CHAPTER TWENTY TWO

1 1 0
                                    

Isaih's POV

"Rayven magusap nga tayo" sabe ko sa kanya ng matagpuan ko sya sa likod ng library

"Yes quiel?" Hindi ko akalain na magagawa nya yun kay devon

"Baket mo pinagkalat na inagaw ako ni devon sayo ha?"

"Oh nakarating na pala yun sa inyo? Tsk ambilis naman ng balitang yan hahahaha"

"Sagutin mo yung tanong ko" naiinis na sabe ko sa kanya

"Well sabe ko naman sa inyo diba? Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo"

"Diba kaibigan mo si devon? Bakit mo ginagawa to sa kanya?" Tumawa naman sya ng malakas aakalain mo na isa sya sa mga taong nababaliw

"Date yon!" Mabilis na napalitan ng pagiging seryoso ang muka nya "wala akong kaibigan na ahas. Wala akong kaibigan na mangaagaw"

"Hindi nya ako inagaw"

"Inagaw ka nya sa aken isiah" lumapit sya saken para hawakan ang kamay ko na may nanlilisik na mata "inagaw ka nya sa aken siguro may ginawa sya sayo kaya baliw na baliw ka sa kanya ngayon. Ako naman talaga mahal mo diba isiah kaya bumalik kana sa aken"
"Oo mahal kita rayven. Pero date yon hindi na ngayon!"

"Hindi yan totoo isiah" tumawa nanaman sya "mahal mo ko" para talaga syang baliw tatawa tapos biglang seseryoso she's crazy tch

"Binabalaan na kita rayven tigilan mo na kame wag mo na kameng guluhin hayaan mo na kameng tumahimik kung hindi ako ang makakalaban mo. Kakalimutan kong minahal kita noon kapag sinaktan mo ang babaeng mahal ko ngayon"

"Binabalaan den kita isaih hindi ko hahayaang maging masaya kayo habang ako nagdudusa kung kinakailangang saktan ko si sapphia gagawin ko bumalik kalang sa aken. Eto ang tatandaan mo isaih hindi lang yan ang kaya kong gawin kayang kaya ko deng saktan si sapphia sa paraang gusto ko. Kaya habang maaga pa hiwalayan mo na si sapphia at bumalik sa aken"

"Hindi mangyayare yon" hinablot ko sya sa braso "wag na wag mong sasaktan si devon" mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya tinanggal nya naman ito

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo isiah" hinalikan nya muna ako bago ako tinalikuran f*ck matagal bago ako bumalik sa sarili ko.

Pumunta ako sa e place mabuti nalang at walang tao makakapagisip ako ng pwedeng isipin.

Iniisip ko ano pa kaya ang pwedeng gawin ni rayven kay devon natatakot ako sa pwede nyang gawin pwedeng mapahamak si devon ng dahil sa aken ayokong mangyare yon pero wala akong maisip na pwedeng lumutas sa sitwasyon na to ang tanging naiisip ko lang ay ang hiwalayan si devon pero kapag ginawa ko yon ang maiisip ni rayven nanalo sya sa laban na ginagawa nya at sya ang unang unang taong magsasaya kapag nalaman nyang hiwalay na kame ni devon.

Masasaktan ko den si devon kapag ginawa ko yon kaya tinanggal ko yon sa isipan ko.

Hindi ko namalayan ang oras naalala ko si devon kailangan ko syang sunduin at ihatid sa kanila dahil wala syang dalang sasakyan pumunta na ako sa school at hinintay sya sa labas ng gate hindi ako pwedeng pumasok dahil baka makita ako ng mga teacher na hindi ko napasukan

Lumipas ang ilang minuto nagangat ako ng tingin dahil naramdaman ko andito na si devon nginitian ko naman sya ngumiti den sya pero halatang may lungkot sa ngiting ibinigay nya

"Uwian na?" Tanong ko sa kanya  "tara hahatid na kita" pinagbuksan ko sya ng pinto at inalalayan pumasok.

Habang nasa byahe kame pinili kong manahimik nalang at wag na magsalita dahil baka hindi makapagpigil ang bibig ko at masabe ko sa kanya ang napagusapan namen ni rayven nagpanggap nalang ako na busy sa pagdadrive siguro naramdaman nya ren na ayaw kong magsalita kaya pinili nya na reng wag nalang den magsalita

"Pumasok kana devon" yun nalang ang nasabe ko

"Baket antahimik mo ngayon?" Hindi na ako nagulat ng itanong nya sa aken yan dahil alam kong magtatanong sya bago sya pumasok

"Pagod lang siguro" totoong pagod den ako sa kakaisip

"Anong napagusapan nyo ni rayven?" tinignan ko muna sya bago ako sumagot.

"Wala" halatang hindi sya kumbinsido sa sagot ko sa tanong nya nahalata ko naman ang pagbuntong hininga nya kaya naman tinapos ko na ang paguusap na to bago pa mapunta sa ibang usapan at may masabe pa akong iba "pumasok ka na iloveyou" tumalikod na ako sa kanya hindi ko kayang makitang malungkot sya ng dahil sa aken. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang napagusapan namen pero natatakot ako na iba ang pagiintindi nya don at kausapin nya si rayven at malaman nya na hinalikan ako ni rayven

umuwi na ako sa bahay ng wala sa sarili tinawag ako ni mommy pero diko na sya nagawang lingunin nababalot ng pagiisip ang aking isipan
Nang makapasok ako sa kwarto ko dali dali akong pumasok sa banyo at makailang naglinis ng ngipin at labi tuwing naaalala ko ang paghalik ni rayven sa aken nararamdaman kong malake ang naging kasalanan ko kay devon

Lumabas na ako sa banyo ng makuntento ako sa paglinis na ginawa ko saktong paglabas ko ng tumunog ang cellphone ko

1 message received

From:Devon❤
Mag-iingat ka sa pagmamaneho see you tomm mwaa

Pinatay ko nalang anh cellphone ko at hindi pinansin nilamon nanaman ako ng pagiisip ko nagpadala naman ako sa agos neto

Kinabukasan hindi ko naramdaman na nakatulog ako nakita ko nalang na nasisinagan na ako ng liwanag dali dali akong bumaba para kumaen

"Oh halika na dito kumaen kana para makapasok kana"

"Sige mommy" naupo ako at kumaen

"Kamusta kayo ng girlfriend mo?" Kahit hindi ko pa napapakilala ng formal si devon kay mommy bilang girlfriend naikwekwento ko naman sya dito

"Ayos naman po kame mommy! Pero may problema lang po na sinusubok kung gano kame katatag" pagsisimula ko. Alam kong si mommy lang ang makakatulong sa aken

"Aba! Dapat habang hindi pa nalake yan agapan nyo na. Kasi hindi nyo na maaayos yan kapag lumaki yan wala na kayong magagawa para maibalik pa sa date yan. Ano bang problema yan?"

"Kilala nyo po si rayven?"

"Hmmm yes your ex right?" Tumango naman ako "what about her?"

"Sya po yung problema sa relasyon namen! Bespren po sya ni devon" may bahid ng pagkagulat sa muka ni mommy "pero nung niligawan ko po si devon hindi ko po alam na bespren nya si rayven nagulat nalang po ako nung nagbakasyon kame"

"Bespren nya baket ayaw nalang kayo hayaan ni rayven kung ganon?"

"Eh kasi mommy gusto nya kameng magkabalikan. Lalo na't nalaman nya yung tunay kong dahilan kaya ako nakipaghiwalay sa kanya"

"Ipinaliwanag mo naman sa kanya ng maayos diba kung baket hindi na pwedeng maging kayo ulit?"

"Yes mommy pero sadyang sarado ang utak nya. Kagabe lang nakausap ko sya dahil nga sa pinagkalat nya sa buong campus na inagaw daw ako ni devon sa kanya na hindi naman totoo dahil ako ang kusang lumapit kay devon. Naaawa nga po ako kay devon eh nang dahil sa aken nangyayare sa kanya to"

"Kawawa naman yang batang yan. Dapat hindi kayo magpaapekto sa mga sinasabe ng babaeng yon nababaliw lang yun"

"Yun na nga po eh napuyat ako kakaisip kung ano ang gagawin ko hindi ko nga po masyadong pinansin si devon kagabe"

"Alam mo anak ganto lang yan eh kung talagang mahal mo sya hahayaan nyo ang panahon ang maghiwalay sa inyo hindi yung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para mawala sya sayo." Napayuko ako sa sinabe ni mommy sa sitwasyon ko ako ang gumagawa ng paraan para mawala sya saken stupid. Tinext ko sya na antayin ako sa kanila para sabay na kame pumasok sumagot naman sya na sige kaya nagmadali na akong magayos

Kailangan nateng magusap devon. Hindi ko hahayaan na mawala ka saken.

Letting You GoWhere stories live. Discover now