Chapter 35

59 1 0
                                    

Chapter 35

*worst

Blythe's POV

Umalis ako ng bahay na hindi nagpapakita kila mama, ayoko kasing isipin nila na kaya mugto ang mga mata ko sa kaiiyak ay dahil hindi matutuloy yung debut.Hindi naman kasi talaga yun ang dahilan.

Masakit, hindi ko akalaing magagawa ni Drake na pagsalitaan ako ng ganun. Self-centered, hindi marunong umintindi, lahat na.

Siguro nga mali rin ako na hindi siya pansinin for three days dahil sa pagsama niya dun sa outing nila. Okay lang naman sakin na umalis siya e, karapatan niya yun at kung ikasasaya niya, syempre go ako pero kasi tinaon niya sa birthday ko e. Oops, hindi nga pala niya naalala.

Pagod nga talaga siguro siya sa kaka-aral. Pressured tapos stressed na rin. Ikaw ba naman kasi ang lumagay sa pwesto niya, Civil Engineering student sa University na puro matatalino ang estudyante. Oo na, naiintindihan ko na. Sobrang dami niya lang iniisip kaya hindi niya na naalala na birthday ko na four days from now.

Masyado nga siguro akong naging self-centered. Ako na nga yung lagi niyang kasama at binibigyan ng full-attention tapos simpleng outing lang, nagtampo-tampo pa ko. Hay nako Blythe, napakapa-importante mong bwisit ka.

Napabuntong -hininga na lang ako. Tumingin sa ibang puno sa paligid ko. Nakaupo kasi ako ngayon dito sa ilalim ng punong paborito namin. Nandito ako sa Capitol, mamaya pa namang ala-una yung kuhaan ng grades pero maaga lang talaga akong umalis para hindi nila makita tong mata kong mugtong-mugto sa kangangawa kagabi.

Maraming puno, lahat ng puno maganda. Lahat importante, hindi lang itong punong katabi ko. Parang ako lang pala sa buhay niya. Oo, ako nga yung lagi niyang kasama. Mahal niya ko at importante ako sa kanya pero siguro panahon na rin para intindihin ko na marami rin siyang dapat isipin. Hindi lang puro ako. Unang-una yung studies niya, yung family niya, sila tita at tito, si Amber,  yung mga kaibigan niya at pati na rin yung sarili niya. He's not all about me. His life is not me.

Kapag daw may sinabi sa'yong masakit at nasaktan ka, ibig sabihin guilty ka kasi totoo 'yon. Self-centered nga siguro ako. Sorry naman, sobra ko lang kasing mahal yung tao.

Hoy Drake, promise, Pagbalik mo magso-sorry talaga ako ng sobra sobra. Kasalanan ko naman kasi talaga. Abusada ako at saka ayun nga gusto ko puro na lang ako ang buhay mo.

Nakaramdaman ako ng pamamanhid sa paa the moment I stood up. Three hours lang naman kasi akong naka-upo sa ilalim ng punong 'yon, no wonder.

Papasok ako ng school at kukuha ng grades, pagkatapos nun uuwi na lang ako ng bahay at magbabasa tapos pag inantok, matutulog. Hay, bakasyon na naman. Pansin ko lang tuwing magtatapos ang isang sem o magkakaroon ng bakasyon, lagi na lang may problema.

Last year, two days before the start of the semestral break, nahulog ako sa hagdan dahil sa katitingin kila Kris at JC. Bago naman mag Christmas break, bigla na lang hindi namansin si Panget at umakto na tila ba hindi kami magkakilala. Ngayon naman, ganito. Lahat sila walang pakialam....ay ewan.

Pagbabang-pagbaba ko ng tricycle ay tumambad sa akin ang mukha ni Nicca at ng kupal niyang boyfriend. May sinasabi si Niccs, feeling ko may tinatanong siya kay Kristoff tapos nakangiti lang si g@g*.  Tumingin siya sakin at kinindatan ako, binatukan ko nga.

"Anong nangyari sa mata mo teh?" tanong niya na gumamit pa ng tonong pang-bading.

"H-ha?" Tsk, dapat pala nagdala ako ng shades. Engot ka talaga Blythe.

"Galit ka pa rin ba kay Drake? Tsk! Hindi pa rin siya nagso-sorry sa'yo? Wala talagang kwenta yung lalaking 'yun, alam mo bang kulang na lang ay murahin at sapakin ko siya nung isang araw. Sinigawan ko na nga siya sa harap ng maraming tao at sinabi ko sa kanya kung paano ka umiyak dahil sa mga kalokohan niya sa buhay."

"G-ginawa mo i-iyon?"

"Ha? Oo! Diba kasi nagwalk-out ka, nakasalubong ko siya sa centrum at sa sobrang inis ko sa kanya ayun sinigawan ko lang naman siya at sinabihang mag-sorry. Akala ko kasi galit ka na rin sakin eh. Oh ano, hindi pa ba siya nagso-sorry?"

"You shouted at him in front of a crowd? Narinig nila?" nakakunot ang noo kong tanong.

"Duh! Syempre maririnig talaga nila, madaming tao malamang, sa centrum yun e atsaka isa pa sigaw nga di'ba? May sigaw bang hindi maririnig?!"

"Nicca, hindi mo naman kasi naiintindihan e!" sa pangalawang pagkakataon sa loob ng iisang linggo ay nagwalk-out ulit ako. Dumiretso ako sa Office of the University Registrar at pumila sa counter kung saan nire-release ang grade.

Bakit pa kasi niya kailangang makialam? Naiintidihan ko naman na concern lang siya pero hindi niya naman alam ang buong kwento e. Kaya naman pala ganun na lang ang galit sa akin ni Drake, pinahiya at sinigaw-sigawan siya ng kaibigan ko sa harap ng maraming studyante sa school namin. Inisip niya sigurong nagsumbong ako kay Nicca.

Hindi ko alam kung aabutan ko pa ang 18th birthday ko, baka kasi bukas makalawa atakihin na ko sa puso o kaya naman ay mabaliw dahil sa mga nangyayaring gan'to.

After fifteen minutes ay ako na ang nasa pinaka-unahan. Binigay ko ang mga requirements at nakuha ko na yung grades ko.

Tsk, saan ako pupunta? Ayoko pang umuwi sa bahay, wala rin naman siya at wala rin sila, ano ba yan!

Sino nga ba naman ang hindi magagalit pagkatapos pahiyain at sigaw-sigawan s harap ng maraming tao? Kung tutuusin, wala siyang kasalanan.  Jusko, bakit kailangang ganto pa ang mangyari? Akala ko pa naman magiging maayos ang lahat ngayong birthday ko? Lakas ko talagang umasa. Sh*t.

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon