Fourth Pain (His Words)
Tiffany's POV
Pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan ko walang tao dito kundi si Manang lang na nasa kusina at naghihiwa ng pagkain namin para siguro mamayang gabi. Pero, asan si Luhan?
"Hi po Manang." Bati ko kay Manang at nginitian siya. Ganun din ang ginawa niya sa akin. "Mukhang masarap po ang kakainin natin mamayang gabi ah."
"Oo Tiffany. Gusto ko din kasi sana na masustansya ang kakainin mo para kahit papano makatulong ang pagkain mo araw araw ng masustansya sa sakit mo. Kaya maghahain ako ng masarap at magulay na pagkain." Sabi ni Manang at pinagpatuloy ang paghiwa.
Bigla ako nakaramdam ng pagkalungkot at dismaya sa puso ko. Ang sakit marinig sa isang taong napamahal sayo ang ganung salita. Parang ang hirap tanggapin na iiwan ko ma sila.
Alam ko kasi sa sarili kong, wala na akong pagasa.
"Ah eh, Manang, dumating na po ba si Luhan?" Tanong ko bigla. Alam ko kasi wala siyang klase ngayon dahil Saturday ngayon. San kaya siya nagpunta?
"Tsk. Pumunta 'yun sa kabit niya." Sagot ni Manang. Kabet? S-si Mitch ba? Hehe. D-di naman nakakapanibago y-yun.
"Ganun po ba m-manang."
"Hay nako 'yang si Luhan talaga. Di ko naman pinalaking ganyan iyan. Napakabait naman niyan at mapagmahal. Pero biglang nagbago ng maipakasal siya sayo. Aba! Ano bang problema niya? Matagal naman kayong naging kaibigan, hindi ba?" Sabi ni Manang at tinuloy muli ang paghihiwa.
"Manang, alam naman po nating lahat na di ako mahal ni Luhan. Na-napilitan langbtalaga siya na ipakasal sa akin at isa pa, kaibigan lang ang turing niya sa akin." Sagot ko. "Wag sana siyang mag-alala, mawawala naman ho ako kaya, magiging malaya din---"
"Hay nako bata ka, wag mong sabihin 'yan. Mabubuhay ka. Huh? Magtuwala ka lang sa Panginoong Diyos." Sabi ni Yaya at nginitian niya ako. Binigyan ko dins iya ng ngiti.
***
"Tiffany, kumain kana oh. Luto na ang ulam." Masayang sabi ni Yaya pero kahit nagugutom ako, hindi ko pa din magawang kumain dahil wala pa si Luhan. Anong oras na, dapat andito na siya.
"Sige po yaya, mauna na po kayo. Hihintayin ko nalang si Luhan." Sabi ko.
"Tiffany, kumain kana muna. Baka gabihin si Luhan o di kaya bukas pa makauwi yung bata na yun. Kaya sige na." Pagpupumilit ni Yaya.
"Sige na po yaya, mauna na po kayo. Hihintayin ko nalang po siya." Sabi ko at yumuko. Napansin ko namang napabuntong hininga si yaya kaya siguro wala na siyang magagawa.
"Oh sige, pero kumain ka ha. Hindi pwedeng di ka kakain." Sabi ni yaya at tumango naman ako. Parang pangalawang nanay ko na etong si yaya. Simula kasi nung bamatay si mama, siya na ang nag-aalaga sa akin. Yaya kasi siya noon pa ni Luhan at kami naman ni Luhan, magbestfriend. Kaya kilala ako ni yaya.
1 hour....
2 hours.....
3 hours......
Hayy. Wala paring Luhan na dumarating.
Mahigit apat na oras na akong naghihintay dito sa sala. 11:28pm na. Asan na kaya siya? :(((
Maya maya, bigla ako nakaramdam ng antok. Sana dumating kana Luhan, sana...
******
Bigla ko narinig ang isang lalake na naglalakad pagewang gewang dito sa sala. Si Luhan ito! Di ako nagkakamali, umuwi siya :) Pero, bakit ata kakagaling niya sa isang inuman?
BINABASA MO ANG
Killing Me Slowly:Pls Don't kill me like this.
RomanceBaket kailangan pang unti unti nya akong saktan. mahirap bang maghintay hangang sa mawala ako? Gusto ko lang naman kasama ung taong mahal ko sa araw na mamatay ako.