Marie
Dahan-dahan akong pumasok sa building ng pinapasukan ko. Malamang. Baka makita ako ng mga avatar at magdeklara ng World War Z na kung saan kakalat ang mga patay na buhay at mangangain ng utak. Tapos dadating ang mga extra terrestrial na mga nilalang na galing sa planeta ni Optimus Prime. Kaloka.
"Good morning maam." napatingin ako sa guard na bumati sa akin. Ay, hindi. Sa likuran ko pala siya bumabati. Bulag ba si manong o sadyang hindi niya makita ang kagandahan ko na galing kay Bathalumang Ether na ipinasa kay Malia diretso sa akin?
Binagtas ko ang daan patungo sa aking kamatayan. Hindi pa naman ako gaanong late at pwede pang gawing excuse ang most used line for lates, #Traffic. Pumasok ako ng elevator sabay pindot sa 12th floor. Napansin ko nga na parang namalikmata ako at nakakita ng button ng 13th floor. Balak ko sanang pindutin iyon kaya lang naisip ko na parte lang 'yun ng aking mapanghimagsik na imahinasyon. Kinakabahan ka lang Marie. Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo.
Ramdam ko ang pagtaas ng elevator. Ako lang mag-isa kaya naiimagine ko ang mangyayari katulad ng Final Destination. Sana hindi ako ma-stuck dito. Kawawa ang mga magaganda, mawawalan sila ng dyosa.
Nag-ting na ang elevator, hudyat na narating ko na ang aking patutunguhan. Gosh, nagiging makata na ako. Hayaan na. Pagkalabas ng elevator ay hinanap ko ang sinasabing room ng CEO. Ang room ng lalaking pinakabastos sa lahat ng bastos. Kumbaga sa mobile legends, mythical na siya. Sobrang manyak. At ngayon, sinigurado ko na wala akong suot na panty. Mahirap ng mahulugan ulit at makita na naman niya ang aking mga pantying binasbasan pa ni Emre. Sana ay swertehin ako ngayong araw na 'to.
Room 306
Sa wakas ay narating ko na rin. Ang kwarto na punong-puno ng malas na aura at kailangang i-fung sui. Ewan. Hindi ko alam spelling 'nun. Wala naman kasi kaming chinese na teacher. Inilapat ko ang aking kamay sa bilog na doorknob. Naririnig ko na ang tawag ni satanas at nakahanda na raw ang aking kanal.
Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at nabigla ang aking kyut na mata sa nakita. (⊙.⊙)
"What the hell!!!!!"
Napatakip ako sa aking tenga na wrong move dahil ang nararapat na takpan ay ang mga mata. Sus ginoo. Nabuang na.
Dali-dali akong tumalikod at yumuko habang nakapikit.
"Sh*t sh*t!" malulutong na mura ng lalaking nahuli ko sa akto.
Guess what?
Gosh, nanay tatay gusto kong tinapay ate kuya hindi ka niya mahal, nakita ko siyang naglalaslas!!! KALOKAAA! HINDI NA VIRGIN ANG AKING DALAWANG MATA!!! Totoo nga na mythical na siya pagdating sa kamanyakan. Pero infairness, ang puti 'nun ha. Yun lang naman yung nakita ko. Malaki rin naman siya, mataba at mahaba. Sapat para dasalin ang lahat ng santo kapag sinagad. Syempre may pa tulo luha effect para kunyari masakit. Wala na akong ibang nakita pa.
Nanatili akong nakatalikod at hinihintay ang pag torotot ng mga anghel sa langit at tuluyang gawing Incubus ang suspek na nasa likuran ko. Ang tagal. De joke. Biro lang.
"Sino ka ba ha?!" pasigaw niyang sabi sabay higit sa akin paharap sa kanya. Muli ko na namang nasilayan ang kanyang mala nescafe original flavored niyang mga mata, except sa taste ha, kulay lang. Tapos yung ilong niyang may pa-nose line. Nahiya si Pinnocio. Sensya na, hindi ko rin alam spelling 'nun. Comment niyo na lang, at tsaka samahan niyo na rin ng votes. Sama niyo na rin yung correct spelling ng fung sui sa itaas. Backread kayo.
Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kaloka lang ha. Pasalamat siya at hindi ko bitbit ang cellphone ko kanina kundi navideohan ko na siyang umuungol habang hawak ang kulay dirty white na banana. Siguradong pagpepyestahan siya ng nga unggoy kapag ikinalat ko iyon sa social media. Sayang. ~\(≧▽≦)/~
BINABASA MO ANG
Diary ng Walang Panty
HumorMarie Deguzman is your perfect probinsiyana girl, who went to the city in order to help her family on their basic needs. She stays on her Auntie's house while looking for a job to work in. Everything was going well, not until she met the arrogant an...