Chapter 2

3.6K 105 3
                                        

Gwen's POV

I hate this life!

"Ms. Anderson!" sigaw ni Ma'am sa akin.

"Yes, Ma'am?" pa-cute kong sagot.

"Please solve problem number 3," utos niya.

"Ah, Ma'am..." alanganin akong tumayo. "I don't know how to solve that problem, Ma'am," tapat kong sagot.

"Alam mo, Miss Anderson, hanggang ganda ka lang. Wala namang laman ang utak mo! You may take your seat," sermon ni Ma'am.

"I'm sorry, Ma'am," mahina kong sabi. Hindi ako katulad ng ibang queen bee na walang galang sa Professor.

"Girl, okay ka lang?" tanong ni Ash sa akin.

"Yeah, I'm okay." Pero deep inside, naiiyak na ako. Ayoko nang makinig kahit makinig pa ako, hindi ko pa rin maintindihan.

"I HATE THIS LIFE! I WANT TO DIE!"
Isinulat ko iyon sa armchair.

Brrriiing! Brrriing!

"Okay class, dismissed."

"Girls, mall tayo?" aya ni Jane.

"Sure," sagot ni Ash.

"Why not?" sabi ni Ann.

Nakatingin silang lahat sa akin, naghihintay ng sagot.

"What?" tanong ko.

"Girl, sasama ka ba sa amin?" tanong ni Jane.

"Sorry girls, wala akong ganang gumala ngayon," sagot ko.

"Hay! okay, Pero next time sumama ka na," sabi ni Ann.

"Sure," sagot ko.

"Okay, bye girl! Una na kami." Sabay beso sa akin.

"Bye"

--

"Hi, Dad," bati ko sabay beso.

"What is the meaning of this?!" sigaw niya sabay taas ng papel.

"What's that, Dad?" nagtataka kong tanong.

"Report galing sa school mo! Nakakahiya ka! Simpleng solving hindi mo alam! Ikaw ang next CEO ng Blaze Company! Ayusin mo ang buhay mo, Gwen!" sigaw niya.

"I'm sorry, Dad" Hindi ko na kinaya kusang pumatak ang mga luha ko.

--

Jamaine's POV

Mag-aalas-nuwebe na pala ng gabi.

"Hay, sa wakas makakauwi na ako" bulong ko sa sarili.

"Bye, Mang Gelbert," paalam ko sa guard.

"Ingat ka sa pag-uwi, Maine," sabi ni Mang Gelbert.

"Salamat po"

---

"Taya ka, buchok!"

"Habulin mo ako!"

"Tagay pa, pre!"

"Oy, Maine, tagay tayo!" aya nila.

"Salamat na lang," sagot ko.

"Walang hiya ka!" sigaw ng babae sabay sabunot sa buhok ng asawa niya.

Ganito lagi ang eksena sa amin magulo kahit gabi na.

Papasok na sana ako sa apartment nang-

"Jamaine, my friend!" Alam n'yo na kung sino.

"Ay oo nga pala. Oh, ito na," sabay abot ko ng papel sa kanya.

"Oy, thank you! The best ka talaga! At dahil diyan, may libre kang sakay bukas," sabi ni Bugs.

"Ikaw talaga. Sige, pasok na ako," paalam ko.

--

"La, bakit gising pa po kayo?" tanong ko kay Lola.

"Apo, nariyan ka na pala, hindi kasi ako makatulog, hinihintay kita," sagot ni Lola Flora.

Siya na lang ang pamilya ko. Wala na akong mga magulang hindi ko na alam kung nasaan sila at wala na rin akong balak pang alamin.

"Lola naman, alam n'yo pong bawal kayong magpuyat."

"Hayaan mo na muna, apo. Kumain ka na ba? May itinira akong ulam para sa'yo."

"Opo, salamat po, La. Kakain na po ako. Matulog na rin po kayo."

"Sige, good night, apo"

"Good night din po, La"



____________________

Revised (December 14, 2025)

I Love You ForeverMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon