Chapter Six

5.6K 162 17
                                    

Mauricio

Napaupo ako ng maayos nang makita ko siya na lumabas ng CR. Hoo! That was epic! I mean, sinong mag-aakala na may mahuhulog na panty dahil sa kagwapuhan ko?

"You can take your seat," sabi ko sa kanya at itinuro ang upuan.

Iniwas niya ang tingin sa mga mata ko habang dahan-dahang umupo.

"So, I've read your resume. Hmmm. You have a good records Ms. Deguzman. But let me ask you one thing....." napatitig siya sa mga mata ko. I don't know why, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaloob-looban ko.

"..tatagalugin ko na lang ang tanong. Baka hindi ka makaintindi. Taga probinsiya ka pa naman," pag-iiba ko ng sabi. I don't want to say it to her, but it just came out from my mouth to divert this unusual feeling.

Nakita kong nakunot ang kanyang noo at iniwas ang tingin sa akin.

"Paano mo masasabing deserving ka bilang assistant ko?" tanong ko sa kanya. The feeling is still there but hindi na gaanong katindi. Fvck! Wake up Mau!

She stared again at me.

"...Masasabi ko po na deserving ako sa pwesto bilang assistant niyo dahil sa ugali ko. Opo, mahirap lang kami. Pero hindi kami pinalaki ng nanay namin na matigas ang ulo. Kaya ko pong sumunod sa mga utos nang hindi nagkakamali. At, may iba po sa akin na wala sa mga babae na nandun sa labas," sagot niya.

Well, nice answer. Pero, iba? Hmmm.

"Ano? Yung mahulog ang panty? Pfft." Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinigilan ang sarili na matawa.

Napansin kong iba na ang pagtingin niya sakin. Naiinis siya! Haha!

"O-okay. Pfft. Sorry. I just can't help to laugh. Haa. So asan na ba tayo? Uhm okay. Tatawagan na lang kita I mean namin," ani ko.

Padabog siyang tumayo at lumabas ng opisina. Pero bago siya makalabas ay may sinabi akong kataga na nagpatigil sa kanya.

"By the way, nice panty huh."

Nakita kong natigilan siya at lumingon sa akin.

"B-Bastos!!"

Hahahah!

-----

Marie

Napahawak ako sa balikat ni Fanny. Mahigit trenta minutos na rin ang lumipas pagkalabas namin sa mall. Now, we are on our way to find an affordable apartment na kung saan kasya kaming apat. Nakapagpalit na rin ng damit si Fanny gawa ng kaunting rambol doon sa mall kanina.

Kainis lang kasi yung mga gagong 'yun. Ang sarap balikan at suntukin ng paulit-ulit. Mga bakla.

"'Wag mo kong hawakan, di ko pader. Doon ka kay Pat." sabi ni sabay iwas ng braso sa akin.

"Ay grabe siya oh? May umbok pa rin naman 'to!" sagot naman ni Pat.

Napatawa ako. "Umbok? Eh utong lang naman yung umbok diyan eh. Hahahaha!" tumawa kaming tatlo maliban kay Pat. Masama itong nakatingin sa amin at humalukipkip.

Napahawak ako sa tiyan kong sumakit sa kakatawa. Hahaha! Totoo naman talaga eh, tanging utong na lang ang bundok sa kanyang kapatagan. Huehue. Nung nakita ko nga siyang naghubad akala ko nunal. Hahah! Kalokaa!

Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata. Alangan naman sa ilong.

Napatigil ako sa kakatawa ng makakita ng isang karatula. Waaahhh!

"W-wait lang. Pffft. Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tinuro ko ang nakasulat sa karton.

"House for rent. Call 09996969669 for Inquiries." basa ni Fieath sa nakasulat.

Gara! Kataman lang ang laki ng house at hindi mo aakalaing pinaparentahan ito dahil sa modernize nitong disenyo. Yung parang sa mga subdivision.

"Tawagan mo Pat dali!" kinuha ni Pat ang kanyang cellphone at agad na dinial ang numero.

Ni-loud speak din niya para marinig namin.

[*ring* Helo?] bunungad sa amin ang boses ng isang matanda.

"Uhm, kayo po ba ang nagpaparenta sa bahay dito sa Barangay Third Wheel, Hurt Street, Block 69 Bitter?" tanong ko.

[Ah oo. Ako nga iha, bakit, magrerenta ka?]

"Ah hindi po. Magnanakaw po kami."

[Talaga ba? Haha.]

Char. Na-gets ni mother bermuda grass ang joke. Bongga!

"Joke lang po syempre."

[Ilan ba kayo?]

"Uhmm, apat po. Technically, lima." napa-aray ako ng bigla akong batukan ni Fanny. Huhuh.

[O sige. Nandyaan ang susi sa likod ng flower pot sa labas. Ipadala niyo na lang ang bayad ninyo sa akin. 2000 a month.]

"Whut? 2000 a month? Wala po bang mas mababa?"

[Aba'y iha, parehas tayong naghihirap ngayon. Kaya ano, kukunin niyo ba?]

"Uhmm, sige po. Maraming salamat."

Matapos naming magpadala sa Palawan Express Pera Padala ay binalikan namin ang bahay.

"Woah! Ang ganda sa loob!!!!" manghang sabi ni Fieath.

Maganda nga siya. May sala, kusina, cr at isang kwarto. Pero malaki yung kwarto kaya kasyang-kasya kaming apat.

"Waaah! I kennat! Hihi!" sabi ni Pat. Nandito kami ngayon sa kwarto at nakahiga sa dalawang queen size bed na pinagtabi.

"Haay, finaalllyyy."

Huminga ako ng malalim.

Nawala ang katahimikan sa pagitan naming apat nang nag ring ang cellphone ni Pat. Sino naman kaya ito?

"Hello?" nakinig kami sa pinagusapan nila. Syempre, naka loud speaker ulit.

[Hello, is this Pat?]

"Ah opo opo."

[Kasama mo din ba ang tatlo mong kaibigan?]

"Opo. Bakit po?"

[Inday, si Principal Sara ini. Kumusta naman mo dinha?] (Day, si Principal Sara 'to. Kamusta na kayo diyan?)

"Hala. Ikaw baya ni Ma'am? Ahw ok ra mi. Nganong napatawag man tuod ka Ma'am?" (Hala. Ikaw pala ito Ma'am? Uhm, okay lang po kami. Bakit nga po pala kayo napatawag?)

[Naa koy bad news mga bata. Ang ato eskwelahan kay giari sa DepEd. Gabitbit sila ug suwat nga gaingon nga dili daw legitimate ang atong eskwelahan, ug kinahanglan ipasara para humnon ang mga gikinahanglan. Ingon pud nila na tanan daw fresh graduate kay pabalikon ug eskwela sa fourth year, pero sila na ang bahala sa gasto.] (Meron akong bad news mga bata. Pumunta ang DepEd sa school natin. May dinala silang sulat na nagsasabi na hindi raw legitimate ang paaralan natin, at kailangan munang ipasara para tapusin ang mga kakailanganing mga dokumento para maging legit na ang paaralan. Sabi rin nila na lahat ng fresh graduate mula rito ay babalik sa pag-aaral bilang fourth year college, pero sila ang gagastos dito.)

"Ha? Luoya. Pero, fresh graduate man mi Ma'am? So maapil mi sa pagbalik eskwela?" (Kawawa naman. Pero, diba fresh graduate kami maam? Ibig sabihin ay babalik rin kami sa pag-aaral?)

[Mao na. Nah, sorry gyud mga bata. Gihimo nako tanan pero unsaon ta man, gipasa ra man ni na eskwelahan sa akoa. Sorry jud.] (Ganun na nga. Sorry talaga mga bata. Ginawa ko na ang lahat pero wala, inilipat lang rin sa akin ang eskwelahang ito. Sorry talaga.)

"Na, okay ra Ma'am." (Okay lang Ma'am.)

[Tawagan mo nila para sa bag-o ninyong eskwelahan? Ok? Amping mo.] (Tatawagan kayo nila para sa bago ninyong papasukan. Okay? Mag-ingat kayo.)

Dahan-dahang lumingon sa amin si Pat. No way.

"WAAAAAAAHHHHH! HINDI PWEDE 'TOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

***

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon