Gail's POV
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Natauhan naman ako ng makita kong tinapon niya yun sa gawi ko. Kaya agad akong umiwas. Tumama yun sa mga halaman at para bang may bombang sumabog dun.
Nilingon ko naman siya. At agad na umiwas ng magpalabas siya ulit ng mga itim na bola na sunod-sunod.
"Saan ang tapang mo ngayon bata?" Tanong niya at tumawa ng nakakaloko
Tss. Super confident naman niya. Porket kaya niya lang magpalabas ng ganyan akala niya matatalo niya ako. Eh mukha ngang hindi siya marunong ng manu-mano. Pwes ako oo, at yun ang gagamitin ko sayo tanda!
Nag smirk muna ako. Pagkatapos ay tumakbo papunta sa kaniya habang patuloy parin sa pag iwas. yung takbong parang katulad dun sa naruto.
Nang makalapit ako sa kaniya agad ko siyang sinuntok sa mukha pagkatapos ay sinipa sa tiyan. Na dahilan ng pagtalsik niya at tumama sa puno.
"Gail!"
Napalingon naman ako dun sa tumawag ng pangalan ko. At nakita ko sila mom and dad pati na rin si heather. Agad naman silang tumabi sa akin.
"Gail oh" sabi ni heather at inabot sa akin ang isang dagger.
Napansin siguro niyang wala akong hawak na kahit anong sandata. Kinuha ko naman iyon at ngumiti sa kaniya. Tumingin naman ako dun sa kalaban ko kanina. Na ngayon ay nakatayo at pinunasan ang dugo sa labi niya. Nakita ko naman siyang sumenyas.
In just a blink of an eye. Naging marami sila at naka cloak rin na itim. Napahiwalay naman ako kila heather. Isa-isa kong sinasaksak lahat ng lumalapit sa akin ng dagger.
Sobrang dami nila at hindi sila maubos ubos. Sobrang dami na rin ng dugo ang mga kamay at damit ko.
"Gail!"
Napalingon naman ako kay heather na umiiyak at hawak siya ng mga naka cloak. Pati na rin sila mom and dad.
Agad kong pinag sasaksak lahat ng mga naka cloak na sumusugod sa akin. Lalapit na sana ako sa kanila ng biglang magpalabas ng itim na bola yung lalakeng kinalaban ko kanina at tinutok kila heather.
"Ops ops ops, ibigay mo muna sa akin ang kapangyarihan mo kung ayaw mong mamatay ang mga taong ito." sabi niya.
"Wala nga akong alam sa pinag sasabi mo!" sigaw ko sa kaniya. Eh sa wala naman talaga eh. Anong magagawa ko.
"Sabi mo eh" sabi niya at pinakawalan yung itim na bola. Tumama naman yung kila heather.
Agad naman akong lumapit sa kanila.
"H-heather t-teka lang" yugyog ko sa kaniya habang umiiyak.
"A-ano ka ba, hindi pa ako m-mamatay" sabi niya.
Tinignan ko naman sila mom and dad at pilit nilang bumangon pero hindi nila magawa dahil unti-unti na silang nanghihina at umuubo na sila ng dugo.
Nilingon ko naman yung gumawa nun sa kanila. At nakita ko siyang nakangiti at masayang nakatingin.
Wala siyang karapatan para gawin yon sa pamilya ko! Hindi ko hahayaang makaalis sila dito ng buhay! Okay lang kung ako saktan nila wag lang ang pamilya ko! Magbabayad sila!
"MAGBABAYAD KAYO!" Sigaw ko.
Naramdaman ko na lang na biglang uminit ang paligid. And with that nagdilim na ang paningin ko.
____________________________________________________
📓Chapter 3 *complete*
Pls. Vote or Comment
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Magic Charm Academy: The lost princess of Flaliara
Fantasy'Magic?' are things some people don't believe it exist, specially in mortal world. Just a imagination of one's mind. A fiction. Pero isang araw dahil sa isang Hindi inaasahang pangyayari, ang isang babaeng cold,palaban, mabait, at isang babaeng wala...