Precy's POV
Simula kaninang umaga ay hindi ko pa rin nakikita si Tyron. Nakakapanibago naman kasi. Dati rati ay palagi itong umaali- aligid sa akin sa school. Palinga linga ako sa kung saan baka sakaling makita ko siya ngunit hanggang sa makarating na kami sa canteen ni Fred ay hindi ko pa rin siya nakikita. Ewan ko ba bakit sa dinami rami ng kaibigan ko sa school at siya pa ang namimiss ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking nadarama para sa kanya.
Bata pa lamang kami ay parang aso't pusa na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mahilig mang prank at mambully kasi ito sa akin. Kaya palagi akong inis o di kaya'y galit sa naturang lalaki.Precy's Flashback...
Pangit...pangit...pangit...tukso ng batang lalaki sa akin. Puno kasi ng pantal ang aking mukha dahil sa chicken pox. Halos mangiyak ngiyak ako sa sobrang inis sa batang iyon. Malakas ang tawa niya sa akin at hindi niya ako nilulubayan. Minsan tinatawag niya akong bruha. Manika raw ako ng mangkukulam, puro kulugo raw kasi ang mukha ko. Cute pa naman sana ng batang ito ngunit bakit niya ako niloloko. Wala akong ibang magawa kundi umiyak nalang sa isang sulok ng bahay namin.
Hindi ako makapag sumbong sa mommy at daddy ko dahil bisita namin sila. At mahigpit na ipinagbawal sa akin ng mga magulang ko na lumabas sa kwarto dahil baka mahawa ang mga ito sa chicken pox ko.
Ngunit gutom ako, at gusto kong kumain. Gusto ko ring uminom dahil na uuhaw na ako naubos ko na kasi ang isang pitsel ng tubig.
Laking gulat ko na may batang lalaki sa loob ng kusina namin.
Ngunit mas nagulat ito ng makita ako. At iyon nga ang batang sumisigaw ng pangit...pangit...pangit...
Umiiyak ako ng madatnan ng mga magulang namin.
"Iha... what's wrong? Why are you crying?" Tanong ni mommy.
"He called me ugly..." hindi ko na ito natiis at sinumbong ko na siya,kasabay niyon ay itinuro ko batang lalaking naroon.
"Anak,bakit ka naman ganyan?Hindi ugly si Precious. May sakit lang siya." Pagkokorek ng mommy ng bata.
"Eh,kasi mommy ang dumi ng face niya..nakakadiri..kaya pangit siya."tugon ng batang lalaki.
"Tyron stop it! Nasa bahay ka ng tito Rick at Tita Rose mo. Si Precious ang kanilang anak. Dapat kaibiganin mo ito." Matigas na tugon ng daddy nito.
"Ayoko ko nga baka mahawa ako sa sakit niya dad." Pag mamatigas nito.
"I'm sorry iha, mare at pare...may pagka spoiled kasi itong anak namin. Matigas talaga ang ulo at palabiro rin minsan, alam ko naman na magiging good friends din kayo balang araw Precy,iha." Ani ng mommy nito na tila namumula na sa kahihiyan.
"Tyron Michael Blanco...mag sorry ka sa bagong kaibigan mong si Precious." Matigas at tila nag babantang tono ng daddy ng batang lalaki.
"I'm so sorry..." Nakayokong sabi niyon.
"Anak?" Parang nagsusumamong tanong ng dad ko.
"Apology accepted" napilitan akong tanggapin ang sorry niya.
Pagkarinig nito ng sagot ko ay agad na itong kumaripas ng takbo sa labas ng bahay. Na sinundan naman ng mga magulang nito. Natila nahihiya sa inasal ng anak. Narinig ko pang humihingi ng paumanhin ang mommy at daddy nito sa mga magulang ko.
Pabalik na ako sa aking kwarto ng may nakita akong sombrero. (The cap as you've seen in the picture above)
Dinampot ko iyon. At dinala sa loob ng kwarto ko.
Tinitigan ko itong mabuti. At nakakasiguro akong pagmamay ari ito ng batang lalaki na ang pangalan ay Tyron.End of flashback...
He bullied me since the first day we've met. At magpahanggang ngayon.
Ngunit ang huling ginawa niya ay hinalikan niya ako ng walang paalam. That kissed was so intense. Na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin. At may kung anong kakaiba akong nadarama sa tuwing naaalala ko ito. Am i loving that stolen kissed?Bakit parang gustong gusto ko ulit maramdaman ang halik na iyon?
Oh! What a silly mind..."Are you with me Precy?" Tanong ni Fred na kunot ang noo.
"Y...yeah! Bigla kasing sumakit ang ulo ko. I need to go home and to take a rest." Pag sisinungaling ko. Ang totoo kasi na bo bore na ako sa mga kwento ni Fred. At iisang tao lamang ang laman ng isip ko ngayon. Siya lang ang gusto kong makita at makausap ngayong mga sandaling ito. Hinahanap ko ang pambubully niya sa akin. Napaka weird,bakit kasi namimiss ko ito.
Hay.. parang magkakatotoo yata ang sakit ng ulo ko.(Maikli lang yong chapter 5, pero mas kikiligin pa rin kayo sa susunod na mga eksena. Please vote po.Thanks!)
BINABASA MO ANG
Bullied with love
RomanceGustong gusto ni Tyron na binubully si Precy upang mapansin lamang siya nito. Ngunit dahil doon ay nagkakaroon ng pagkamuhing nadarama si Precy para sa lalaki. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil unti unting nahuhulog ang loob niya kay...