Jamaine's Pov
"Jamaine, my friend!"
Masiglang tawag sa akin ni Bugs habang nakasakay sa pedicab niya.
"Bugs, wazup?" bati ko habang papalapit.
"Yow! Papasok ka na?" tanong niya.
"Oo, Bugs" tugon ko.
"Hatid na lang kita, my friend."
Napangiti ako, kilala ko na 'to kapag sobrang bait, may kailangan.
"Sige." wala na akong nagawa kundi sumakay.
"Nandito na tayo, my friend." Ani niya habang humihinto ang pedicab.
"Oh, bayad" Inabot ko ang pamasahe.
"Ay, huwag na, my friend" Pagtanggi niya sabay abot ulit ng pera.
Napabuntong-hininga ako.
"Okay... alam kong may kailangan ka sa akin." Kilala kita, Bugs.
"Grabe ka naman! hindi ba pwedeng hinatid lang kita?" depensa niya.
Tiningnan ko siya
"Ano nga?"
"Kilala mo na talaga ako, eheh. Eh kasi, Maine... ahm... magpapatulong sana ako sa'yo." sabi niya sabay kamot sa ulo, may kuto ata to.
"Anong klaseng tulong?"
"Love letter para kay Marie."
Napailing ako
"Love letter? Hindi ka ba marunong? Aist... sige na nga."
"Talaga? Thank you, my friend!" Bigla niya akong niyakap.
"Aray! Tama na papasok na ako!" reklamo ko, grabe naman makayakap halos pigain ako.
"Ay, sorry. Sige, Maine. Salamat!" Masayang paalam niya.
-
"Good morning, Maine"
Bati sa akin ni Mang Bert, isa sa janitor dito sa campus.
"Good morning din po, gusto n'yo po bang tulungan ko kayo?" alok ko.
"Nako, huwag na, may klase ka pa."
"Okay lang po 9 a.m. pa klase ko."
"O siya, kunin mo na lang 'yung basura sa parking lot,.salamat maine"
"Opo, welcome po"
-
"Ba't ang daming kalat dito?"
Kakalinis lang nito kagabi ah.
Pulot dito.
Pulot doon.
Peeep! Peeep!
"Ay!"
"Hoy! Magpapakamatay ka ba?!" Napalingon ako sa sumigaw, si tuko pala.
"Sorry po" hingi ko ng paumanhin sakanya kahit hindi naman dapat.
"Tabi!!!!"
"Yabang" bulalas ko sa isip.
Pulot dito.
Pulot doon.
"Hi!"
Nanlamig ang buong katawan ko, kilala ko ang boses na 'yon.
Lilingon ba ako?
Ano ang sasabihin ko?
Aist... bahala na.
Maghe-hello na sana ako nang—
"Hi, Gwen! Where have you been? Kanina ka pa namin hinihintay!"
Sabay beso ng mga kaibigan niya.
Ay, Hindi pala ako, paasa!
-
"Good morning, class." bati ni Mrs. Reyes.
"Good morning, Ma'am!"
"Sit down."
Tahimik akong nakinig sa lesson, buti na lang nag-advance study ako kahit papaano, hindi ako nahirapan.
"Miss Jamaine, can you solve this problem?"
"Yes, Ma'am"
Naglakad ako papunta sa harap, pilit na pinapakalma ang kaba, saka ko sinagutan ang problem sa board.
"Very good, Ms. Delos Reyes"
"Thank you, Ma'am" pasalamat ko sakanya, hindi naman mahirap yung problem.
Brrriiiing!
"Class dismissed"
Isa-isang lumabas ang mga kaklase ko, Hinintay kong kumonti ayokong makipagsiksikan,
Kukunin ko na sana ang bag ko nang bigla itong may dumampot at itinapon palabas ng pinto.
"Oops! Sorry, madumi kasi eh."
Siya na naman, ano ba kasalanan ko sa tuko na to?
"Ano bang kasalanan ko sa'yo?!" singhal ko.
"Kanina pa akong nangangati sa'yo, basura! 'Very good, Ms. Delos Reyes!' Pwe!" galit niyang sabi,ginagaya pa pagkasabi ni ma'am.
Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na lang, para kunin bag ko
Pagyuko ko para pulutin na sana bag ko ng -
"Excuse me."
Pag-angat ko ng ulo
Boom!!
Nagkatitigan kami, ang ganda niya
Lalo na ang mga mata niya parang kayang lunurin ang buong mundo mo.
"Are you deaf? I said excuse" walang emosyon na sabi niya.
"Ah... sorry po" napayuko akong nanghingi ng sorry, ayuko rin tignan siya ng matagal.
Nilagpasan niya ako, kasama ang mga kaibigan niya.
"Hi, babe" bati ni tuko sakanya.
Pero hindi siya pinansin neto, Hanggang sa umupo siya sa upuan ko.
Wait...s-sa upuan ko?
Oh shessshhh
Ba't ba kasi ako nakatulala sa kanya?
Ayan tuloy nakita pa niyang nakatitig ako, makaalis na nga.
___________________________
Revised (December 14, 2025)
BINABASA MO ANG
I Love You Forever
RomanceTatlong taon na kitang pinagmasdan sa malayo kasama ng mga kaibigan mo pati yung tuko mong manliligaw, hindi kita kayang lapitan dahil ayaw mo sa mga mahihirap kagaya ko, nag-aaral sa umaga nag jajanitor sa gabi dito sa campus, hanggang kailan kaya...
