Gail's POV
"Be ready students, after the countdown we'll start" instruct ng MC
Napalitan na ang itsura ng Gymnasium. kung kanina ay napapalibutan ito ng bleachers pa itaas, ngayon nagging patag na itong sahig na gawa sa mga natuping Bangkuan. Nasa harap naming ngayon ang isang malaking portal. para itong hangin na umiikot ngunit kulay violet
"3
2
1.......goodluck!"
Nagsitakbuhan naman na lahat ng estudyante papuntang portal. at according sa seats kanina ang line up kaya naman huli kaming nakapasok ni Heather.
Nang makalabas ako sa Portal eh napunta ako sa isang Isla na pinapalibutan ng tubig. Nilibot ko naman ang aking at nakita ang isang malaking puno. At sa sobrang laki ay isa na itong kaharian. At hindi nga ako nagkakamali. By the looks of it, maaaring nandidito ako ngayon sa dimension ng Nature kingdom
Nag iisa lang ako ngayon dahil nagkahiwalay kami ni Heather. Wala rin akong kasamang estudyante, at napapalibutan na lamang ako ng mga patay na halimaw. Tss, Mukhang naubusan yata ako!
Naghanap ako ng mga halimaw na pwedeng patayin. Pero wala talaga, puro patay lang ang nakikita ko. pero wala talaga, puro patay lang na halimaw ang nakikita ko. Sa gitna naman ng gubat, may nakita akong portal. Kulay red naman ito
Pinasok ko sya at napunta naman ako sa mainit na lugar. nagkalat ang mga lava sa paligid. nakita ko rin ang isa pang portal pero nanatili parin ako.
Napunta naman ang paningin ko sa isang Volcano na napapalibutan nang mga nagtataasang pader. kung hindi ako nagkakamali...sa itsura at temperatura pa lang ng lugar ay masasabi kong nasa Fire kingdom ako.
Naglakad at ka papunta sa kaharian at swerte nga naman dahil di siya sarado. Nagtuloy lang ako sa paglalakad habang lumilinga sa paligid.
Di ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga gamit dito. lahat sila ay gawa sa mga natuyong lava na minolde para maging mga iba't ibang kagamitan.
nakaamoy ako ng masangsang na amoy na para bang nabulok na di ko alam kung ano kaya naman tinakpan ko ang ilong ko at sinundan yon. at napunta ako sa isang malaking kwarto na may apat na upuan sa harapan. at sa tingin ko ay yun ang mga tinatawag na trono. may nakita akong halimaw na nakaupo sa isang upuan na sa tingin ko ay sa hari.
Masama siyang nakatingin sa akin na sinuklian ko lang malamig na titig. Para itong malaking ogre na nakalabas ang pangil at may sungay sa kanyang ulo.
"ggrrrrr!"
Mabilis siyang sumugod sa akin pero dahil malayo ang mga trono sa pwesto ko eh nakapag bwelo pa ako at agad siyang sinipa sa mukha pagkalapit.
strength
Dahil sa pagkasipa ko ay natanggal ang ulo niya. isa rin kasi sa ability ko ang strength kaya nahiwalay ang ulo niya sa katawan. Dahil kahit mahina lang ang ginawa ko ay malakas na ang naging impact non. lumabas naman ang numero 30 na sa pagkakaalam ko ay puntos ko.
Lumabas naman ako doon at nagsimulang maglakad ulit. umakyat ako sa hagdan at napahinto ng may marinig na ingay. luminga linga ako at nakita ang isang kwartong nakabukas ng konti. Nilapitan ko iyon at mas binuksan pa at nakita ang isang halimaw na sinisira ang mga gamit sa loob. May dala kasi siyang isang malaking pamalo.
Kita ko ang unti-unting paghinto niya na sa tingin ko ay nahalata niya na ako. unti-unti niya akong nilingon na may nanlilisik na mata.
"Gyaarggg!!!!" sigaw niya ng sugurin ako
BINABASA MO ANG
Magic Charm Academy: The lost princess of Flaliara
Fantasy'Magic?' are things some people don't believe it exist, specially in mortal world. Just a imagination of one's mind. A fiction. Pero isang araw dahil sa isang Hindi inaasahang pangyayari, ang isang babaeng cold,palaban, mabait, at isang babaeng wala...