Chapter 39

82 1 0
                                    

Chapter 39

*unforgettable

Blythe's POV

"Happy 18th birthday Blythe!" pagkaalis ng blindfold ay bumungad sakin ang mukha ng mga taong importante sa buhay ko.

Lumapit ako sa kanila " Nakakainis kayo! Ikaw ma, akala ko ba wala tayong pera ha? Akala ko ba may inasikaso kayo sa business ngayon?

at ikaw...." hindi ko naituloy agad ang sinasabi ko dahil sa sobrang pagkabigla, nandito siya sa harap ko. Nakatayo at nakangiting pang-inosente "A-akala ko ba may outing kayo?"

Lumapit siya sa akin, "Happy Birthday Panget."

Hinampas ko nang hinampas yung balikat niya yung dibdib niya tapos binatukan ko siya. Niyakap niya lang ako. "Ikaw na nga 'tong binabati, ikaw pa yung galit. Hindi ka ba natutuwa dito sa surprise namin? Nakakadisappoint naman!"

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap niya.

"Argh! Niloloko mo ba ko? So, surprise pala ito para sa'yo? Surprise pala tong ginawa niyo? Alam niyo ba kung gaano ko nag-alala. Akala ko nasagasaan ka na talagang babae ka!" tinuro ko si Niccs. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko, sobra kasi talaga akong nag-alala. "Akala ko totoong kinidnap na ako. Akala ko mamamatay na ko kanina!"

Lumapit siya sa akin at pinanusan yung mga luha sa pisngi ko. "Sorry. Sorry sa lahat, kinailangan pa kitang awayin. Kinailanganan pa kitang paiyakin. Sorry kung palpak yung naisip naming surprise ha? Gusto lang kasi naming maging kakaiba at unforgettable tong birthday mo eh."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. I sighed tapos nginitian ko silang lahat. Nandito halos lahat ng importanteng tao sa buhay ko. Si Mama, Si Papa, si Chester, sila Niccs, Lorraine, Jonna, Lovely, si ate Abby, si Tita Claudine at syempre si Drake. "Nakakainis kayong lahat! Alam niyo ba yun? Nagkaisa talaga kayo para dito. Oo, pinakaba niyo ko pero sige na nga part yun ng surprise. Thank you guys! Ginawa niyong sobrang unforgettable tong birthday ko. Hay, Group hug nga!!!!" lumapit naman silang lahat para sa group hug.

"Ooppps! Wait!" unang humiwalay si Lory sa yakap. "Magsi-six pm na! Tama na ang drama natin. Kailangan nang ayusan si Blythe at saka maghanda na rin tayo. Tita, nandun na po yung mga mag-aayos sa kanya. Mauuna na po muna kami basta magkita-kita na lang po tayo sa event place before 8pm."

"Hoy Loreng! Anong pinagsasabi mo?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Duh! Ano ka ba muffs! Syempre, your debut party doesn't end here. May debut celebration ka, with matching 18 roses, 18 candles and such. It's part of the plan!"

"Eh? Diba nga binati niyo na ko? Sinurprise niyo na ko. May ganito pa nga kayong nalalaman o!" tinaas ko yung malaking tarpaulin na may nakasulat na "Happy Birthday Blythe! We love you!"

"Yuck! Akala mo yan na yun? Of course not, patikim pa lang yan. Mamaya pa ang totoong party! Be ready! Imbitado lahat ng block-mates, ex blockmates, profs, friends basta halos kalahati ng mga tao sa school, invited eh!"

"Seryoso?!?!?!?!" tumingin ako kay mama at kay papa. They nodded while smiling.

"Fred, pakihatid na lang si Yessa. Dun na sa mismong place, dun na rin kasi siya aayusan. Nandun na yung mga mag-aayos sa kanya."

"Opo boss!" nakangiti yung lalaki. Maamo yung mukha niya pero ang lalim ng boses niya. Siya yung kumidnap kuno sakin kanina eh.

Natawa si papa, "Wag mo nga akong tawaging boss fred. Ang kulit mo rin eh!"

"Sorry boss!" natawa kaming lahat.

"Tara na nga po kuya, baka naghihintay na sila dun." tumango naman siya at sumunod sakin.

Naglakad kami palabas ng bahay nila Drake, oo sa resthouse nila Drake kasi kami nanggaling. Ang dami nilang bahay kaya wag niyo nang ipabilang sakin.

"Eh? Manong, kanino pong kotse 'to?"

"Sa inyo." ang lalim talaga ng boses niya, kaya nga akala ko talaga kidnaper siya eh. "Bagong bili lang ito ng daddy mo. One week ago lang siguro." Hindi nga pala masyadong marunong mag-drive si papa, kaya siguro kumuha pa siya ng driver. Isa pa, aalis naman na din siya after two weeks, hay nakakalungkot isipin.

After 20 minutes ay nakarating na kami sa place, isa siyang resort tapos may hotel inn sa loob. Malaki yung place and take note sobrang ganda. May mga taong nagpe-prepare at nagdedecorate sa may pool area, modern vintage yung theme. Parang sa....oh my, Europe! Paris!!!!!! Waaaaah!

"Aaaaaaahh!" napasigaw ako sa sobrang excitement at tuwa. I can't believe na matutupad ang dream debut party ko. It's a dream come true! Parang fairytale lang, eeeek!

"Miss Yessa? Kanina ka pa po namin hinihintay. Tara na po sa loob para maayusan ka na namin. By 8 pm po kasi, magi-start na yung programme."

"Ah, sige po." sumunod ako sa kanya sa loob nung hotel inn. Maraming tao pa rin ang naghahanda para sa mga decorations. Tsk, ang tatay ko talaga. Magkano kaya ang winaldas niyang pera para dito? Loko talaga yun! Masyado akong spoiled sa kanya eh.

Pumasok kami sa isang room kung saan marami pa ring tao pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang magandang long gown. Sobrang elegant talaga! Wow!

***

"And now, ladies and gentlemen, let's all welcome our dearest debutant, Ms. Yessa Blythe Aquino." sobrang kaba ang nararamdaman ko. Maraming sinabi yung host pero yun lang yung naintindihan ko.  Naramdaman ko na lang na malamig, may dry ice pa pala kasabay nang pagbukas ng malaking pinto at pagpasok ko.

*lub-dub *lub-dub

Napakarami nga talagang tao. Halos lahat ng kakilala at maging mga fc sa school nandito eh. Kahit yung mga highschool classmates and schoolmates namin, nandito at lahat sila sa akin nakatingin.

I tried my best to smile kahit nanginginig na talaga ako.

Umupo ako sa isang magandang chair na dinisenyuhan pang katulad ng upuan ng isang prinsesa at nagsimula na ang programme.

Pinakita yung mga baby pictures ko

Mula noong kapapanganak ko pa lang, pati nung nagsisimula pa lang akong maglakad, lahat. Natawa na lang ako nung ipinakita yung isa sa mga unang pictures namin ni Drake, nakangiti siya tapos bungal pa siya, masama naman ang tingin ko sa kanya at pinipingot ko yung tenga niya. Mga five or six years old pa lang siguro kami nun.

Ipinakita rin yung mga pictures ko nung grade school hanggang nung high school, puro mukha ko yung ipina-flash sa screen.

Tumingin ako sa paligid.

Nakatingin sakin yung mga classmates ko nung HS, kinawayan ko sila. Nabalik agad ang atensyon ko nang may magsalita, si mama.

"Good evening everyone. I'm so glad all of you made it here! It's a very special day for our princess coz today, she's no longer a baby so she should stop acting like one." all of them giggled. "Blythe, now that you're of legal age, I would expect you to act according to your age and of course I'm expecting you to be more responsible." Nakakatuwa talaga si mama, hanggang dito ba naman sinesermonan ako. " Nakakatuwa lang isipin kasi, 18 years ago, ganitong oras rin, hirap na hirap ako sa pag-iri sa'yo. Akala ko, hindi ko kakayanin yun pero mas mahirap pa palang magpalaki ng isang pasaway na bata kesa manganak." napatawa kaming lahat "Anak, minsan ko lang sabihin to pero sa totoo lang I'm so thankful for having a daughter like you. Siguro napaka-daming magulang ang papangaraping maging anak ka. I wish you all the best, anak. Sana wag ka munang mag-asawa kahit na nahanap mo na yung prinsipe mo ha?" hinanap ko siya, nakaupo siya sa pinakamalapit na table mula sa akin at kasama niya si Amber. Ang gwapo niya!!! Bagay na bagay sa kanya yung black tuxedo na suot niya. Itinuloy ni mama yung speech niya "Wag kang magbabago. We love you so much and again happy happy birthday.

to be continued....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon