10 [MLFTS]

47 14 1
                                    

••ExCHANGE OF HEARTS••

©AllRightsReserved2014

°°°★EverSplendid★°°°

° MLFTS °

 Leena's POV

"Ayos ka lang ba?" Sabi ko kay Warren na ang asim ng mukha.

Andito nanaman ako at ginagamot sya. Parang kailan lang nung una kaming magkakila ah at kung maaalala nyo ginamot ko din ang sugat nya noon. Eto na lang ba talaga ang main role ko dito? Ang gamutin ang sugatang ito? Hanggang kailan?

Ang pinagkaiba nga lang nito dun sa nauna ay hindi ako ang may gawa pero feeling ko naman ngayon, ako pa rin ang may kasalanan. Sa susunod ba ganun pa rin?

Kanina, ng pumagitna ako sa kanilang dalawa ni Jiro. Hindi ko mapagtanto kung bakit ko ginawa ang marahas na hakbang na yun. Marahil kung hindi nakapagpigil si Jiro. Masakit ngayon ang likod ko. -____- Damn.

Pero di yun ang mahalaga.

Ang alam ko lang.

At least napigilan kong mas lalong masaktan pa sya.

Ayokong nasasaktan sya.

Di ko kaya.

"Me-medyo masakit dyan.." sabi nya habang dinadampi ko yung cotton ball dun sa may bangas nyang mukha. Natigil ako sa pag-iisip.

"Sorry.." sabi ko.

"Sorry ka dyan. Bakit? Ikaw ba ng sumuntok sa akin? Bakit ka nagsosorry? Pinapahiya mo ako, alam mo yun?"

"Sorry.." sabi ko ulit.

ExChange of Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon