Chapter Three

9 3 0
                                    

       10:39 am ng magising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Tanghali na ito at hindi normal saakin. Sinubukan kong tumayo ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Yeah, natatandaan ko na. Sumakit kaninang madaling araw ang ulo ko, tumayo ako para kunin 'yong gamot sa medicine cabinet sa cr, bumalik ako dito at uminom tapos nagising si Lief, nilapitan niya ako ng sumakit pa ang ulo ko and then wala na. I think nahimatay ako.

Sumilip ako sa crib ni Matt na nasa paanan lang ng kama namin pero wala akong makita. Si Matt ang gustong-gusto kong makita sa umaga sunod kay Lief pero why he's not there? Hawak ba siya ni Lief? Pero tanghali na baka pumasok na iyon. Dahil sa pagaalala, pinilit kong tumayo. Pagkabangon ko ay saka namang bukas ng pinto, pumasok dito ang aking asawa na may dalang tray. He's smiling at me.

"Hey, I know that you will wake up so I assume na ganitong oras ka magigising kaya dinalahan na kita ng brunch dito. Sabay na tayo, okay ba 'yon?" He still smiling kaya hindi ko din napigilang ngumiti sa kanya saka ako nag-nod. "Si little monster pala ay binalik ko muna sa nursery room baka kasi mahawa siya,nilalagnat ka pa din kasi and after this pala papasok na ako sa trabaho. Tumatawag na kasi si Dad, may project daw akong hahawakan, hon! Akalain mo 'yon? After four months na tengga ako ngayon lang ulit ako makakapagtrabaho sa field puro office kasi ako diba? Nakakangawit kaya umupo, nakakatamad nga din eh- wait! Are you mentally laughing at me, aren't you?" Nahalata niya? Haha

"Ang daldal mo kasi ngayon, may nakain kaba huh?" Mukha naman ito nagulat. Nilapag niya ulit ang mangkok sa tray saka tumitig saakin na nakangiti.

"Is it bad? Sabi kasi ni Dr. Martin, wag ka daw i-stress kaya ito, effective ba?"

"Super. Okay din naman pala if madaldal ka eh, you can blurt out anything to me right now. I like it."

"Okay! I will blurt out anything to you from now on, and don't say anything bad or laugh at me if I will be blunt."

"What? You will be blunt if you'll blurt out something? That's funny, hon."

"Yeah. I'm going to be insensitive-"

"No, you're not. Saakin mo lang naman sasabihin eh, not with them. Ike-kwento mo lang 'yong mga mangyayari saiyo that you really want to comment about. Baka nga sabayan kita eh."

"Diyan ka naman magaling eh." Hinampas ko ito dahil sa sinabi niya na agad naman nito naiwasan. Tawa siya ng tawa dahil nakabusangot na ako. Am I really insensitive? Parang hindi naman.

"Stop it! Sige nga, tell me when I become insensitive and to whom?"

"Do you remember when we were in Kalibo? You're with me that time when these two girls pass by and they're in their two pieces na 'yong isa ay T-back ang suot?"

"Yeah! I remember. Kung makatingin ka nga non kala mo hindi mo ako kasama and take note! We were in honeymoon that time." Ngumiti ito saakin ng may alinlangan. Hah! Kala niya makakalimutan ko 'yon? Kung makatingin sa mga babae na dumadaan eh akala mo hindi bagong kasal. He annoyed me that time kaya nakapagsabi ako ng hindi maganda and the two girls heard what I was saying about them.

"Hindi nga ako nakatingin sa kanila, I'm in my sunglasses diba? Feel mo lang 'yon na nakatingin ako sa kanila but I'm not, I'm not guilty."

"Wag ako, Lief. You are staring at their butt." Tangka sana akong tatayo when he hold my hand.

"Okay, okay. I don't wanna agrue with you okay? So, sorry po hon. Patawarin mo na ako doon huh? Kumain nalang tayo at baka ma-late ako, traffic pa naman sa Edsa."

Ayan. Ayan si Lief kapag tatakasan ko na 'yong usapan ay tatangap nalang ng pagkatalo. Alam niya kasi na magagalit na ako kapag ganon kaya ganyan siya. Siya nalang ang magpapakumbaba kaysa lumaki pa ang away namin. Baka nga insensitive ako kasi lagi nalang siya ang nagsosorry kahit pa ako nagsimula makipagaway.

The Destiny Fixer (Book 2 Of TTTTTF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon