Six

23 1 0
                                    

Sabay sabay kaming pumasok nila Paula at melisa sa school.

Pag pasok ko palang ang dami ng nakatingin saakin at alam kong pinagbubulongan narin ako ng iba.

"Okay lang yan best!" bulong ni Melisa.

Nagpapasalamat ako kahit papaano ay may mga kaibigan parin ako na dumadamay sa-akin.

Pagpasok namin ng room, as usual nakatingin na kaagad sila saakin.

Ngunit hindi ko nalang iyon pinansin.

Sabay sabay kaming umupong tatlo sa upuan.

It's Friday... At si Mrs. Mendoza ang prof namin ngayong umaga.

"Did you hear Shen? Kaklase natin ngayon si Andrew at yung girlfriend niya? Nicole ba pangalan non?" Rinig kong bulong ni Cheska.

"Really? E pano na yung ex niya?" Ani Shen.

"aba malay ko!"

Biglang tumahimik lahat ng kaklase ko nang pumasok si Mrs. Mendoza kasama si Andrew at Nicole.

Tama nga ang sabi Cheska. "Good morning."

Tumayo kaming lahat. "Good Morning Mrs. Mendoza." bati naming lahat at umupo na.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang kaguluhan ninyo kahapon." panimula no Mrs. Mendoza.

"at dahil napagalitan ako sa Dean's Office, lahat kayo may punishment."

Tinignan ko ang mga kaklase ko at mukhang naiinis silang lahat. Dumapo ang tingin ko kay Andrew na pagtingin ko sa kaniya ay napatingin din siya saakin.

Agad akong umiwas ng tingin.

"all of you stand up!" Tumayo kaming lahat.

"Ano nanaman kaya balak ni Mendoza?" bulong ni Melisa.

"Dalin ang mga bag at tumayo dito sa harapan." hindi kona kinuha ang bag ko dahil bitbit ko naman na.

"Okay Cheska sa harap." sabi ni Mrs. Mendoza na tinuro ang uupuan ni Cheska.

"Nicole sa tabi ni Cheska." hindi ko tinignan si Nicole na nasa gilid kolang.

"Meghan sa tabi ni Nicole. Paula sa tabi ni Meghan...Karl sa gilid....Melisa sa second row...James sa tabi ni Melisa."

Nagkatinginan kami ni Melissa. "Andrew sa tabi ni....." tumahimik lahat ng kaklase ko.

"Sa tabi ni Shaine." nakahinga ako ng maluwag. "Jennie sa tabi ni Chinny sa last row."

Oo nakahinga ako ng maluwag pero bat ganto? Nasasaktan ako? Ito na ba? Ito na ba ang karma?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY EX-BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon