Chapter 4

14 0 0
                                    

What is this?

Monday na naman. Andito ako sa school namin, sa may bench dito. Unfortunately wala akong kaibigan dito sa school namin, mas pinipili ko pang magbasa ng libro kesa makipagplastikan at makipagkaibigan dito.

To be honest, kapag may problema ako, wala akong pinagsasabihan. Ayoko ng may ibang makakaalam. Kahit nga yung mga ka-member ko sa dance troupe eh wala akong kaibigan. Oo maraming nakakakilala sa akin dito, maraming humahanga kasi maraming nagsasabing matalino at maganda daw ako, pero kahit isa sa kanila wala akong itinuring na kaibigan.

Anyway ang lalim na ng mga pinagiisip ko. Kasalukuyan kong binabasa 'tong libro sa Geometry, may test nga pala kami ngayon, di ako nakapagreview, syempre, alam niyo na.

Hindi ako makapag-concentrate kasi naaalala ko na naman yung kahapon. Nakita ko na naman yung lalaking yun.

Bakit ba napakaliit ng mundo?

"Hi Denise!" Bati sa akin ni Carmela. Ningitian ko naman siya.

"Hello, anong oras class mo?"

"8:00am pa eh. Diba 7:30am ka?" tumango naman ako, tas nagtaas siya ng kilay.

"Umiyak ka ba?" Ako naman ang nagtaas ng kilay, oh-oh. Tumawa siya bigla ng pilit. "I already know what happened, Denise. Pumunta ka na sa room mo oh, 5 minutes na lang start na ng class mo."

Tapos tumakbo siya at sumigaw, "may practice daw mamayang uwian, si Ella dw maglelead!"

What more can I expect, syempre si Ella na naman ang magleleader-leaderan don.

Wala namang masyadong nangyari the whole day except sa nangyari kanina sa time ng Geometry nung nagtetest kami.

Hindi ko magawang lumingon kay Neil kasi baka mamaya kung ano pa ang masabi ko at umiyak na naman ako. Sa sobrang puyat at antok ko minadali ko na lang ang pagsagot sa test namin. Hindi naman masyadong mahirap kasi saulo ko naman yung mga formula kahit papaano. Di ko namalayan na nakatulog pala ako at hindi ko naipasa yung answersheet ko.

"Sht!" Napatayo ako bigla dahil nakalimutan ko ngang ipasa. Ang bobo mo Denise, tapos ka na nga di mo pa pinasa.

Hinanap ko kung asan yung answersheet ko pero, damn! I can't find it! Where did I freaking put that? Ako na lang ang tao dito sa room at sht wala talaga!!! Nagsiuwian na lahat ata.

Tinignan ko sa ilalim ng upuan ko, baka kasi namisplace ko lang ng biglang may kumalbit sa akin kaya..

"AHHHHHHHHHHH!" Sa sobrang gulat ko ay napaakyat ako sa upuan at muntik akong mahulog ng sinalo niya ako bigla.

Hawak niya lang ang bewang ko at nakatingin kami sa isa't isa.

"Okay ka lang?"

"I'm okay Neil." Tinanggal niya ang kamay niyang nakaalalay sa beywang ko.

"Bakit andito ka pa? At saka diba may practice kayo ng sayaw diba?"

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"Kay Ella."

Napangiti ako ng sarkastiko."Ahhh, ano kasi, yung answersheet ko nawawala. Andyan pa ba si Sir Marqueses? Paano yan nawala kasi yun eh, di ko mahanap. Nakakainis! Long test pa naman na yun!" Naiiyak kong sabi.

"Don't worry, I already passed your paper. Nothing to worry about." He smiled at me at nakita ko na naman ang malatsinito niyang mata at mapupulang labi.

Huminga ako ng malalim. "Thank you. Anyway bakit ka nga pala andito? Akala ko nakauwi ka na."

"I'm just checking if your okay. Kanina ka pa kasi natutulog eh."

The True LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon