Chapter 8

167 7 0
                                    

I dedicate this part to the ghost of my horrible, horrible past. Oh well, thanks for giving me a chance to find someone better than you. I commend your concern but question your conscience. Buti na lamang at sinampal ako ng mga alaga kong aso at naibalik sa katinuan ang pag-iisip ko. :p

CHRONICLES OF BROWNOUT. >_<

^><^><^><^><^><^><^><^><^><^><^

Mga ilang minuto ko silang pinagmasdan. Mukha naman silang masaya sa kung anong mayroon sila ngayon.

At heto ako, mukhang naluging intsik.

Napa-isip tuloy ako, Kung ako man iyan o kahit ibang tao, mapapatawa at mapapangiti ka kaya namin ng ganyan?

Ayokong nilulusaw ang isip ko sa kung anong mababaw na problema lalo na kung... Siya. Pero...

Paano nga ulit naging problema 'to?

Ang sabi nga ng Lola Lorize ko, huwag daw mag-aksaya ng panahon at pagod para sa taong wala namang pakialam saiyo at sa mga hirap na dinadanas mo para sakanya dahil imposible at never, with a capital N, mo nang maibabalik ang ipinuhunan at ginugol mong oras para sakanya.

Kahit humanap ka pa ng paraan sa apat at sulok ng mundo, wala.

And exactly my point dahil wala naman itong apat na sulok.

Naputol ako sa pag da-drama nang maramdaman ko ang kamay ng isang tao sa balikat ko. Nilinga ko para makita ko kung sino siya.

Ugh.

"What do you want?" Tinignan ko siya nang masama. "And get your filthy hand off my precious shoulder." Ibinuhos ko na lahat ng pagka-maldita't sungit na makakaya ko sa pahayag na iyan. Ngumiti lang siya.

"Don't be so harsh. You should've guessed I traded my Toyota for a Jaguar." Ang saksakan ng yabang na sagot sa'kin ni Quez kasabay ng malisyosong paghagod ng mga mata sa katawan ko.

"Traded? Why? Wala ka bang pera pambili?" I deadpanned. Ayoko na siyang makausap dahil baka isubsob ko pa ang mukha niya sa naroong chocolate fountain. Umilap naman ang mga mata niya at obvious na wala na siyang mahagilap pang pangungusap para isampal sa'kin.

"Come on, dude. Don't touch my girl." Nagulantang ang kaluluwa ko nang dampian ako ng halik sa pisngi ni Duke. Napapalibutan ako ng mga... Ugh!

Umalis na naman si Quez dahil... well, awkward. Hindi na unique ang frog face niya dahil dumating na nga si kuto.

"Anong 'girl-girl' ang pinagsasasabi mo riyan, ha? Tawag ka ng Daddy mo." Ang purong kabulaanan kong pag i-imporma sakanya nang siya'y mawala na sa matuwid kong landas.

Puksain ang mga lalaki!

"Hey." Sunod namang dumating si Caren kasama na ang mga kapatid ko. Ang agad kong napansin malapit sa panga ni Kuya ay ang deep red na hickey at si Ate naman ay kinukusot ang kanyang mga mata na siguradong napagod kababasa.

"Saan ka ba nagsususuot? Para akong baliw kakasalita kanina, wala ka na pala sa tabi ko!" Ang nayayamot na saad ni Caren. Aba'y patawarin at nag-emote ang dyosa.

"Uhh..." Hindi ko napigilang maglumikot ang mga mata ko sapagkat narito pa rin ako sa pwesto kung saan ko natanaw sila Perrie at iyong lalaking mukhang nakatira sa pusali.

"Hoy!" Ang suway sa'kin ni Ate nang mapansin niyang wala ako sa katinuan. "Sino bang tinitignan mo riyan?" Lumapit siya sa kinatatayuan ko at sumilip-silip para makita kung ano--- o sino, ang tinitignan ko.

"Ave, siya ba si Perrie?" Biglang singit ni Caren at mukhang siya ang nakakita at nakahalata na iyong babae ang tinitignan ko.

"Huwag kang maingay." Kung anu-anong kalokohan ang naglulumipad sa isip ko na siya ring dahilan kung bakit 'di nila ako makausap nang maayos. At paano nalaman ni Caren na dadalo rito si Perrie? Cheesemax?

My Wattpad Buddy (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon