📜PROLOUGE📜

1.1K 56 1
                                    

17 yrs ago......


"Wow ang kyut niya" sabi ni princess Eara habang mahinang pinipisil ang pisngi ng bagong silang na sanggol


"Oo nga mahal, ang kyut niya at ang ganda pa" sabi naman ni king kyle na hinehele ang sanggol at si Eara na nasa tabi niya


"Tss" at umirap sa kanila si queen alleya na ngayon ay nakahiga sa kaniyang higaan dahil sa bago pa lamang ito nanganak


'Hindi ba obvious? Malamang kyut at sobrang ganda ng kanyang ina.' sabi na lang ni queen alleya sa kaniyang isip


Natawa naman si princess Eara sa inasta ng kanyang ina dahil sa isa siyang mind reader kung kaya't nabasa niya ang sinabi ng kanyang ina sa isip


"Nga pala mahal, anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong king kyle at inilagay ang bata sa tabi ni queen alleya


"E-"hindi natapos ni queen alleya ang kanyang sasabihin ng may marinig silang pagsabog....




Booogssh



"Mahal na hari!"


Agad naman silang napatingin sa kawal na dumating.


"Sinasalakay po tayo ng mga Darkans kasama ang mga iba't ibang uri ng halimaw" ulat ng kawal


Nagulat naman sila ng marinig iyon. At kinabahan dahil hindi nila kakayanin na talunin ang mga ito. Lalo pa't mahina pa ang reyna at kailangan pa ng dalawang araw na pahinga


"Sabihan ang iba pang mga kawal na maghanda" utos ni king kyle sa kawal. Tumango naman ito at umalis na


"Eara, gamitin mo ang iyong telepathy at humingi ng tulong sa iba" agad naman ginawa ni princess Eara ang utos ng kaniyang ama


"Mahal sasama ako sa inyo makipaglaban sapagkat may natitira pa akong lakas" babangon na sana si queen alleya ng pigilan siya ng kanyang asawa


"Ngunit hindi ka pa pwedeng makipaglaban dahil wala ka pang pahinga at baka mapahamak ka pa" pigil ni king kyle sa kaniya


"Pe–" hindi natapos ang sasabihin ni queen alleya ng lumapit sa kanila si princess Eara


"Papa, nasabihan ko na ang iba pang kaharian at anong mang sandali ay darating na ang mga ipinadala nilang tulong"


"Patawad ngunit kami na lamang ni Eara ang lalaban. At gamitin mo na lamang ang iyong natitirang lakas upang protektahan ang iyong sarili at anak" sabi ni king kyle.


Lalabas na sana sila ng silid ng biglang may matandang babae ang lumitaw sa kaniyang harapan.


"Sino ka?" Tanong ni king kyle at inilabas ang kaniyang espada


"Siya ang itinakda" sabi ng matanda at tinuro ang sanggol


"Itinakda?" Naguguluhang tanong ni queen alleya


"Siya ang batang itinakda sa propesiya, na tatapos sa kasamaan ng mga Darkans. Isang pinakamalakas at pinaka makapangyarihan na magbibigay kabutihan at kapayapaan sa lahat. Ngunit may isang taong mag sasakripisyo ng kaniyang buhay para sa kaniya..." sabi ng matanda at nawala.



________________________________________________________

📜PROLOUGE📜 *complete*

Pls. Vote or Comment

Thanks for reading!

Magic Charm Academy: The lost princess of FlaliaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon