Chapter 1

684 11 0
                                    

You + Me - You = Happiness.

Iyan ang batas ko sa buhay at walang karapatan ang sinumang bumali riyan. Kapag binali niyo iyan o pag tangkaan niyo man lang, tandaan na mayroong kayong two hundred and six na buto sa katawan na maari kong baliin. Pero syempre hindi naman ako psychotic, kaya hindi nabibilang sa 'minus corner' ang mga kaibigan ko.

Ako ang dyosang nag-ngangalang Avery Allen. As you've read earlier, nakatira ako sa Madilim Street, Barangay Tago sa City of Invinsibility. Totoo iyon. At as long as I am living, invinsible ka lang saakin, okay? Huwag ka nang umasa na mapapansin kita kung mukha kang hipon o kaya nama'y paang umapak sa lahar.

Nandoon pa kaya iyong mga lahar noong sumabog ang Mount Pinatubo?

Gusto ko kasi sanang ipalinis sa'yo.

Hindi naman talaga masama ang ugali ko. Sadyang hindi lang nakikita ng mga magaganda at nang-aakit kong mga mata ang mga dirt specks that are drifting aloft sa hangin ng Maynila. Doon sa may Ilog Pasig.

[Aray! Ano bang problema mo, ha? Sapakin kita!]

Itong pobre kong katabi ay binubugbog na ako— este, pinapakiusapan na ako na tama na ang aking pagpapakilala and get on with the story.

[Ano na naman?!]

Hay! Sadyang atat siya. Sabi niya ipaliwanag ko daw muna. Inextrahan pa ng, "Oh talaga? Nagpapakilala ka no'n? Akala ko dine-degrade mo sarili mo." At may kasabay na irap. Peste, oo!

Nais kong ipamahagi sainyo ang aming storya kung saan kami magpapatayan at maghahampasan... at syempre, maglalambingan nitong loka loka kong katabi. Magsisimula muna ako sa unang una na nangyari sa pesteng buhay ko—

[Aray!]

^><^><^><^><^><^><^><^><^><^><^><^

- SUMMER OF 2014, TWO DAYS AFTER GRADUATION -

"Girl, magkikita pa naman tayo, ano ka ba?" Iyan ang linya ko sa hampaslupa kong kaibigan na may pangalang Caren. Pangalan pa lang, halata nang hindi pinagpala sa buhay. Chos!

"Matagal pa iyon! Pag ako namatay, wala ka nang lalaitin pa! 'Jan ka na!" Tirada niya. At ito, nag-walk out na naman.

Marahil ako'y ubod ng ganda, maraming lalaki at mapa-babae ang nagkakagusto sa'kin but I never dared to talk to my female suitors. I don't know. Maybe I care too much sa image ko? Na napaka-importante na sa panahong ito na wala nang natitira pang matino except ang mga alaga nating aso't pusa.

Aminado, see?

"Simang, mapapatay kita! Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni mama." Pagpapaalam ng aking nakatatandang kapatid na si Abraham. Walang Lincoln.

"Bakit daw?" Inikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko at hinarap siya.

"Maghugas ka na daw ng pinggan." Lumabas na siya at naramdaman kong itinatanggi ng mga tainga ko ang narinig mula sa kapatid.

Chos lang.

Masunurin naman ako kahit papaano but I never take orders from anyone na wala akong tiwala. Kahit ang mga kaibigan ko, never pa akong nautusan na 'kunin itong ganito', 'hilahin itong ganyan', o kaya 'tirintasin mo ito'.

Nasa bahay ako ngayon. Specifically, nasa room kong tago. Nasa attic kasi malapit sa router. Kailangan kasi mabilis ang internet connection ko dahil online writer ako sa dalawang sites. Wattpad at iyong isa... secret. I work as a writer. Summer job.

Natapos ko nang isulat ang dalawa kong storya marahil tinamad na ako at ni-rush ko na ang bawat chapters. I skipped about 54637 details para maintindihan pa lalo ng mga mambabasa ang aking sinusulat pero nagsisimula ako ng panibagong makabag-damdaming kwento.

My Wattpad Buddy (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon