Chapter 6

14 1 0
                                    

Tyron's POV

It's almost 12 in the midnight pero hindi pa rin ako makatulog. Naalala ko na naman si Precy. Siguro pagod na pagod ito ngayon, kanina pa kasi siya tumatakbo sa isipan ko eh. Corny ko noh? Ewan ko ba ang lakas talaga ng tama ko sa babaeng iyon.
Gagawa ako ng paraan para hindi lang mapansin niya kundi mahalin din niya.

Gusto kong mawala na sa eksena si Fred. Alam ko namang fuccboi yong lalaki na iyon. Marami na akong nabalitaan na pinaiyak ng ugok na lalaking iyon. At ayaw kong mapunta lamang si Precy sa isang walang kwentang lalaki. Ako ang nararapat sa kanya dahil tapat akong magmahal.
At ako ang tunay na nagmamahal sa kanya.

Kinabukasan nagising ako dahil sa naramdaman kung may mahigpit na nakayakap sa akin. Kinabahan ako sa mga oras na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit at sino ang katabi ko sa ngayon. Ang pagkakatanda ko ay mag isa lamang akong natutulog kagabi at walang kasama sa kwarto. Wala ang mga magulang ko sa bahay dahil may out of the country business trip sila.Kaya't imposible namang si mommy iyon.
Napalingon ako sa aking katabi at ang nag mamay ari ng mga bisig na iyon ay walang iba kung hindi si PRECY!!!!!

Nagmulat ang kanyang mga mata. Nagkatitigan kaming dalawa. Unti unti kong hinawakan ang kanyang magandang pisngi. Hanggang sa hinagkan ko na ang kanyang mapupulang mga labi.

Hindi man lang sya umiwas na para bang nag aabang ding dumampi ang mga labi ko sa kanya. Maalab at mainit na halik ang iginawad ko sa kanya. At tumutugon din siya na tila nasasabik sa aming ginagawa.

Parang ayoko ng matapos ang mga sandaling iyon. Mahigpit ang pagkakayap namin sa isa't isa na tila bang ito na ang huling sandali ng aming mga buhay.

Halos hindi na kami makahinga sa sobrang dikit ng aming mga mukha. Hanggang sa nahulog kaming dalawa sa aking kama.

"Aray!!" Napasigaw ako at pagmulat ko sa aking mga mata ay nasa ibaba na ako ng aking kama. Kinapa kapa ko si Precy sa aking tabi...

"Oh shit! It was only a dream...damn it!" Napabuntong hininga ako sa mga oras na iyon.

Akala ko totoo na, iyon pala ay isang napakagandang panaginip lang ang mga iyon.
Bigla ko tuloy na miss si Precy.
That woman simula ng makilala ko siya ay hindi ko na makalimot limutan.

Ang lakas ng tama ko kay Precy. Sa lahat ng babaeng nakilala ko. Siya ang nag bubukod tangi lamang. At siya lamang ang gusto kong babae makasama habang buhay.

(The end of Chapter 6. Please continue reading.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bullied with loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon