CHAPTER 4

222 15 0
                                    

Brianna Ziegler ' s POV :

Pinasok namin ang secret laboratory ng daddy ni Hozier.Nakapunta na ako dito dati.Nung bata pa ako kaya halos makalimutan ko na rin ang itsura ng laboratoryo.

Lumingin lingon ako sa buong silid.

Maraming mga gamit na pang experiment dito.Nagkalat ang mga tubes at beakers sa puting lamesa.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaking may hawak na isang botelya.May laman itong kumikinang na gold liquid.

Nakilala ko kaagad ang tindig at ang buhok nitong malapit ng kainin ng katandaan.Balot sya ng mga kung anu-ano sa katawan.Gloves,mask,mahabang lab gown at goggles.

"Dad,were here.What are you doing?"
Sabi ni Zie.Nag lakad sya palapit sa dad nya.

Sumunod na rin ako.Ngayon ay kitang kita ko na ang experiment na ginagawa ng dad nya.

May napansin akong isang puting bulaklak na nakalagay sa loob ng isang matibay na parisukat na salamin.

"Shhh.Just watch this."

Sabi nito na para bang hindi pinansin ang pagdating namin.
Binawi ko ang tingin ko at pinanood ang ginagawa ni tito Romeo.

Nilapag nya muna ang botelya at may nilabas na kunehong nakakulong na nanggaling sa ilalim ng lamesa.

Pinakawalan nya ito.Hindi naman malikot ang kuneho.Mukha itong maamo at mabait.

Ang ganda ng mga mata nito.Kulay pula.Ang linis at ang puti ng balahibo nito na para bang walang duming nakakapit sa kanya.

Ang among tingnan.Gusto ko tong kunin at yakapin.

But surely hindi pwede.It will under go experimentation.

"I am sure I will gonna surprise myself for the second time"Sabi ni tito Romeo.

"This little innocent rabbit here will ceased in macabre.Marami itong sakit at hindi na ito magtatagal kaya ito ang napili kong gamitin."

May kinuha syang dropper.Kumuha sya sa may botelya ng kaunti.Ang ganda talaga ng kulay.One of the most satisfying thing I've ever seen.

Hinawakan nya ang mukha ng kuneho at pinilit ipatak ang katiting na liquid sa bunganga nito.

Binitawan nya na ang dropper ng matapos nyang ipatak ang liquid sa bunganga ng kuneho.

Napansin kong unti unting nalusaw ang dropper.

Pero hindi ako dun nagulat kundi sa kunehong ngayon ay nanginginig na ang katawan na para bang nilalamig.

Unti unting naging itim ang pula nyang mata.

Parang ganto ang nangyari dun sa junior at kay Alliyah.

Nakaramdam ako ng awa sa inosenteng rabbit.

Kinuha ni tito Romeo ang beaker at sinundot ang tagiliran ng kuneho.

Nagulat ang kuneho at biglang nangisay.Ang masigla at malinis nyang balahibo ngayon ay nagmukang patay.Kapansin pansin din ang pagkapayat nito.

Unti unti itong natumba.Bumagal ang paggalaw nito at ang paghinga.Hanggang sa tuluyan na itong namatay.

"Yan ang nagagawa at kayang gawin ng bulaklak na'to."

At hinawakan ang parisukat na salamin.

"It is no ordinary flower.It holds mixed genes of the deadliest flowers in the world.On my research,it's properties has mixed hundred genes of different species of poisonous flowers.You see,even the extract is gold.Unbelievable."

"Where did it came from?"Tanong ni Zie na halatang naguguluhan.

"Suprisingly,it has nothing to do with the history.Ngayon lang ito nadiskubre at ako ang pinaka unang nag examine sa isang rare na halaman na'to.But I think it was not a naturally grown plant.Malakas ang kutob kong may ibang nag experiment ng bulaklak nato.Or a form of accidental or intentional mutation."

"And for what?"tanong ko.

"We don't know.We don't know what is the good purpose of experimenting some extremely deadly flower.Unless,if that man was demon.We know what demons want."

Kinilabutan ako sa sinabi nya.Maraming tanong ang sumasagi sa isip ko ngayon.

Lahat ng sobra ay masama.Kaya siguro gan'to nalang ang kinahantungan ng sobrang talino at galit. Mad scientists, and tito Romeo low-key belongs there, except that he's not a bad person.

"It is so strong.Kapag nahawakan or you take it internally,maraming pwedeng mangyari sayo.Mangingitim ang mga mata mo at unti unti kang mawawalan ng paningin.You're heart will slowly stop beating.All of your senses will shut down.All,hearing,taste and sight.Pwera nalang ang sensitivity ng balat mo.Magiging sobrang sensitive ng balat mo.Kapag naarawan,nasinagan o kahit man lang mahawakan ay sobrang sakit na.Totally PAINFULL.And one more thing.Hindi na nakayanan nung bata ang nagkalat na lason sa buong katawan nya.He died this morning.Poor child.Sympathy and condolence to his family."

Napakunot ang noo ko.Gano'n lang kadaling pumaslang ng buhay ng isang mukhang inosenteng halaman.

Posible kayang si Alliyah at yung batang junior student ang mga naunang namatay dahil sa bulaklak nayon o meron pang ibang mas nauna?

"S'an mo nakuha yan dad?"Tanong ni Zie na pinatutungkulan ang halaman.

"Son."

Binitawan nya ang salaming kahon at nilapitan ang anak.

"It is not the right time for you to know it.It is too dangerous."

Binigyan nya ang anak ng isang mapait na ngiti at niyakap ito.

"It is too dangerous son."

Mabait at matalino si tito Romeo.Mapag mahal din sya.Kahit na namatay ang kanyang asawa ay tuloy parin at hindi nabawasan ang pagmamahal nya sa anak nya.

*****

Lumipas ang sabado at linggo at ngayon ay may pasok nanaman.

Halos hindi na ako makatulog kakaisip sa mga sinabi ni tito Romeo.Napakaraming tanong ang nakapila at naghihintay ng sagot sa isipan ko.

Alam na kaya 'to ni Zed?

I hope he knows it all.

Wala pa akong lakas ng loob para harapin at kausapin sya.

"Hey!Kanina ka pa tulala jan ah!"Lumingon ako sa katabi kong upuan.

Napailing nalang ako bilang sagot.

"Kita mo.Pati pag sagot tinatamad ka."

Her smile.It was so genuine.
When she smile,her puffy eyes sparkle.

She's my classmate and my friend in this room.

We're not too close but not so not too close.

Magaan ang loob ko sakanya mula pa no'ng unang pasukan.Kahit hindi ko sya masyadong kilala ay naging kaibigan ko sya.Hindi naman sya mahirap magustuhan.

She's cheerful and full of life.

Dumating na ang teacher namin para sa first subject.

At tumahimik na rin ang mga kaklase ko sa pag iingay na nakabawas na rin sa pagkagulo ng utak ko.

Lumingon ako sa likurang bahagi ng classroom.

Ang pinakahuling upuan malapit sa bintana na ngayon ay bakante.

Damn.I missed him so much.

Bakit wala ka Zed.

Sana hindi mo kasama sila Christian ngayon.Sana hindi ka nanaman bumalik sa mga dati mong mga kaibigan.

Dahil hindi ko kakayanin pag nangyari ulit ang nangyari dati.

Hindi na ulit.

Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon