Chapter one

8 1 0
                                    

*Amity* POV

"Amy!!!!" Sigaw ni manang mula sa labas ng pinto ko. Dahilan para daliin ang sarili ko papalabas ng kwarto.

*KOK* (tunog yan ng pinto.)

"Kanina pa kita tinatawag at kinakatok, bumaba kana... kailangan mong kumain ng marami, bilin yan ng daddy mo. Bago ka pumasok sa klase." Ani nya kaya ngumiti at tumango nalang ako. Para syang nanay ko kung mag salita, matagal na din namin syang kasama dito sa bahay. sabe ni mommy naging maid nya pa daw ito noon kaya may roon na ding katandaan si nanay fe. Pero kahit ganon... malakas padin sya ano kaya sikreto nya? Charut😂

Tinungo ko agad ang kusina.
Kumuha lang ako ng dalawang bacon at ipinalaman yun sa tinapay, habang nag titimpla ng gatas si nanay fe para sakin.

Natigilan ako nung silipin ko yung wrist clock ko.

*WAAAAAAHHHHHHHH*

Late nako?

Oo,Late kana amity. Baket ba kase kung matulog ka parang napuyat ka ng husto?
Tsssshhhhhh...

"I have to go." Napapikit pako "No,I must go..." hinalikan ko sa pisngi si manang at saka kinuha ung bag ko na nakasabit sa upuan ko kanina.

"Hindi mo manlang ininom itong gatas mo." Sigaw ni nanay fe. Pero hindi ko na sya nilingon pa.

Gosh.

Dali dali akong sumakay sa kotse ko,
At inihagis ang bag ko sa passenger seat.

After 30minutes na sa school nako,

Tinakbo ko ung room ko, na hirap pa akong hagilapin. Putek!!! Paano ba naman Amity dito. Amity doon. Bati ng mga nakakasalubong ko. Sumisigaw nalang ako ng "Hi" para hindi nila isiping Dedma queen ako. Tsaka 5 miutes lang naman ang itinagal ko kaka takbo bat parang inabot yon ng 30 minutes?

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Binuksan ko yon ng dahan dahan at kita ko na saakin lahat sila nakatingin.

Lalo na ang prof. Namin.

"Sorry sir,im late."

Tumango lang sya at dun naman ako nakahinga ng maluwag. Diretso ako sa upuan kung saan nakaupo ang dalawa kong kaibigan.

"I thought hindi ka na papasok e. Where have you been? Hindi naman traffic." tanong sakin ni maggie sya lang naman ang bestfriend kong on time. Never pa syang nalate sa lahat ng okasyon. Sana naibahagi nya din un saakin,

"Nalate ako ng gising" mahinang sagot ko.

"Nasarapan sa Bakasyon?" Eto namang isa. Si Elie kaibigan kong G na G. When it comes fashion. Kung makapag dress akala mo may mag sasayaw sakanya sa unang araw ng klase. Tshhh.

Hindi ko na sya pinansin at nakinig nalang sa mga nag papakilala sa harapan. As usual may pa Introduce your self nanaman. Ano pa ba? Eh every year naman yon. Karamihan din naman sa mga classmate ko ngayon eh..classmate ko din last year. Bilang lang ung mga new sa patingin ko. Kaya naman nung ako na na hindi ko na inartehan ang pag papakilala simplehan nalang natin.
Magamda naman pangalan ko kaya wag nila akong artehan.

"Hi. Im Amity Scarlet Roxas" tumango lang ako at saka bumalik sa upuan ko.

After ng eksenang yon. Nag patuloy na si sir sa discussion. First day na first day. Turong turo si prof.

2hrs ang subject nya at bagot na bagot ako. Wala pa naman akong interes sa History? Ang pinaka natatandaan ko lang ata eh ung World war 1 & 2 tsaka ung kay Hitler 😂 hahahaha. Hindi kase ako interesado sa nakaraan ng iba. Pero tingin ko depende din sa teacher...
Kung magaling magturo or may buhay baka magkaron pako ng eagerness na matuto.

You're My Melody.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon