Chapter 3

333 7 1
                                    

Chapter 3

*Triple-killed

Blythe's POV

*burps*

"Una na ako guys. May pupuntahan pa ako." -Jonna habang nagmamadali.

"Saan ka ba pupunta ha?" tanong ni Lorraine

"Kakadighay mo lang, aalis ka kaagad?!"- Niccs

"Basta!!!! Secret. " sagot niya sabay kindat sakinm Naglakad na siya palayo.

"May date yun, hayaan niyo na." walang ganang sabi ko sa kanila.

"Ganun? Kaya pala nagmamadali ang lola mo. May katatagpuin. " sabi ni niccs nang natatawa-tawa.

Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad naman kami sa Sm at pumasok sa kung saan-saang stall ng damit,shoes at accesories. Nakaka-bore nga, mas mag-eenjoy pa ako kung sa NBS.

"Uy, pasok na lang tayo sa dep. store. Tara!" pagyayaya ni Lorraine.

"Game! Bibili din ako ng peace offering." -Niccs

Hanglandi neto ni Niccs. Peace offering pang nalalaman eh pero kidding aside, sobrang sweet nila ng Boypren niyang si Kristoff at mahal na mahal nila ang isa't isa. Awwww. Nakakabitter.

Pagkapasok namin sa Department store, ang daming magaganda. Madami akong natitipuhan kaso...

Wala kong ganang bumili eh, nagtitipid ako.

Pagkatapos namin sa girls' wear section, nakabili si Lorraine at Lovely ng dress and blouse.

Dumaan naman kami sa bags and there bumili ulit si Lovely ng cose na bag. May type sana ako sayang lang pera pag binili ko yun. Buti pa pag si Gonzaga yung kasama ko, tipid! Kuripot din kasi siya.

"Doon naman tayo sa men's wear. May bibilhin lang ako please?" sabi ni Niccs with puppy eyes. Pacute.

Oh well, cute naman siya.

"Oh sige tapos uwi na tayo. Masakit na ang maganda kong legs." pagrereklamo ni Lovely.

Ayun nga! Pumunta na kami sa Men's Wear section. Puro damit at polo na panlalaki, malamang men's wear eh diba?!

"Eto kaya bagay sa kanya?" tanong sa akin ni Niccs habang pinapakita ang isang checkered na polo shirt. 

"Aba malay, wala naman akong kuya. Saka wala akong alam sa taste ng boypren mo." walang ganang sagot ko.

"Salamat sa suporta." sarcastic na sabi niya sabay irap sa akin.

Nakailang stall na kami dito. Ikot na ata namin ito, wala pang napipili si Bb. Lorenzo.

"Girls look, di ba si Jc yun?" bigla biglang sabi ni Lovely habang tinuturo ang isang lalaki sa hindi kalayuan. Wait? Siya nga!

"Oo siya yun." sagot ko na kunwari walang emosyon pero deep inside, kinikilig po akoooo!

Siya nga yun. Pero teka? May kasama siya?

"Sino yung girl na kasama niya?"  tanong ni Niccs habang binabalik yung shirt.

"Tama na ang tanungan. bakit hindi natin lapitan?" suggestion ni Lorraine sabay takbo papalapit kila Jc.

"Jc!!!" tawag ni Lovely sa kanya.

"Uy, kayo pala. What are you guys doing here?"  medyo nabigla naman si JC sa amin pero nakapag-react siya agad.

"Ah. Matutulog kami dito. HAHAHA." sarcastic na sagot ni Niccs. "malamang namimili at namamasyal. Baliw." dugtong niya.

Sira ulo talaga. Tinatanong siya ng maayos nung tao eh, ang swerte niya nga at kinakausap siya ng  Krash ko. Lol.

"By the way, Meet Kris, my girl." -Jc sabay kuha sa kamay nung magandang babae.

Eh? Triple kill ba ako ngayon?

Kanina pa ako nasasaktan ah. Tss! Oo nga pala may girlfriend siya. Kung makapag-react naman ako parang ngayon ko lang nalaman. Stalker kaya nila akong dalawa sa facebook. Nabigla lang ako kasi minsan ko lang sila makitang magkasama. First time to be exact. Iba naman kasi course ni Kris.

"Hi sa inyo." sabi ni Kris saamin then shinake hands niya kami isa-isa.

"Sige guys una na kami. Take care." pagpapaalam ni Jc.

"Kayo rin." sabi ni Lorraine and then we part ways.

Medyo malayo na kami pero tanaw ko pa rin sila. 

May hawak na T-shirt na pambabae si Kris tapos tinatapat niya kay Jc tinitignan ata kung bagay.

Binaba namn ni Jc yung shirt at umiling. Tumawa naman si Kris. They look.......perfect.

Umalis naman sila at habang naglalakad naka-akbay si Jc kay Kris. Ang saya nilang tignan. Nakakatuwa naman -.-

Ewan ko pero kahit malayo na sila hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila. Tinitignan ko lang sila hanggang hindi ko na sila matanaw. Ewan ko ba.

Akala ko gusto ko lang siya.

Akala ko joke lang itong nararamdaman ko.

Akala ko non sense ito.

Pero bakit?

bakit nung nakita ko silang magkasama, nakaramdam ako ng inis?

Bakit nung pinakilala siya ni jc, nagselos ako?

at higit sa lahat....

Bakit noong naglakad silang magkaakbay at masaya,

may something na kumirot sa puso ko?

Bakit parang mabigat?

Ano ba ito. Ang gulo >____<

I literally fell Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon