Marie
"Dear Marie, alam kong ngayon mo lang babasahin itong sulat ko kasi ngayon lang din naalala ng tagasulat ng storyang 'to. Gusto ko lang sabihin na mag-pinsan lang kami ni Mauricio at alam kong hindi ikaw ang may gawa ng ginawa mo sa akin, ay, hindi nga ikaw tas ginawa mo sa akin, bobo. Intindihin mo na lang. Nakasakay ako ng barko habang sinusulat 'to kaya medyo umaalog utak ko. Pahabol, pakisabunot na lang si Tamara. Mas bet ko pa rin kayong dalawa ng pamangkin ko. Nagmamahal, April."
Halos mapasigaw ako sa tuwa nang mabasa ang liham na binilin sa akin ni April. Ba't ba ngayon ko lang 'to naalala? Tangena. All this time pinagselosan ko yung pinsan ni Mauricio tapos ang gago eh tuwang-tuwa naman. Jusko.
Tiniklop ko na lang ang papel ulit at inipit sa maliit kong Diary. Oo, diary. Kaunti na lang ang gumagamit nito kaya gumagamit ako. Basta. Umaalog din utak ko eh.
Sabi nila antukin daw yung mga cute. Ii-explain ko sana kaso inaantok ako eh. De jonkz, pero 'di ko parin babawiin.
Pakisabunot si Tamara... Parang gusto ko na gawin 'yon ngayon. HAHAHAHA. Pahiga na sana ako nang biglang tumunog ang mamahalin kong cellphone. Si Mauricio tumatawag. Baka gusto lang ako kausap or 'di siya makatulog 'pag 'di naririnig boses ko. Enebe.
"Oh? Napatawag ka?" pambubungad ko sa kanya.
"May pupuntahan tayo bukas. Wear something formal. 7:00 am sharp, I'll fetch you," tugon niya at in-off agad ang tawag.
Ay bastos. Napaka-ungentleman. Maski good night wala. O flying kiss emoji man lang. :*
Napairap na lang ako. Wear something formal huh? Bakit? Ano kayang meron bukas? Date? Oh no no. 'Wag ka nang mag-expect Marie. Remember, it's your job to stay at his side no matter where he is because you're his bodyguard. Well, alam ko na naman 'yon. Pero bakit kailangang formal? Hindi naman masamang mag-expect diba? Tsaka, he'll fetch me kaya sinong hindi aasa na hindi date 'yon?
Enebe. Kenekeleg eke.
****
Alas 3 pa ay gising na ako at napagpasyahang tumambay sa labas. Katapat ko ngayon ang isang tandang at iniintay kong magising ito. Maya-maya pa ay dumilat na ito.
"Tok-" agad kong pinutol ang sasabihin nito.
"TOKTOGAOK! TOKTOGAOK! HAHAHAHAHA!" pagtutuloy ko ng dapat ay sasabihin niya.
Masama pa itong tumitig sa akin matapos kong unahan sa pagtoktogaok. Anong akala niya sa akin? Tawa lang ako ng tawa habang papasok ng bahay.
"Ang aga mo yata Marie? Sabado naman ah," sabi ni Fieath habang kumakain kaming apat ng agahan.
"May pupuntahan lang." Nagkibit-balikat lang silang tatlo at ipinagpatuloy ang pagkain. Mabuti naman at 'di na nagusyoso pa. Good dogs.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong naghanap ng disenteng masusuot. Alas 6 na ng umaga kaya kailangan ko nang magmadali. Waah! Pili dito, pili doon. Sukat dine, hubad sa harap niya este hubad doon. Hihi. Paulit-ulit lang ang ginawa ko hanggang sa mapatigil ako sa isang whole dress na kulay white. May ruffles ito sa chest at shoulders. 3 inches above the knee. Sinuot ko din yung puting sandals na bigay ni Pat. Yung hanggang leeg kong buhok ay nilagyan ko na lang ng hair clip ang ipinaling sa kanan. Konting blush-on at lipchuk. Pak, gorabels na!
Hindi naman kailangan ng magandang make-up eh. If a man truly loves you, kahit gaano ka pa kapanget, you'll be beautiful in his eyes. Too bad, hindi ko alam if Mauricio loves me and kung ano bang meron sa araw na 'to.
Narinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan sa labas kaya nagmadali akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Mauricio na nakasandal sa sasakyan niyang kulay black with his black tux on. Semi-formal ang suot nitong damit at ang buhok niyang palaging brush-up ay nakapaling sa kaliwa, medyo messy pero maayos tingnan. Ngena, umagang-umaga pa lang wet na ako. Buti na lang talaga wala akong panty na suot. Paniguradong mababasa iyon. At least, wala masyadong labahin. *flips hair
BINABASA MO ANG
Diary ng Walang Panty
HumorMarie Deguzman is your perfect probinsiyana girl, who went to the city in order to help her family on their basic needs. She stays on her Auntie's house while looking for a job to work in. Everything was going well, not until she met the arrogant an...