MAINE'S POV
" oh maine tapos kana bang maglinis bat nandito kapa? Mag aalas onse na ng gabi" si manong guard pala.
" Ahm opo tapos na po papauwi na rin po ko" sagot ko, nandito kasi ako sa labas mathroom namin, halos isang linggo na kasi siyang di nagrereply sakin sa armchat namin at pano ko nalaman ang armchat thing? Sa kanya mismo galing sabi niya kasi armchat daw ang itatawag sa armchair conversion namin diba ang galing! yun ngalang parang ayaw na niya ata, nakipagpalit pa siya ng upoan sa kaibigan niya hindi ko alam kung bakit, hanggang dun lang siguro kami, nagpapasalamat narin ako at kahit papano nakakausap ko siya kahit sa armchair lang.
" maine okay Ka lang?" Tanong ni guard
" huh ahm opo sige po una na po ko" paalam ko .
"Mag ingat ka" habol pang sabi ni manong guard.
......
"maine apo bakit ngayon ka lang? Nag alala nako sayo san ka ba galing?" Bakas sa mukha ni lola ang pag alala.
"Mano po la, galing po ko sa school marami po kasing lilinisin kaya natagalan po ko" paliwanag ko kay lola.
" hay apo ko talaga, ako dapat ang nagtatrabaho para saatin para may pang tustus sa pag aaral mo naawa nako sayo apo" lola
"La naman kahit ganyan po ang trabaho ko naging scholar po ko at la wag na po kayung mag alala yakang yaka ko pa po tsaka ayuko din mapagod ka" palakas loob kung sabi kay lola na nakangiti pero hindi abot sa mata.
...
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa bubong dito sa kwarto ko, iniisip ko parin siya, "hanggang tanaw lang ata ako sayo gwen".
Tok tok tok
" apo?" Rinig kong tawag ni lola sa labas ng kwarto ko.
" la pasok po kayo"
" hindi ka ba makatulog?" Tanong ni lola, iling lang sagot ko kay lola.
" apo may problema ka ba?" Tanong ni lola sakin, ayuko sabihin ni lola problema ko ayuko ko siya mag isip tsaka problemang pag ibig naman to nakakahiya kay lola.
"Wala po la pagod lang po" malumnay kung sabi, pagod lang din ako.
" apo alam na kita, may problema ka ano yan apo? baka makakatulong ako" sabi ni lola napabuntong hininga nalang ako, sasabihin kuna ba kay lola? bahala na.
" lola may sasabihin sana po ako sainyo" nahihiyang sabi ko.
" ano yan apo?" Lola
" wag sana po kayong magagalit" sabi ko na nanginginig pa.
" naghihintay ako apo, ano yun?"
" lola kasi ahm may n-n-na" arg nanginginig na talaga ako.
" apo an---"
" may nagugustuhan na po ako" putol ko sa sasabihin ni lola, sorry la.
" ahehehe ang apo ko may crass ( crush) na" kinikilig pang tukso ni lola sakin.
" lola naman"
" ahehe sino ba yan apo nang makilatiks ko naman? Gwapo ba?" Tanong ni lola, panu ko ba sasabihin na hindi gwapo kundi maganda.
" lola hindi po siya g-gwapo"
" ok. Lang apo kahit hindi siya gwapo basta mati---"
" maganda po siya i mean diyosa po siya la" putol ko ulit sa sasabihin ni lola, napayuko nalang ako ayukong makita ang reaction ni lola, hindi ko alam ilang minuto na tahimik lang si lola, siguro hindi niya ako tanggap,hinihintay ko nalang na papagalitan ako ni lola nakayuko pa rin ako ayuko siya tignan.

BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...