"Hoy teh! GUMISING KA NA DIYAN!"
Bigla akong nagmulat ng mata at padabog na tumayo. "Tsk! Istorbo e! Alis nga jan!" Inis na sabi ko kay Chinny.
"Sige mag-ganyan kapa! May good news pa naman ako sayo at siguradong--"
"Ano yon best!" Excited kong sabi. Nag cross arm naman siya.
"Talagang BEST pag may kailangan na huh!?" Sigaw niya at kinotongan ako.
"Awch naman e! Ano ba yung good news mo?"
"Ito na nga teh!" Umupo siya sa kama. "Wag kang magugulat ah!?" Hinawakan niya ang kamay ko, habang ako ay nakakunot lang ang noo.
"Bumalik na yung Ex-boyfriend mo..."
Bahagyang lumakas ang tibok ng puso ko. So ibig sabihin nandito na siya sa pilipinas? God! Nakakahiya pag nakita niya ko, pano ba naman kase.......
Anak siya ng MAYOR edi mayaman siya.... hayss. Kinuha ko kase lahat ng pera niya sa bank account niya.
Pati yung nasa credit card. Halos lahat ng yaman niya. Kinuha ko.
At iniwan siya.....
Five years na nung mangyari yun. Pero hindi ko parin makakalimutan ang mga panlolokong ginawa ko sa kaniya.
Ano na kayang itsura niya? Gwapo padin ba? O mas sobrang Gwapo pa?
"Hoy! Teh! Okay ka lang?" Tinignan ko lang siya at sumimangot. "Do you think im okay? Pano kung bumalik siya dito at bawiin ang pera niya? Natatakot ako--"
"Hoy CHINNY CARREON! at MELISA ZSYDKE KAKAIN NA!!!" Sigaw ni Paula Dionisio sa baba.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Mauna nako ah? Galit na si Palaka eh! Bye." Mabilis siyang tumakbo sa baba.
Napabuntong hininga ulit ako...
Lahat ng pag-aari ko ay pag-aari niya... pati itong bahay na tinitirahan ko ay pera niya din ang pinanggawa ko, mga kinakain namin ay pera niya padin, ang mga isinosuot ko ay galing din sa kaniya.
Halos lahat ng ginagamit ko ay pera niya.
Hindi pako handang makita ka.....