*Elie* POV
Yes,this is it.
My turn, so hello !
Kilala nyo na ba ko? Elie po kandidato para sa senado. Chos !!!
Friend ako nung bida sa storya na to. (😂) mukang diko na kailangan pa mag pakilala dahil naipakilala na ako ni amity kung binasa nyo ang chapter 1. Hihohiho.
Kararating ko lang sa school at papunta nako ngayon sa classroom namin dahil nandoon na yung dalawa kong abubot.Himala kay Amity, ang aga pumasok ngayon.
Time check 7:05am.
Pumunta ako ng locker ko mag isa kinuha ko ang mga gamit ko tumingin ako sa salamin at tinignan ang sarili.Hmm.. napaka ganda ko talaga.
Kinuha ko ang liptint ko sa bag at naglagay ng kaunti. Beriberi layt lang talaga. Hihihi.
Nag lakad ako sa hallway ng punong puno ng confident sa katawan, syempre ganon talaga . Irampa ang kagandahan. now na !!! Bawat students na makikita kong nakatingin saakin ay binibigyan ko ng kindat, panay din ang Hi Hello at Goodmorning nila saakin at Nginingitian ko naman sila ng malaki.
Maya-maya pa eh, nakarating nako sa classroom. Wala pa ang prof. Dahil medyo maaga pa naman.
"YO,whats up!?" Masayang Bati ko sa dalawa kong kaibigan at naupo sa tabi ni amity. Napapagitnaan namin sya ni maggie.
"Nah,kanina pa to walang kibo." Turo ni maggie kay amity, kapansin pansin nga ang hindi nya manlang pag pansin saakin na para bang hnd na dama ung presence ko nung umupo sa tabi nya.
"What happened? Are you okay?" Tanong ko sakanya tumango naman sya at ngumiti.
"Maybe im just tired? Or puyat. Parang pakiramdam ko kase hindi manlang ako naka tulog." Matamlay na sagot nya at Tumunganga nanaman sya na parang anlayo ng iniisip.
"Hindi ka makakapag aral ng maayos kung ganyan, umayos ka. May quiz pa tayo." Singit ni maggie.
"Nakapag review naman ako. Kaya don't worry." Paliwanag ni amity.
Hindi nako nakapagsalita pa dahil dumating na ang teacher namin. Sinimulan nya ang discussion, paminsan pinsan ay nag jojoke sya at pinag ttripan ang ilan naming classmate pero tuwing lilingon ako kay amity, wala man lang akong makitang ngiti sa muka nya. Pati ang mata nya ay nagsasabing malungkot sya. Panay lang ang pagbubuntong hininga nya na parang may problem na hindi alam kung papaano masosolve.
Hindi math ang subject namin. Hindi din history, pero ung muka nya para bang nag sosolve ng problem at naghuhukay ng nakaraan.
Ano nanaman kaya ang nangyari.
Natapos ang dalawang subject namin na hindi manlang namin nadaldal ang isa't isa. Panay kase ang discussion at pa quiz kaya naman ang lahat ay naka focus lang sa harap at pinakikinggang ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng teacher namin. Nasa hallway kami ngayon.
Papunta kame sa Canteen para mag take ng break,
Bago pa man kame makarating sa Canteen narinig nanamin ang bulungan at sigawan ng mga babae."Anong pinagkakaguluhan nila don?" Tanong ko, at lumapit pa ng kaunti para makita kung anong meron doon.
"Baka, inilabas na ni Mr.P ang result kahapon sa audition." Gulat akong lumingon kay amity, mula kanina e, ngayon ko lang sya narinig mag salita ulit. Sabagay busy kami kanina.
Walang ano ano, lumakad kami papunta malapit sa bulletin board, bahagyang tumabi ang mga students para makita namin ang resulta.
Nanguna si maggie at sumunod naman ako, nasalikuran naman namin si amity.
Lumabas na nga ang result kahapon ng audition sa singing club, sa higit 100 students na nag lakas loob na mag audition anim lang ang pumasok.
BINABASA MO ANG
You're My Melody.
RomanceMaaari kayang maging tulay ang musika para magkaroon ng connection ang dalawang taong magkaibang magkaiba sa patingin ng masa? "Ikaw ata si harmony eh," -Amity "Bakit?"-Troy "Because im you're melody." *kilig si troy* "Kadiri ka kiligin hindi pala b...