MADILIM ang buong paligid. Walang ingay na maririnig kundi ang bawat paghinga ko lang. Nasaan ba ako? Bakit ang dilim? Takot ako sa madilim na parang may trauma ako kapag nakakakita ako ng madilim na lugar. I don't wanna feel it again, parang bumalik lang ang nakaraan. And I'm afraid of what may possible happen.
Nagbalik ba ako sa panaginip ko noon? Pero hindi naman panaginip 'yon dahil for me totoo iyon nangyari.
Pero hindi! Hindi na ako pwedeng bumalik sa dati, may asawa at anak na akong nagiintay saakin sa bahay.
Kailangan kong gumising kundi iiyak na si baby Matt na sampong buwan palang.
Pero bakit hindi ko man lang maigalaw ang aking katawan? Ano ba talagang nangyayari?
Kailangan kong dumilat. Hindi pwede 'to! Hindi!
"Nakalimutan mo ata ang tungkulin mo, Kate." Agad akong tumingin sa nagsalita at ganon nalang ang gulat ko ng nasa likod ko ito.
"Ikaw?! Ano bang trip mo sa buhay at ako ulit?!"
"Hindi kita pinagtri-tripan, Kate. Sinabi ko na saiyo ang tungkulin mo, at kapag hindi mo ito magagawa. Babalik sa nakaraan ang buhay mo, na isa kang pusa at hinding-hindi na makakabalik pa."
Parang sumpa niya itong binangit saakin. Hindi ko parin kilala ang naka-cloak na ito at kung babae ba siya o lalaki.
"Ano bang tungkulin iyan?"
"Ang paglaruan ang buhay ng iba—"
"Katulad ng ginawa mo saakin?!"
"—na ikagaganda ng storya. Manipulahin mo ang kanilang buhay, gawing makulay, mapayapa't masaya." At bigla itong naglaho.
Ano bang ibig niyang sabihin? Aish.
"PWEDE BA! LINAWIN MO ANG GUSTO MONG GAWIN KO!!" Sigaw ko na nag echoed sa buong lugar na ito.
Pero isang sobre lang ang aking nakita na lumilipad padereksyon saakin. Agad ko itong inabot at binuksan saka binasa ang liham na nakaloob dito.
"Sa loob ng isang daang araw, mabilis lilipas ang oras at bawat buhay na hindi mo nabago ay dalawang taong buhay mo ang mababawas."
Mula kay,
G.O.DAno daw? Nagpapatawa ba ito? Mabilis akong tatanda kapag hindi ko man lang natulungan or mabago ang tadhana ng ibang tao? Parang ngayon palang ay hindi ko na mamagawa, na suko na ako.
Pero, kailangan ko bang tangapin ang tungkulin na inatang saakin? Kakayanin ko ba 'yon? I don't know.
Arghhhhhhhhhh....
"Wifey? Mahal? Loveee? Kate!!!"
Bumangon ako bigla at hinihingal. Nakita ko ang aking asawa na nagaalalang nakatingin saakin, niyakap ako nito at hinagod ang likod.
"It's okay, it's okay wifey... It's just a nightmare, right? I'm here..."
"That's not a nightmare, Hubby. She or he's back. Look, sulat niya ito saakin at hindi lang panaginip ito. Hubby—"
"Shut up, okay? Wala iyon, illusion mo lang 'yon so don't make it big deal, matulog kana muna ulit. You need to rest sabi ng doctor, ako muna bahala kay Matt okay? Just rest."
Wala na naman ba maniniwala saakin? Paano kapag hindi ako nagtagumpay? Paano kapag unti-unti kinukuha ang buhay ko sa bawat pagkakamali ko na hindi ko alam? Katapusan ko na ba iyon?
Tinignan ko ang aking asawa na karga na ang aming sampong buwang gulang na anak. Hindi ko sila kaya mawala, baby pa si Matt Karon and nagsisimula palang ulit kami ni Lief.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Kakayanin ko para sa kanilang dalawa, sila ang magiging lakas ko at tibay sa araw-araw na pwedeng subukin ako ng tadhana.
Kaya, G.O.D tinatangap ko ang hamon mo.
Lalaban ako, makikita mo.
======
Yey! This is the book two of The Twisted Tale, The Twisted Fate titled The Destiny Fixer
Dedicated to nathalia14morro
This is work of fiction, names, characters, businesses, places, events, incidents are either the PRODUCTS of the author's imagination or used in a fictional manners and therefore don't exist.
No part of this publication may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods without the prior written permission of the author.
(Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin, ipinamamahagi o ipinapadala sa anumang anyo o sa anumang paraan, kabilang ang photocopying, recording o iba pang electronic o mekanikal na pamamaraan nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng may-akda.)
Copyright by @Iamjafc / Miss Green
“Within a hundred days, time will quickly pass, and in every life you can not change, your life will be reduced by two years.”
from,
G.O.D
BINABASA MO ANG
The Destiny Fixer (Book 2 Of TTTTTF)
Mystery / ThrillerHave you played the lives of others? Is it fun to play with destiny? Reverse what can happen to a person's life The question is, can you succeed? If the duty given to you is as heavy as the world, it's not as light as air, it's not as easy as breath...