Chapter 10: Quarrel

107 6 4
                                    

Gail's POV

"Let's go" sabi ko at tumayo na

"Eh?? Mamaya na. Maaga pa naman oh" sabi naman niya habang nakatingin pa sa relo

"Let's . Go" giit ko at pinanlakihan siya ng mata

Nakasimangot naman siyang tumayo at nag wave lang ng konti kila Aira bago lumapit sa akin at sabay na kaming naglakad palabas ng garden. Nag aya kasi sila Aira na mag picnic dito sa Garden ng magic charm. At hanggang ngayon ay ayaw parin umalis ni heather.

"Pwede mo naman kasi akong iwan eh" yamot niya na nagpatigil sa akin at napilitang harapin siya

"Kaya ko namang bumalik mag-isa sa Dorm--" dagdag niya pero itinaas ko lang ang kamay ko para pigilan siya

"Wait....so you're expecting me, to leave you?" tinignan ko siya nang di makapaniwala "with some random people we just met?" dagdag ko pa

" 'di mo naman na kasi ako kailangang isama pa kung gusto mo ng umalis . di na ako baby para hindi maka uwi mag isa. masama bang makasama sila--" I cut her off

"Isasama kita dahil dapat. At hindi kita bine-baby, Heather iniisip lang kita. And 'masama'? didn't I let you be with them kanina? masama pa ba yon? abusado ka naman na ata" di ko na napigilang pagtaasan siya ng boses

"Ba't ba nagagalit ka? di naman sila masama ah" - Heather

"Sinabi mo rin yan nung gusto mong maging kaibigan sila Chloe. and look what happened? You'll do the same mistake you did and what? cry at the end?"

"Oo!" agad niyang sagot na puno ng determinasyon.

Napailing na lang ako bago huminga ng malalim.

"Dahil 'di por'que't nagkamali ako noon ay di na ko susubok ulit. Masaya parin naman ako dahil naging kaibigan ko si Chloe...masyado lang talaga akong nagging bulag para di makitang niloloko niya lang pala ako...." dagdag niya

Chloe is her bestfriend. one day nagkaroon ng boyfriend si Heather. his name is Alex. little did Heather know that it was all just a Bet. yeah, it was all just a BET. chloe being her bestfriend and alex being her boyfriend. Ginamit nila si Heather para sa mga gusto nila. like, breaking school rules sa Llinder high. tuwing mapa-punish sila, lagi nilang ginagamit si Heather. dahil nga sa ako ang President and Heather as my sister.

"Please naman, Gail. wag kang maging bato..."malumanay niyang sumamo

"At ano? maging sing-lambot mo?"sarkastiko kong tanong at palak pang napatawa" Di mo alam yung nangyari sakin. kaya wag kang magsalita na parang alam mo na lahat" mariin kong dagdag

"Di ko man alam lahat ng kwento, pero alam kong pareho lang tayo-" di ko na siya pinatapos pa

"Pareho? niloko ka lang! pero ako? Iniwan nila ako! iniwan ng walang paalam!"sigaw ko

"Sila ang nagsilbing kulay sa buhay ko. Bukod kay manang, sila ang kasama ko pag wala lagi sila mom. Ang mundo kong puno na ng kulay naging isa na lang blankong papel magmula ng iwan nila ako. Iniwan nila ako sa ere. Naghintay ako, hinintay ko sila. Pero anong napala ko?wala naman diba."ramdam ko ang pagkibot ng mga labi ko habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Ilang taon na rin ang nakalipas pero hanggang ngayon...dama ko pa rin yung sakit nung araw na iyon.

"G-Gail"Agad akong umatras ng subukan niya akong hawakan.

"Di mo alam kung gaano kasakit nun Heather. Di mo alam..."

Unti-unti akong humakbang paatras bago siya tuluyang talikuran. Kasabay 'non ang pagbuhos ng mga luha sa aking mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic Charm Academy: The lost princess of FlaliaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon