Chapter 2

37 1 0
                                    

Tyron's POV

Hawak ko ang aking mga labi na kanina lang ay nakalapat sa labi ng babaeng mahal na mahal ko.
Yes, Inaamin ko na i'm madly and deeply inlove with Precious Nicole Padilla.

Bata pa lang kami ay alam kong gustong gusto ko na siya. Kaya palagi akong gumagawa ng paraan para mapansin niya ako. Madalas ko siyang binu bully sa school at maging sa kanilang bahay.

Napapansin niya kasi ako kapag ginagawa ko iyon. Ang ganda niyang pagmasdan kapag bigla siyang naglulupasay sa galit kapag binubully ko siya.

Ewan ko ba sa dinarami dami ng nag hahabol sa akin sa school, wa epek pa rin. Iisa lang yata ang babaeng tumatak sa aking isipan at damdamin. At nasisigurado akong si Precy iyon.

Nandito ako sa bahay nila at dahil bakasyon ngayon ay naimbitahan kami ng pamilya ko na mag bakasyon sa kanilang villa.

Hapon na,ngunit hindi ko pa rin nakikita si Precy. Nagkukulong ito sa kaniyang kwarto. Umalis sina tita, tito, mom & dad para mag fishing. Nagpa iwan na lamang ako sa villa para may makasama si Precy.

Nasa harapan ako ng kwarto niya. Akma sana akong kakatok sa pinto ng biglang bumukas ito.

Bumungad sa akin ang napakagandang Precy ng buhay ko.

"Oh, hi Precy! Kanina pa kita hinihintay lumabas. Kumain ka na at kanina pang malamig ang pagkain." Nakangiting paanyaya ko sa kanya.

"Hindi ako gutom... At bakit ba nandito ka pa rin? Bakit hindi ka umalis at sumama sa pamimingwit ng isda" padabog niyang tugon.

"Bakit pa ako mamimingwit, eh nandito na ang napakalaking isda at paborito ko sa harapan ko ngayon." Pang aasar ko sa kanya.

"Aba at isda na pala ang tawag mo ngayon sa akin Mr. Blanco." Galit niyang sagot.

"Eh mukha ka kasing isda eh. Tingnan mo yang mata mo parang isda. Napakalaki mag kasing tulad ng krispy kreme doughnuts." Tawang tawa kong sabi sa kanya.(doughnuts as you seen in the picture above)

Tinulak niya ako sa harap ng pinto at padabog na umalis patungong dining room. Agad ko naman siyang sinundan.

Precy's POV

Gutom na nga ako at inasar pa akong lalo ng walang hiyang lalaki na iyon. Isa na lang at makakatikim na talaga sa akin yan.

Naupo ako sa dining table. Binuksan ang nakahandang pagkaing naroon. Sigurado naman akong para sa akin iyon.

Wow! Beef steak! Paborito kong ulam, mayroon ding ibang putahe ngunit doon lang bumaling ang aking pansin.

Akmang kakain na sana ako. Nang may naramdaman akong nakapatong sa aking ulo. Kinapa ko iyon at tiningnan. Muntik na akong mahulog sa kinauupoan ko ng makita kong ipis iyon.

Takot ako sa ipis, kaya sa gulat ko ay napahiyaw ako ng napakalakas.
Nang biglang may narinig akong tumatawa sa likuran ko.

"Tyron, damn it! Hindi mo ba ako titigilan ha?" Halos mangiyak ngiyak na ako, sa sobrang pagkapikon.

"Precy mula noon at hanggang ngayon takot ka pa rin sa ipis." Bungisngis niyang sagot.

"Stop ruining my day Tyron. Pwidi ba hindi na tayo bata. Bakit ba mula noon hanggang ngayon ayaw mo akong tigilan." Giit ko sa kanya.

"Ikaw ang paborito kong isda. Kaya kahit ano pang gawin mo, hinding hindi kita titigilan." Aniya

"You're such a fool. Hinding hindi ka mag tatagumpay sa binabalak mong sirain ang bakasyon ko..sinisigurado ko iyon." Pagkuway' umalis na ako sa dining room.
Naiwang mag isa si Tyron na para bang baliw sa kakatawa.

Sumunod na araw ay nag yayang mag swimming sina mommy at daddy.
At syempre dahil guests namin ang pamilya ni Tyron kaya siguradong sasama rin ito sa amin.

Nasa cottage na kami. At abalang nag hahanda ng pagkain ang mga magulang namin. Naiwan kaming dalawa sa loob ng cottage. Nakikita kong nag iihaw sina mom & dad. Si tito at tita(mga magulang ni Tyron) ay naghahanda ng mga prutas.

Tahimik lamang akong nag babasa ng wattpad.

Nararamdaman kong may nagmamasid sa akin. At iyon ay si Tyron.
Kanina pa siyang tahimik. Simula ng umalis kami sa villa,hanggang sa nakasakay na kami sa family van.

Anu kaya ang iniisip nito? Bakit ang madaldal na lalaking ito eh parang kuting na tatahitahimik ngayon at walang imik.
Nakakapag panibago.

Tyron's POV

Halos hindi ako makatulog kagabi. Nakita ko yong post ni Fred sa kanyang ig account.

Magkayakap sila ni Precy sa picture.
At may caption pang love of my life.

Bakit ang sweet nila doon? May namamagitan ba sa kanilang dalawa? Sinagot na ba niya si Fred Garcia?
Mga katanungan kong hindi ko alam ang sagot. Ang alam ko lang ay masakit ang loob ko.
Nag seselos ako tuwing naiisip ko ang mga iyon.

Napakaganda niya sa kanyang crop top at shorty shorts. Napakakinis ng kanyang balat. Napakaamo ng kanyang mukha. Mukhang anghel na nahulog sa lupa.

Nais ko siyang hagkan muli.

Lumapit ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata. Hinawakan ko siya sa pisngi at marahan kong pinisil iyon.
Ipinikit niya ang kanyang mata. Tila nag aanyayang hagkan ko na siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Hanggang sa maamoy ko na ang mabango niyang hininga.
Dahan dahan kong inilapit ang aking mga labi sa kaniya. Hinagkan ko sya ng ubod ng tamis. Hanggang sa namalayan kong tumutugon na siya sa mga maiinit kong halik. Naglaro ang aming nga dila. At halos maubusan kami ng hininga ng mag bitiw kami. Niyakap ko syang muli.
Niyakap niya ako.
"I love you Precy!"

" Tyron...Tyron..gising..kumain na tayo." Pang gigising ng nanay ko.

"Anu ka ba wala ka bang tulog kagabi? Mukhang puyat na puyat ka iho." Ani ng daddy ni Precy.

Panaginip lang pala ang lahat!
Sana hindi na lang ako nagising.

(Please keep on reading po);-)

Bullied with loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon