Chapter 3

34 2 2
                                    

Scene

Linggo ngayon. 10:00am na ako nagising. Syempre puyat na naman ako kakaiyak dahil sa lalaking yun.

Hay Denise late ka na naman gumising, yan tuloy di ka na nakasama sa kanila sumimba. After kong magliwaliw, bumaba na ako. Nakaramdam na talaga ako ngayon ng gutom. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakaen, kasi ba naman, kagabi pa ako di kumakaen kasi wala akong gana.

Tinignan ko yung nakasulat na note sa may ref.

'Denise, kanina ka pa namin ginigising, pero mukhang puyat na puyat ka kaya di ka na namin inabala. Punta lang kami sa church ha? Kaso hapon pa kami makakauwi kasi pagkatapos namin pumunta sa church eh ihahatid pa namin ng daddy mo si Lyka sa school nila kasi may biglaang practice daw ng piano lesson, tapos nun, didiretso kami sa birthday party ng kaklase niya. Sorry Denise ha, anyway may utos ako. PAKIBILHAN 'TONG KAPATID MO NG DAMIT NA KAKAILANGIN NIYA SA PRESENTATION NILA. ANY FILIPINO DRESS. NASA IBABAW NG TABLE MO YUNG PERA. Loveyou anak! -Mommy'

Inutusan pa nga ako. Pupunta na lang ako sa mall, marami naman dun sigurong ganun.

Anyway, hindi kami mayaman, hindi rin mahirap, kumbaga sa inverted pyramid, kami yung nasa gitna. May malaking business company ang tita ko sa Canada na si Tita Isabelle. Wala siyang asawa at anak, kaya gustung-gusto niya kaming kuning tatlo nila Lyza at Ate Diana. Hindi pumayag nun sila mommy at daddy, kaya sinabi ni Tita Isabelle na pag-aaralin nila kami. Gusto ni Ate Diana kaya sumama siya doon kahit na nagdadalawang-isip pa nun sila mommy at daddy.  Sabi naman ni tita kung gusto daw namin pwedeng pwede daw kami pumunta dun.

Tinutustusan niya kami dito sa bahay kaya very thankful kami sa kanila. Si papa ay isang manager sa maliit na business na itinayo ni Tita dito para sa amin samantalang si mama naman ay dakilang housewife.

Kinuha ko na lang yung pizza na andun sa ref. Tapos ininit ko na lang yun dito sa oven. Pagkatapos nun mabilis ko na kinaen yun.

Pagkatapos nun, mabilis akong umakyat ng kwarto.

Kamusta na kaya yung binato kong cellphone?

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, nakita ko dun sa table yung pera na sinasabi ni mama at yung cellphone ko. Siguro nakita nila 'to nung ginigising nila ako kanina. Di kasi ako nag-lolock ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama. Nakapajama pa ako, mamaya na lang ako maliligo pag aalis na. Naka-off yung cellphone ko kaya in-on ko na.

Pagkabukas nun, sunud-sunod yung mga text. Grabe ang dami. Hinintay ko matapos lahat ng nun.

250 text messages at 115 missed calls.

Grabe, babasahin ko ba pa ba yung mga messages at titignan yung missed calls? After mahaba habang pag-iisip, tinignan ko na.

Halos puro gm lang naman yung iba kaya di ko na binasa at dinilete ko na lang. Tapos yung iba naman ay mga PM na galing sa kaklase ko. Halos isa lang yung mga tanong.

From: Fatima Tan

'Huy, break na kayo?'

From: Jed Cruz

'Denise! Break na ba kayo ni Neil?'

From: Keith Ramos

'Neil broke up with you?'

Halos puro ganyan yung mga text ng kaklase ko. Nakakainis!!! Sino naman ang gagong magkakalat nun? Naiiyak na naman ako! Peste!

Tinignan ko naman yung iba pang mga text na hindi nababasa, hanggang makita ng mga mata ko ang mga text ni Neil. Lahat ng yun kahapon niya lang sinend. Puro 'Kamusta ka?','Denise, sorry.', 'Please answer my calls' at kung anu-ano pa.

The True LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon