14 [The Past]

67 1 0
                                    

14 — The Past

Warren's POV

Hindi ko alam ang nangyari pero feeling ko may nangyayaring hindi ko alam.

Bakit ganun yung tingin sakin ni Leena?

Bakit parang feeling ko, sinasabi nya saking sabihin-mo-saking-di-ito-totoo.

Ano ba talagang pinag usapan nila ng mama nya?

I was still contemplating ng masalubong ko yung secretary ni papa.

Yumuko naman sya sakin ng makita ko sya.

Anong ginagawa nya dito?

Nasa ospital din ba si Papa?

"Secretary Lim."

"Yes, young master?"

Leena's POV

Bakit?

Bakit kailangang sya pa? Bakit sa lahat lahat ng tao sa mundo, sya pa?

Mama naman eh. Bakit ngayon nyo lang sinabi?

Sana..

Sana..

Hindi ako nasasaktan ng ganito.

Ano bang ginawa kong masama nung nakaraang buhay ko at ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon?

Pero bakit kailangang malaman ko pa..

Bakit?

Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu. T----T

Warren, ang sama sama mo!

10 years ago

Third Person's POV

"Ayoko na Harry! Sawang sawa na ko." madiing sabi ni Sandra kay Mr. Seo.

"Mama." sabi naman ng anak nilang si Warren. "Mama, bakit kayo nag aaway ni Papa?"

"Warren, aalis na tayo dito. Anak, halika na!" at dali dali naman nyang hinila ang anak na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Wala kang isasama! Kung aalis ka sa pamamahay na to. Hindi mo isasama ang anak ko!"

"Kunin nyo ang anak ko at siguraduhing hindi na sya malalapitan ng babaeng yan."

utos nito sa security.

"Tandaan mo ito Harry, kukunin ko ang anak ko. Tandaan mo yan."

"Sandra, alam mong di mangyayari yan."

At sapilitang dinala ang babae sa labas ng mansyon

3 days later...

[ Seo's Mansion]

"Oy Mr. Seo, lumabas ka dyan, kukunin ko ang anak ko." sigaw ng babae sa labas ng gate na pingbuksan naman ng isang katulong .

"Ay, naku po Madam Sandra, umalis po sila papuntang U.S. kanikanina lang umaga. Kasama po si Warren at dun na daw po sila titira."

[London, U.K]

"Pumunta nga si Sandra sa mansion? Sinabi ba ng katulong ang pinapasabi ko?" -Mr.Seo

"Opo. Sinabi po ng katulong na nasa US kayo, tiyak na di na kayo matutunton pa."

"Ready naba yung mga papeles na pinapaasikaso ko sa'yo?"

"Opo. Simula ngayon hindi na kayo si Mr. Seo kundi si..

Leena's POV

"..si Mr. Smith." pagtatapos ni mama sa kwento nya

"Anak, patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa yo ang lahat.

"Anak ko si Warren. Ang matagal ko ng hinahanap na anak ay malapit lang pala sa akin." nakangiting sabi nya.

"Pero anak wala kang dapat ipag alala. Hindi.."

"ANONG WALA!? SINASABI NYONG ANAK NYO SI WARREN TAPOS WALA AKONG DAPAT IPAG ALALA?"

"Anak, kung makikinig ka lang sa sasabihin ko.."

"MA, NARINIG KO NG LAHAT! WALA NG DAPAT PANG SABIHIN!" at saka ako lumabas ng kwarto sa ospital na umiiyak.

"Leena, anong nangyari?" -Warren

Warren, sabihin mo saking hindi totoo tong nangyayari.

Sabihin mo sakin.

At saka ako tumakbo ng walang patutunguhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ExChange of Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon