Chapter Twenty Eight

2.3K 93 2
                                    

Marie

Nakangiti kong tinahak ang hallway papasok sa YSU. Aba, tapos na yung suspension ko no! Huehue. Nakakunot na mukha agad ang bumungad sa akin. 'Tong mga estudyanteng 'to, panira ng mood. Grr.

May isang babaeng aso na lumapit sa akin with matching on-fleek kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Excuse me, height lang yung mababa sa akin. Leche.

"Oh? Tinitingin-tingin mo? Hindi ako dog food."

*insert crowd laugh*

Umirap ito sa akin. Akala mo naman kagandahan, mahulog sana eyeballs.

"Kapal rin ng mukha mong tinitingnan kita, excuse me—"

"Dadaan ka? Then go. Ang aga aga cutting classes agad."

Dumilim ang tingin nito sa akin. Ganyan nga doggie. ^o^

"Hindi pa tayo tapos." sabay alis sa harapan ko.

'Yon na yon? Okay. ~_~

"Mariee!!!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Malamang. -_____-

"Oh! Calixto!!" kasabay niya sila Caliyah at Kail.

"Bakla!! Namiss kita!" tumakbo ako palapit kay Caliyah at yumakap dito. Waaaah, namiss ko tong babaeng to.

"Musta lovelife?" bulong ko sa kanya.

"Traffic pa din. Ang hirap gawing lalaki nitong baklang 'to. Hayp."

"Hahaha, 'yan kasi eh. 'Wag mafo-fall sa isang bakla. ≧∇≦"

"Duhh. 'Wag rin mafo-fall sa may girlfriend na."

"Aray. Realtalk? Leche."

Bumitaw na ako ng yakap sa kanya at nilingon naman si Calixto.

"Musta?" tanong ko. Ngumiti ito ng malaki sabay pogi sign.

"Gwapo pa din."

"Heh. Kapal. Okay ka lang ba kahapon?"

Tumango siya sa akin. Buti naman.

"Hoy ako bakla!" nilingon ko si Kail.

"Hindi kita na miss."

"Ay waw, ganda ka?"

Tinawanan na lang namin siya at dumiretso sa room. Namiss ko to!

'Yung tatlong bugok na itlog ay busy. Busy-busyhan. 'Di daw sila papasok eh. Tamad sa pag-aaral. Hayp.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang hangin. Hay, nakakamiss. Lalo na siya, joke. Mehehe.

Mabilis kaming nakarating sa room at agad na umupo sa upuan (malamang). Makalipas ang ilang minuto ay dumating sina Mauricio at April na magkasabay. Inaalalayan niya papasok si April.

Aray, ang sakit sa mata. </3

Napansin kong lumihis ang tingin sa akin ni Mauricio kaya iniwas ko na lang ang tingin ko at itinuon sa arm chair.

Kumikirot talaga eh. Crush lang naman 'to diba?

"Marie? Pwede ba tayong mag-usap?" nabigla ako ng marinig ang boses ni April kaya itinaas ko ulit ang tingin ko.

Mag-usap? Sabagay, kailangan ko ring humming ng patawad.

Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng room.

~•~

Nandito kami sa rooftop. Kanina pa walang nagsasalita. Hay, ewan ko ba. Nakakakaba kasi. Girlfriend ni Mauricio 'yung nasaktan ko, ta's siya pa 'yong nag-initiate na makipag-usap sa akin. Nukaba Marie. T^T

Diary ng Walang PantyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon