Matthew
I'm trying to compose myself that time na makita ko yun. Talagang hindi ko lang inaasahan na ganun ang tatambad sa akin. Out of many persons na pwedeng makita kong ganoon ay sila pang dalawa.
So I decided to go to the bar. Obviously, it's my first time to do this. I'm not a party girl. Never in my life ko pang naranasan ito kaya I just want to experience something new, something na hindi ko pa nagagawa.
Smoke, wine, beer, at mga nagsasayawang tao, kasabay ng iba't ibang lights na nakakapagpaakit at nakakapagpasakit sa mga mata. Gusto kong maglasing. Gusto kong ituon lahat ng sakit na nararamdaman ko sa alak.
"Bigyan mo nga ako ng pinakamatapang na alak diyan."
"Pero miss.."
"Sabi ko, bigyan mo ako!"
Dali-daling kumuha yung lalaki, aba takot ka pala sa akin ha. Siguradong ayaw niya ako bigyan kasi syempre alam niyang estudyante pa lang ako. Bakit ba kasi suot ko pa din itong uniform na to?
Naaalala ko na naman lahat. Nilagay ko ang mga tuhod ko sa mukha ko na para bang batang umiiyak, wala na akong pakielam sa iisipin ng iba, basta masakit ang nararamdaman ko, at hindi na magbabago yon kahit na ano mang gawin ko. Nag-iiiiyak naman ako dito na parang isang batang kinuhanan ng candy.
"Eto na pala ang order mo, miss."
Ininom ko na yung binigay niya ng isang diretsuhan.
"WHAT THE HELL? DI BA SABI KO-"
"Yan na lang sayo. Naubusan na kami ng alak eh. Mas masarap yang tubig, for healthy living pa, at sobrang pure."
Tinignan ko yung lalaki. Siya na naman! Lagi ko na lang nakikita itong lalaking ito, bakit ba napakaliit ng mundo sa aming dalawa?
"Bakit ba ikaw ang nagdala nito? May inutusan akong iba tapos ikaw magdadala dito eh hindi naman yang inorder ko!" Galit kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya. "Tabi nga dyan!" Tinulak ko siyang palayo at saka pumunta sa dance floor. May humila sa kanyang babae kaya hindi ko na lang inintindi. Sayaw lang ako ng sayaw, ang saya pala. Binigyan ako ng isang lalaki ng napakatapang na alak, sobrang nabuhayan ang sistema ko. Ang saya!
Ang daming lalaki ang nakapalibot sa akin, lahat sila nagtatawanan, nagsasayawan, kanya-kanyang hiyawan."Sige miss, ikembot mo pa!" Sigaw ng isang lalaki, ako naman ay parang sirang plaka ay lalo pang hinatawan ang pagsayaw.
"Miss anong pangalan mo?" Saad ng isang lalaki, nararamdaman ko ang kamay niyang umaalalay sa likuran ko habang sumasayaw kami.
"I'm D-denise." Sabay inom ng alak na ibinigay sa akin ng isang lalaki. Ang tapang!
"Sobrang ganda ng pangalan mo, kasing ganda mo.." Sabay halik niya sa leeg ko, hindi ako makailag, sadyang mahinang-mahina ang katawan ko. 'Sayaw pa." Sabay hawak niya sa may dibdib ko.
"HAYOP KA!" Nagulat ako ng biglang may sumuntok sa lalaking kasayaw ko. Sadyang ang bilis ng mga pangyayari.
"GAGO KA PRE! BABAE YAN! BINABASTOS MO?" Akmang susuntukin na siya ng lalaking kasayaw ko kaya hinila ko na lang siya palabas ng bar.
"Ano bang problema mo ha?" Sigaw ko sa kanya ng nakalabas na kami. Andito lang kami sa may maliit na playground. Gabing-gabi na. Lagot ako nito sa bahay. Nararamdaman ko ang madidilim niyang titig.
"IKAW ANG PROBLEMA KO! KUNG HINDI KITA BINALIKAN DITO BAKA KUNG ANO NA ANG GINAWA SAYO NG GAGONG YUN!"
"PWEDE BANG KUMALMA KA NA LANG MUNA?" Sigaw ko din sa kanya. Pilit niyang pinakalma ang sarili niya, nararamdaman ko ang galit niya. Sus, eh sinabi ko bang bumalik siya?
Huminga siya ng malalim. "I'm Matthew."
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Tinatanong ko ba pangalan mo?"
Nagface palm naman siya. "I just want to, ugh! Ikaw naman kasi! Bakit ka nagpapahawak sa lalaking yun?!"
"Eh ano bang pakielam mo?" Sabay irap ko sa kanya.
"Denise, babae ka, dapat nirerespeto ka." Tumingin siya sa malayo, "At dapat pinapasaya, hindi pinapaiyak."
"Paano mo nalaman pangalan ko?"
"Mahalaga pa ba yun?!" Simangot niyang saad. "Umuwi ka na nga."
"Osige. Bye!" Umalis na ako sa harapan niya, ang kaso nga lang, sa sobrang katangahan ko, tumumba ako, napakarami ko pa lang nainom eh.
"Iinom-inom, hindi naman pala kaya, ayaw mo pa kasi sa tubig, pure na pure!" Sabay halakhak niya, tignan mo to, kanina nag-aapoy na sa galit tapos ngayon tatawa-tawa na parang walang bukas.
"Letse ka! Uuwi na ako." Pinilit ko tumayo kaso epic failed talaga, tumumba na naman ako. Pinagtatawanan na naman ako, ayaw ba akong tulungan. Sa huling pagkakataon, pinilit ko tumayo, ang kaso nga lang ganun pa din ang nagyari, pero nasambot niya ako.
"Okay ka lang?" Naduduling ako sa mga titig niya. Ang mga gray niyang mata na napaka-expressive at mapupungay, ang napakakinis niyang balat, ang kanyang matatangos na ilong at perfect shaped na kissable lips. Ay, epekto na ata ito ng alak kaya kung anu-ano ang pinagiiisip ko.
"Oy, okay ka lang ba? I'm asking you." Sabay poker face niya. Napatayo naman ako ng bigla-bigla. "Ay yes!"
"Okay lang daw siya pero pagewang-gewang ang lakad tapos tumba ng tumba."
"Eh bakit mo pa itinanong kung okay ako?"
Napailing naman siya. Nagulat ako ng binack ride niya ako. Ang bango ng lalaking ito! Ang sarap amuyin.."Wag mo nga akong pagnasaan." Hinampas ko nga.
"Assumerism na iyan. Feeling close ka ha." Tumawa naman kaming dalawa.
"Wala ng sasakyan, hindi ko din naman dala ang sasakyan ko. No choice ako kundi buhatin ka ng ganto hanggang sa inyo, saan ba bahay niyo?"
"Wag ka maingay, matutulog ako." Antok na antok na ako. Ang ingay ingay pa nito, dakdak ng dakdak ayaw pang tumigil.
"Ay, wag ka matulog hoy! Hindi ko alam bahay niyo, anak ng pucha naman hoy!" Inalog-alog niya ako kaya nahulog ako. "AY SHIT!"
"Stop cursing", sabay halakhak ko. Akmang bubuhatin niya na ako muli ng hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"WHAT THE FUCK? ANONG GINAWA MO?-"
Nailabas ko na lahat. Whooo! Sucess.
"Sinukahan mo pa ako. Hay nako, Denise. Kakaiba ka talaga."Sabay buhat niya muli sa akin.
BINABASA MO ANG
The True Lies
Teen FictionLies lies lies everywhere. How to be prepared on the reality that in a world we are standing through, there are many people who will just use you.. for their own benefits. They just want to hurt you, because they think, you don't deserve the best. I...