat ng mga mata mo. Napaka assuming mo naman..." Pagpapalusot ko sa kanya. Halatang nainis siya sa sinabing kong iyon.
"Get out of my room. Dis oras na ng gabi matulog ka na Tyron. Hindi yong nang didisturbo ka sa taong mahimbing ng natutulog. And please huwag kang pumapasok sa kwarto ng hindi sayo." Galit nitong sabi.
"Next time, siguradohin mong mag locked ng pinto kapag matutulog ka. Paano kung rapist yong nakapasok sa kwarto mo? Huwag kang tatanga tanga..hindi ka na bata." Pagkasabi ko niyon ay akma na akong lalabas ng kwarto ng bigla niya akong hawakan sa kamay.
"What?" Baling ko sa kanya.
May kung anong mainit na dumampi sa aking pisngi. Isang malakas na sampal na nag mula sa kanya.
Sa sobrang inis ko sa kanya.
Marahas ko siyang isinampa sa dingding at mapusok ko siyang hinagkan. Nanlaban siya sa aking ginawa ngunit hindi ko ito ininda. Hinalikan ko siya ng maparusang halik. At unti unting nararamdaman ko na gumaganti na rin siya sa mga halik ko. Maalab ang mga halik na iyon. Halos habulin namin ang aming hininga ng mag bitiw kami.
Patakbo kong tinungo ang pinto at tuluyan ng lumabas sa kwarto niya.End of Flashback...
Hindi ko alam kong napatawad na niya ako sa huling ginawa ko sa kanya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nag uusap. Kaya sa sobrang desperado kong mapatawad na niya ay umaga pa lamang ay bumili na ako ng bulaklak at isinilid sa locker nito. Hindi alam ni Precy na nasa akin ang kanyang duplicate key ng locker niya. Sinadya ko iyong makuha. Nasa akin na iyon noon pa at ito na ang tamang panahon para magamit ko iyon.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo ng kinukuha ang flowers na inilagay ko sa loob ng locker niya. Bigla siyang napa smile ng mahawakan na niya iyon at bahagyang inamoy ang mga ito at hinalikan ang bouquet.
Masaya akong makita siyang nagugustuhan niya ang regalo ko.
Bigla lamang nasira iyon ng makita kong lumapit si Fred sa kanya. At ngayon ay tangay na tangay na niya ang babaeng mahal ko.(Sorry for the late upload... Keep on reading guys! Special mentioned Cherrylyn Berondo & Diana Christine Chavez my twin sister & also a writer.hehe)
BINABASA MO ANG
Bullied with love
RomanceGustong gusto ni Tyron na binubully si Precy upang mapansin lamang siya nito. Ngunit dahil doon ay nagkakaroon ng pagkamuhing nadarama si Precy para sa lalaki. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil unti unting nahuhulog ang loob niya kay...