11-B [Sorry..]

38 14 2
                                    

••ExCHANGE OF HEARTS••

©AllRightsReserved2014

°°°★EverSplendid★°°°

° Sorry °

Antonio's POV

Hay. Sa wakas author napansin mo rin ang kagwapuhan ko! Lage nalang si Jiro at si Warren eh.

At dahil maikli lang ang POV na ito. Susulitin ko na. Baka hindi na maulit eh.

Naglalakad ako kanina galing 7 11 ng maisipan kong dumaan sa school.

Wala. Basta naisipan ko lang.

Oyoyoy. Wala akong balak nakawan ang school noh. Sa gwapo kong to? Magnanakaw? No way.

Sakto namang pagdaan ko andun si Manong Guard.

"Goodevening Manong!" bati ko sa guard. Hahaha. Close friends kami neto eh.

Kaso di sya sumagot.

Ano manong laglagan ang peg natin ngayon?

Magsasalita pa sana ko kaso napansin kong bago pala si manong guard. Hehe.

Pero asan na si Mang Isko? Haha. Sayang naman. -____- Wala na tuloy akong kapit sa school pag gusto kong magpractice ng basketball.

San na ako hihingi ng susi ngayon? Hayyy buhay -___-

Well, anyway nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Medyo malayo pa kasi sa amin eh.

"Oy baliw, medyo umayos ka nga. Saka masisira yang tshirt ko sa ginagawa mo eh." Narinig kong sabi ng lalaki sa di kalayuan.

"Ayoko. Bilisan mo na lang kaya. Natatakot ako eh. Baka mahuli tayo nung guard." May kasama palang babae kaya nilingon lingon ko. Eh wala naman.

Hindi kaya nasa loob ng school? Hindi naman maaari kasi. Kakalock lang nung bagong guard yung gate.

Papaliko na ko ng kanto ng marinig kong may umaray. Yung babae din kànina.

"Luka luka. Pag di ka tumahimik, mahuhuli tayo."

"Mananahimik na po."

At wala na akong narinig.

Naiintriga pa ko dun sa kung anong ginagawa nung nag uusap ng bigla namang nagtext si Anthony. Umuwi na daw ako.

Psh. Kill joy.

At pag uwi ko naman ng bahay. Wala ang luko. Nagbabanyo ata. Nilaro laro ko muna yung phone nya ng magtext si Micka.

Haha. Yung crush ni Anthony.

Hay brother, ang torpe mo kasi.

ExChange of Hearts (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon