Chapter six

10 0 0
                                    

*AMITY* POV

"Bago tayo mag simula, gusto kong alalahanin nyo ung mga bagay na nakakapag paalala sa chilhood days ninyo." Panimula ni maam, values teacher namin sya. "At kung maaari... may gusto ba sainyong mag bahagi kahit konti?" Dagdag nya pa.

May mga ilan ilang nag bahagi ng kanilang kwento, nanatili namang nakikinig ang lahat. At matapos non ay nag pagawa ng seatwork si maam. Gusto nyang malaman ang kwento ng bawat isa tungkol sa mga bagay na natatandaan namin noong kabataan namin kaya pinaddrawing nya kami ngayon ng bagay na nakakapag paalala ng childhood days namin. Wala akong magawa o maisip manlang, pinaglaruan ko ang lapis na hawak ko at panay ang pukpok ko nito sa papel ko.

Bakit ba kase kailangan pang hukayin ang nakaraan kung pwede naman tong kalimutan?

Nahinto ako sa ginagawa ko ng biglang may pumasok sa isip ko.

*flashback*

"Shan, tignan mo muna ang kapatid mo. May kukunin lang ako sa sasakyan." Tumango naman si kuya shan at bumalik sa paglalaro nya ng robot na hawak nya. Paminsan minsan ay titingin sya saakin at ngingiti.

Iginala ko ang mata ko at naaliw ako sa mga naglalaro doon sa swing..

"Kuya, i want to try that" sabay turo sa swing. "I want to go there."

Binitawan nya ang hawak na robot at lumingon kung saan ako nakaturo. Sinabe nya na hintayin namin si daddy bago pumunta doon.
Maya maya pa nakita ko na si daddy na pabalik, sinalubong ko sya at nag pasama papunta doon sa swing... pero Nalungkot ako nang makitang may nakaupo na doon na batang lalaki.

"Don't worry baby, later after nya ikaw naman." Sabi ni daddy saakin at naupo kami sa bench malapit sa swing.. inabutan ako ni daddy ng Cotton candy at kinuha ko naman agad. Kumurot ako ng kapiraso at tipid na kinain yon.
Tumingin ako sa paligid at madami akong nakikitang bata, tumingin din ako kay kuya at kay daddy.. si kuya busy sa paglalaro ng Robot nya si Daddy naman abala sa kausap nya sa telepono, lumingon ako ulit doon sa batang lalaking nag sswing.. hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na doon.

Tumingin saakin yung lalaking nakasakay sa swing, tinignan ko din sya.

"You want some?" Inabot ko sakanya ang hawak hawak kong cotton candy. Tumango tango naman sya kaya lumapit ako at inabutan sya non.

"Here, ikaw naman." Inalok nya akong umupo sa swing at ginawa ko naman. Hinawakan nya din ang cotton candy na hawak ko kanina para makakapit ako ng maayos. Dahan dahan nya yong itinulak, tuwang tuwa naman ako dahil ngayon lang ako nakasakay sa swing... matapos non ay naupo kami sa isang tabi at kinain ang cotton candy na hawak ko, ibinigay ko rin sakanya ang huling kapiraso ng cotton candy.

"My mom was over there." Sambit nya saakin at tumuro. "How about yours?" At tumingin ulit saakin.

"Si Daddy lang kasama ko tsaka si kuya." Sagot ko sakanya, tumakbo sya papunta sa pwesto ng mommy nya at may kinuhang.

Maya maya pa ipinakita nya saakin ang mga mini Cars nya. Inalok nya din akong makipaglaro. "Broooomm,broooommmm.." panay ang pang gagaya namin sa tunog ng sasakyan panay din ang pagtawa namin habang naglalaro. Pareho kaming naaliw at Hindi namin napansin ang oras. maya maya pa..

"Roy? Let's go na. It"s time to go home." Napalingon naman kami parehas, yun ang mommy na tinuturo nya kanina papalapit sya saamin. dali dali naman syang tumayo at kinuha ang mga laruan nya...

You're My Melody.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon