CHAPTER 14

94 6 0
                                    

Zedrick Reign Imperial's POV:

Walang sino man sa amin ang may balak gumawa ng ingay.Lahat kami ay napatulala sa hospital room kung saan naka confine si Cristian.Kita namin mula dito kung paano inaayos ng mga nurse at doktor ang mga bagay na nilalagay sa kanya mula sa half glasswall ng silid.

Tulala rin si Brie habang nakaupo.Ganun din si Hozier na katabi nya.Hindi ko alam kung anong iniisip nya sa mga oras na'to.

Sila Romuel, Jeferson, Curt, Micah at Hyacinth naman ay magkakatabi rin habang naka upo.Bakas ang kaba at pag aalinlangan sa kanilang mga mukha.Maaari ring iniisip nila ang iniisip ko.

Habang si Drew naman ay nakatayo at nakasandal sa pader habang nakabulsa ang dalawang kamay.Parang walang pinagbago sa reaksyon at emosyon nya.

Kahit kapatid na nya ang nasa loob ng nakakasakal na silid na yun ay wala pa rin syang reaksyon.Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya ngayon.

Hindi na ako makapaghintay na malaman kung anong nangyari sa kanya.

Mabigat ang atmospera at ang bawat paghinga ay tila ba parang hinuhugot pa sa ilalim ng lupa.

Nalulunod sa mga tanong na sumasagi sa isip ko dahil hindi ko maiisip na malalagay sa gantong lagay si Cristian dahil alam kong kahit aksidente ay kaya nyang iwasan.

Nakarinig ako ng mga yabag ng paa.At hindi nga ako nagkamali, masyadong mabilis ang balita.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang nangyari kay Christian, pero hindi naman nakapagtataka dahil kahit ano pang sikreto ay kaya nilang tuklasin.

Hindi man kumpleto pero alam kong alam na rin ito ng ibang miyembro ng Triton.

Pinangungunahan ni Erwin.

Pakiramdam ko ay mas lalong bibigat ang atmospera dahil dumating pa sila.Hindi ako nakaramdam ng suporta sa kanila kundi kaba, natatakot akong mangialam sila.

Alam kong walang makakatagal na sikreto sa kanila.Gusto ko sanang gawing lihim ang nangyari kay Christian, pero wala na akong magagawa, alam na nila.

Napaayos ng upo sila Romuel, ganun din si Brie at si Hozier naman ay napatikhim lang.Habang si Drew naman ay tinapunan lang ng tingin saglit ang Triton at binalik ulit ang tingin sa pader na kaharap nya na tila ba walang pakialam.

"Did we arrived on time?"

Sabi ni Sydney ngunit walang pumansin sa kanya.

Napataas nalang ang kanyang mga kilay at tumango tango sa sariling tanong.

Pakiramdam ko ay mas lalong sumikip ang lugar dahil sa kanila, literal at metaporikal. Hindi ko rin masasabing kakampi namin sila sa mga oras na 'to. Iba ang takbo ng isip nila kapag nagsama sama na silang lahat.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng makitang papalabas na ang doktor.Napatayo rin ang ilan sa mga kasama ko kasama na sila Brie at Hozier.

"How is he?!"

Cristian is my long time nice friend.He doesn't deserve this.He's a good man with a strong will and determination that no one can destroy.

Napatingin sa akin ang doktor at sa mga kasama ko.Mukha naman syang nabigla ng makita si Brie.

Konti nalang maiinis na ako dahil sa tingin nya.

"What?! Are you deaf?!"

Tinanggal nya ang suot ng face mask bago nagsalita ngunit kay Brie nya binuhos ang atensyon nya.

"You again?"

Sabi ng matandang doktor na'to kay Brie na para bang magkakilala sila.

"Huh? Do I know you Mr.?"

Silent KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon