Jamaine's POV"Lola pasok na po ko" paalam ko kay lola.
" Nag almusal kana ba apo?"
"Tapos na po,alis na po ko"sabay mano sakanya.
"Mag ingat ka apo"
"Opo"
"Maine my friend halika na baka ma late kapa" sigaw ni bugs may pakaway kaway pa, natawa nalang ako.
Habang nasa byahe
"Maine salamat ha, na inlove na daw si marie sakin dahil sa mga banat ko raw sa sulat" kinikilig pa kaya gumewang kunti yung pedicab.
"Dahan dahan lang bugs tsaka Wala yun, friend kita eh" ako
"Maraming salamat talaga sayo maine,
Oh Nandito na tayo""Thank you bugs" bababa na sana ako ng may nakita ako papalapit sa pwesto namin kaya bigla akong bumalik sa loob ng pedicab ni bugs.
"Oh bat pumasok ka ulit? Takang tanong ni bugs sakin
"Wait lang bugs" bulong kong sabi hinihintay ko nalang na lumagpas siya sa pwesto namin.
"Wooh" sabay pahid sa noo na may butil na pawis
"Ok. Ka lang maine? Hmmm Teka? parang alam na this, may crush ka dun noh? Oi" kinikilig na sabi ni bugs. "Oii!!! Si maine may crush kay ms. ganda! Oii" asar ni bugs sakin.
"Shhh tumahimik ka nga baka may makarinig sayo! Pero Ahm ok lang ba sayo? hindi ka ba nandidiri sakin?" Nahihiya kung tanong sakanya.
"Ano ba maine sobrang ok. Sakin noh!" Kinikilig niyang sabi.
"Talaga? Salamat bugs, pero satin satin lang to ha!" Paninigurado ko sakanya.
" Yes naman my friend" may salute pa
"Good! pano pasok nako"
"Sige, bye ayyyiie!" Asar niya sakin, napailing nalang ako na natatawa.
-------------------
" ok. Class may quiz tayo ngayon, please answer page 157" nagtaka ba kayo kung bakit may book pa kami kahit 4th yr. College na kami, well ginagamit lang namin to pag may mga quizes kami.
Hindi pa abot ng 10 minutes tapos nako ni review ko lang mga sagot ko, ng sigurado nako sa mga sagot ko napag desisyonan kong umidlip muna nakaramdam kasi ako ng antok, anong oras na din ako nakatulog kagabi, di ko namalayan nakatulog ako pero bigla ako nagising ng may narinig ako na parang may nahulog yun pala nahulog yung libro ko sahig.
"Naman!" bulong ko, ilalapag ko na sana ko sa armchair ko ng may nabasa ako.
I HATE THIS LIFE! I WANT TO DIE!
sino bang siraulo tong gustong magpakamatay, aba sarap kaya mabuhay sa mundo kahit mahirap lang sa buhay, mareplyan nga.
" hey sorry for being pakialamero" i use pakialamero term baka modus lang pala to, weird right? Haha "Don't hate yourself at lalong wag kang magpakamatay, sa tingin mo ba mawalala yang sakit na nasa damdamin mo pag ginawa mo yan? Hindi na matatahik ang kaluluwa mo, gusto mo ba yun?" Panakot ko sakanya. "Hey Don't give up may purpose si God, kung may problema ka im just here for you^^.
Briiing! Briiiing!
"Ok. Pass your paper"
Naglalakad ako papuntang cafeteria, breaktime ko kasi, malapit na ko sa caf. ng may nararamdaman akong matulis na bagay sa gilid ko.
"Hold up to! akin na lahat ng gamit mo" bulong nung salarin.
"Pasensya na mamang holduper poor po yung na biktima mo" ako
"Gusto mo libre nalang kita? Kawawa ka naman" bulong ni mamang holduper.
"Sige po ba"
"Tara?" Aya niya sakin pero bago pa kami makapunta sa caf.
Paaakk!
"Aray!! Bat mo ko sinapak?" Reklamo ni mamang holduper ai este vince my bestfriend.
"Ang luma na ng trip mo tsong tsaka bat ngayon lang nagpapakita?" Tanong ko sakanya.
"Alam mo naman tsong basketball player tong bestfriend mong pogi. Exempted ako sa lahat ng klasi" vince
"Ewan ko sayo lika na nga!"
VINCE
--------------"Di ka ba papasok?" Tanong ko sakanya
"Hindi mo na ako papasok, tsaka math yun alam mo naman hate ko yung math" vince
Nagkekwentuhan lang kami hanggang natapos ang breaktime.
Papunta na ko sa next class ko katabi lang nung room ng math class ko kanina lang, ng hindi pa ko nakalagpas napatingin ako sa loob neto,napakunot nuo ko sa nakita ko S- si gwen nakaupo sa lagi ko inuupoan? Wag mo sabihin ----- Tinignan ko lang siya ng palihim ng may nakita siya sa armchair na ikangiti niya, yung ngiti na hindi niya pa naipakita sa iba at nagulat ako na may sinulat siya dun. Bigla ako kinakabahan.
"Siya?"
--------------------
To be continued
BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...