11-A [#Broken]

41 15 2
                                    

••ExCHANGE OF HEARTS••

©AllRightsReserved2014

°°°★EverSplendid★°°°

°#Broken°

Micka's POV

Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

Ni hindi ko nga malaman kung paano ko namanage umuwi e. Basta ko nalang namalayang nasa gate na pala ako.

Hayyy.

Nakakapagod masaktan.

Nakakapagod umiyak.

At nakakapagod magdeny.

Kung alam ko lang naman na ganito pala umibig. Di sana hindi ko na lang sinubukan.

Sana nakuntento nalang ako sa pagiging kaibigan lang.

"Ma. Nakauwi na ko." sigaw ko habang ako, nagtatanggal ng sapatos.

Pero batanggal ko na yung sapatos, wala pa ring nasagot. -___- Snob mga tao dito sa bahay.

"Ma? Maya? Nasa bahay ba kayo?"

Nakakapagtaka naman at wala atang tao dito.

Eh, asan na sila?

Medyo malaki yung bahay namin kaya tinamad na kong hanapin sila. Lalabas din yun pag may time sila. Masyado akong pagod.

Pumasok na akong kwarto ko at binalak na makipagtext nalang sa mga klasmeyt ko.

Idadaan ko nalang sa gm ang pagka broken hearted ko.

Yep. Tama.

To: Friends

Minsan mas okay pa ang mag-isa,

Di nga kasing saya pag may kasama ka,

Di naman kasing sakit pag nawala sya.

 

~

Good Eve TTOTT

Ang hirap palang mainlab..

 

#Broken

Sent.

Mga wala pang 5 minutes, andami nang nagreply.

Fr: Jane

Meowwth. Tama yon!

Luka talaga yun. Adik sa Pokemon. -____- Broken hearted na nga yung tao eh.

Nakuha pang mantrip.

ExChange of Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon