*Amity* POVNasa gitna kame ng discussion ng ipatawag kaming tatlo ni Mr.P.
"Ang akala ko mamaya pang break ang audition?" Tanong ni maggie pero nag kibit balikat lang ako.
Inilagay namin sa locker ang mga gamit namin at dumiretso sa auditorium.
Pagkadating namin doon ay nag sisimula na ang audition, dalidali kaming lumapit kay Mr.P."Mr. P,May class kame, akala ko ba breaktime pa?" Tanong ko sakanya,lumingon lingon ako.. paparating na ang iba pang mga studyante. "Kanina pa ba nag start?" Lumingon ako ulit sakanya at tumango lang sya.
"Kanina pa nag sisimula pero wala pakong nakikitang maganda." Mataray na sagot nya,Iniabot nya saakin ang mga listahan ng mga mag aaudition. Marami rami rin naman sila.
"Kanina pa stress si Mr.P mukang mababawasan yon ngayong nandito kana." Singit ni johnny member din sya ng singing at dance club, sinilip nya din ang mga pangalan na nasa listahan "oww, cool. Ilan ba ang kakailanganin nating ipasok?"
"Hmm don't know.. kung ilan sa kanila ang may matinding talents." Walang ganang sagot ko.
"Ge,ako na dito," kinuha nya ang papel, icchecheck nya kung lahat ba ng mag aaudition ay nandoon na, parang attendance ganon. Tumango lang ako at tinalikuran na nya ko.
Lumapit naman ako doon sa mga ka members ko, habang nag sasalita si Mr.P sa harap ng mga mag aaudition."Nakikita nyo ba sila?" Turo ni Mr.P saamin "Panigurado akong pamilyar na kayo sa mga yan, nakilala sila dahil sa galing nila at umaasa akong may talentado muling dadagdag sa grupo nila. Kaya pakitaan nyo ko. Di ko kailangan ng maarte. Boses ! May Boses ang kailangan ko !!!" Tumalikod sya at bumalik na sa pwesto nya, pumalakpak sya hudyat para mag simula na ulit ang audition.
Madami-dami na ang sumalang pero mukang isa o dalawa palang ang nakikitaan ni Mr.P ng husay na hinahanap nya.
Pati ako rin ay inaantok na, paminsan pinsan ay tatanungin ako ni Mr.P kung kamusta ba ang performance. Okay ba? Pwede nabang isama saamin? Sa totoo lang nahihiya akong sumagot ng Hindi.
Kaya minsan ang sagot ko ay ngiti nalang at maglalagay ng grade sa papel na ibinigay ni Mr.P at ibinabalik ko sakanya para malaman nya kung ano ang dating saakin ng performance. Ayaw ko namang banggitin sa harapan na hindi ko nagustuhan ang performance nila Dahil baka kung ano ang isipin ng mga sumasalang sa audition na yon.
Kaya si Maggie ang sumasagot ng iba. Sasabihin nyang "Pwede na din, pero improve pa ng konte." Puro ganyan . Si elie naman tahimik lang na nakikinig at paminsan minsan nakikitalak saamin.
Nakikipag kwentuhan din ako minsan sa mga ka members ko kapag may pagkakataon.Nung makaramdam ako ng uhaw, iniwan ko kay elie ang papel, pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko mula pa kanina ay hnd ako umiinom.
Lumabas ako ng auditorium at naglakad papunta sa canteen.
Dumiretso ako sa counter at bumili ng bottled water, panay ang bati saakin ng mga nakakakilala saakin at nginingitian ko lang sila. Bumalik ako agad ng auditorium. Nakita ko si Johnny hawak ang mga papel, naalala kong bago mag simula ang klase ko kanina nakiusap si daniella na ilista ang pinsan nyang si Troy walter sa audition na to. Na nakalimutan ko namang gawin."Pakilista ang Troy Walter." Kumunot naman ang noo ni johnny na parang nag aalinlangan na ilista iyon.
"Nandito na ba sya?" Tanong nya.
"Wala pa. Pero ilista mo parin, pinakiusapan lang akong ilista yan eh." Tumango naman sya at ako bumalik na sa pwesto ko kanina.
Nag vibrate ang phone ko at kinuha ko naman iyon sa loob ng bulsa ko.
*Daniella*
Okay na ba?*To Daniella*
Yup !*Daniella*
Thankyou a😘
BINABASA MO ANG
You're My Melody.
RomanceMaaari kayang maging tulay ang musika para magkaroon ng connection ang dalawang taong magkaibang magkaiba sa patingin ng masa? "Ikaw ata si harmony eh," -Amity "Bakit?"-Troy "Because im you're melody." *kilig si troy* "Kadiri ka kiligin hindi pala b...