Chapter 19 - Love and Hope

5K 257 178
                                    

Pixietizens, labas! Release the Kraken! Charot! Hahahaha! Vomments, loves! ^.~
==========

~• Nineteen •~
Love and Hope

Inilaan ang buong gabi sa pagsasanay. Walang tulugan. Lahat ay hayok mag-training at magpalakas. Pagkagat ng araw ay sisimulan na ang pagpaplano.

Hinati ni Supremo ang Legion sa apat na grupo. Isang grupo ng halong Cryst level wizard and guardian categories ang magmamanman sa Gravenshaft District at Nothing Avenue, isang grupo ng Cryst level guardians na magbabantay sa Westwing, isang grupo ng Cryst level wizards na ikakalat sa mga lugar sa Hollow Midlands, at isang grupo ng lahat ng Nix levels ang isasabak sa special assignment.

Siguro ibibilang ako doon sa special group. Special ako para kay Drey-Drey, eh.

Ipinaghiwa-hiwalay ni Supremo ang anim niyang kanang kamay para mamuno sa mga grupo. Si Amadeus sa District Team, si Jupiter sa Westwing team, si Lemuel sa Midlands Team, at sina Apollo at Romeo sa Special Team.

Nagtataka lang ako kung bakit ayaw ni Dreyxin na ipaalam sa bawat grupo ang kanya-kanya nilang assignment. Kabilin-bilinan niyang magtungo agad ang mga myembro sa mga lugar na itinoka sa kanila. Palihim rin itong gagawin upang hindi matunugan nina Huson ang aming plano. Binigyan sila ng mga wireless earphones na magsisilbing komunikasyon nila sa mission.

Huling ipinatawag ni Dreyxin ang special team dito sa conference room. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan lang ako ni Dreyxin na makinig sa mga utos niya sa bawat grupo. Narito lang ako sa tabi niya at tahimik na pinakikinggan ang kanyang mga plano.

"Special team, you will be having your mission outside Hollow Midlands." Kalmadong panimula ni Dreyxin habang tina-tap ang kanyang daliri sa mesa.

Napa-yes si Romeo sa nabalitaan. "Saan tayo Supremo? Medyo nagsasawa na rin kasi ako sa mga babae dito. Kailangan na natin maka-meet ng mga bagong chikababes."

Nagtawanan ang ibang kalalakihan. Mga talipandas talaga. Mga kemerut sila. Bastos!

"Kailangan nating hulihin sa bitag sina Huson. If they'll know that some members will be going out of this town, we'll let them follow. Mas mapapadali ang paghuli natin sa kanila kung sila ay maghihiwa-hiwalay at magkakawatak-watak."

"Supremo, hindi ba ito delikado? Lalo na't puro Nix levels ang ating isasabak sa outside mission?" Pag-aalala ni Apollo.

Napakunot ang aking noo. May punto si Apollo. Bakit Nix levels ang isasabak ni Dreyxin sa labas? Mas nakakapatanag kung ang mas malalakas na Cryst levels ang gagawa ng misyong ito.

"It's about time to prove themselves worthy of climbing up to the Cryst level, Apollo." Lumipat ang atensyon niya sa mga estudyanteng ito na mukhang kinakabahan sa mangyayari. "Nix levels, kapag napagtagumpayan ninyo ang misyong ito, you'll be promoted to the Cryst ranks. Kayang kaya niyo naman iyon hindi ba?"

Kahit may bahid ng takot at kaba ang kanilang mga mukha, malakas nilang isinigaw ang "Yes, Supremo!"

"Paano kung sa paglabas natin sa bayan, lusubin nila ang Dark Clandestine? Baka habang wala tayo dito, sumalakay naman sila. We are risking half of the Black Legion, Your Majesty."

Tama na naman si Apollo. Half of the Black Legion consists of the Cryst levels na maiiwan dito sa bayan. The other half which consists of the Nix levels would be outside Hollow Midlands.

Reincarnation of a Half Soul (Diamond Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon