Chapter 31

70 1 0
                                    

Chapter 31

*Sundate

Blythe's POV

"You look Gorgeous Blyf." bungad ni Drake pagkakita niya sa akin. I just wore a simple pink dress na may white belt then doll shoes. Nilugay ko yung buhok ko, naglagay ng clip, nagpulbo at sinampal ang mukha para mamula. That's it.

"Salamat."  Sabi ko na lang kahit hindi ko naman tanggap yung sinabi niya. I think I look plain and normal, hindi ko alam kung anong sinasabi ng lalaking 'to.

"Pero parang may kulang kasi blyf e, may kulang sa'yo. Ang ganda mo pero may kulang talaga!"

"Ha? Ano?"

Lumapit siya sakin at hinawakan yung magkabilang gilid ng labi ko. He formed a curve.

"Yung ngiti mo! Yung ngiti ng pangs ko. Bakit parang ang tamlay mo? May problema ba?" I shaked my head. "Uy, pag may problema sabihin mo lang sa'kin ha? Wag ka ng sumimangot? Feeling ko tuloy hindi ka masaya na kasama mo ako ngayon."

Kung alam mo lang, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama kita Drake. *sigh

I looked at him and gave him my best smile. "Ayan, you look perfect na. Let's go?" He held my hand and we walked together happily.

"Ang gaspang ng kamay mo blyf." tinignan ko siya ng masama at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Edi wag mong hawakan. Tss." Inaamin ko napikon talaga ako sa sinabi niyang 'yon. Conscious rin kasi talaga ako sa kamay na 'to, ewan ko ba kung bakit ang gaspang niya at medyo matigas.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko at tumingin diretso sa aking mga mata. "Pero kahit ikaw pa ang may pinakamagaspang na kamay, kahit puro thumbtacks pa yang palad mo, pipiliin ko pa ring hawakan yan kahit masugatan pa ako. Mas pipiliin ko pang hawakan yang kamay mo kesa yung pinakalambot na kamay sa mundo."

Napangiti na naman ako. Ang cheesy kasi, nakakainis!

"Drake, iiwan ko na yung kotse o ipagmamaneho ko kayo?" kanina pa pala nakatanaw si kuya Gino sa aming dalawa. Nagpipigil ng tawa.

"Ako na lang po magda-drive." sagot ni Drake pagkatapos ay kinindatan niya si Kuya.

"Ikaw talagang bata ka. o sya, mauna na ko ha? Ingat sa pagmamaneho."

"Oo naman po, mahal ko ang buhay ko hindi pwedeng mapahamak to." tapos inakbayan niya ko at hinila palapit.

Tinignan ko siya ng masama.

"Sira ba talaga yang ulo mo? Nakakahiya kay kuya Gino."

"Palagi mo na lang iniisip yung sasabihin ng iba, kinakahiya mo ba ko blythe?" seryosong tanong niya.

"Drake, hindi kita kinakahiya at kahit kelan hindi kita ikakahiya. I have no reason. Iniisip ko lang naman sila tita at...at...."

"Ano? Sino?"

"Si Mama." napayuko ako nang maalala ko kung ano ang pinapagawa sakin ni mama mamayang gabi.

"Mamaya, ipapakilala kita kay mama ng pormal. Alam niya na na girlfriend kita pero gusto ko talagang nandun ka para official diba?"

"S-sige."

Iniangat niya yung mukha ko. "Wag ka ngang yumuko diyan, ang ganda ganda mo e tapos tinatago mo lang?"

"Paano kung makahanap ka ng babaeng mas maganda sakin? Mas mabait? Mas matalino? Drake, hindi mo naman ako deserve e. Look at yourself, ang gwapo mo. Heartrob ka pa. Lahat ng babae attracted sa'yo. Tapos ang talino mo sa math. Ang ganda ng bos----" Tinakpan niya ng index finger niya yung bibig ko na nakapagpatahimik sakin.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon